Chapter 10

8K 265 35
                                    

I was still shaking because of what happened. Gosh, how can I be so frail? Kung hindi pa ako natauhan kanina, malamang kung saan na kami humantong. At anong pumasok sa isip ni Shannon at sya pa talaga ang nag initiate sa naganap na kiss kanina? Is she a lesbian? Parang imposible naman kasi sa pagkakaalam ko mayroon syang nobyo.

Wobbling,  I got up and get some clothes in my closet then put it on.  Hindi ko alam kung lalabas pa ba ako sa kwarto para kumain ng take out food na dala ko kanina.. Nang hindi ko na matagalan ang pagwawala ng tiyan ko, lakas loob na akong lumabas ng kwarto. Dahan dahan muna akong sumilip sa labas. Baka kasi nakaabang si Shannon. Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin sa kanya.

Nang masigurong walang senyales na nasa labas sya, dali dali akong bumaba at dumiretso sa kusina only to find out na wala na dun yung pakay ko..

"Looking for this?" Nasapo ko ang dibdib sa sobrang gulat. Magkakaron talaga ako ng sakit sa puso ng wala sa oras dahil sa babaeng ito. Basta basta na lang sumusulpot!

Pagharap ko sa kanya, I was caught off guard kasi naman ang lapit lapit lang nya. Langhap na langhap ko ang bath soap na ginamit nya. Slightly wet pa yung hair nya na halatang kakaligo lang...kinakain na nya yung burger na inuwi ko..

Umatras ako palayo sa kanya,"b-bakit ba lagi ka na lang sumusulpot ng walang abiso.? Aatakehin ako sa puso sa sobrang gulat sayo", I can't help myself to stammer.

She smiled seductively, "well, I'm sorry. I didn't know that my presence gives you that jumpy feeling"...

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Is she flirting with me? "Excuse me?"

Kumabog ang dibdib ko ng mas lalo pa syang lumapit, umatras ulit ako hanggang maramdaman ko na yung sink sa likod ko..napapikit na lang ako ng madiin ng ilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. Halos hindi na ko humihinga...

"Relax, I won't bite. I'll just get the ketchup". Napamulat ako ng maramdaman kong may inabot sya sa may ulunan ko. Para tuloy syang nakayakap sa akin kasi nasa pagitan nya ako..

Pinisil pa nya yung baba ko at ngumiti bago kumalas sa akin..bitbit ang bote ng ketchup na naupo sa mesa. Saka ko pa lang dahan dahang nai-release ang kanina ko pa pinigilang paghinga..pasimple ko pang sinapo ang parte ng dibdib ko kung saan nakalagay ang puso. Sobrang lakas ng kabog eh...

"Well, why are you still standing there? Aren't you hungry? Let's eat!" Punong puno ng siglang aya nya sa akin..parang wala yung nangyari kanina. How can she act so cool about it? Samantalang ako halos hindi makatingin ng deretso sa kanya sa sobrang nerbyos.

Tumango lang ako at tahimik pa rin na naupo dalawang silya ang layo mula sa kanya..dumukwang na lang ako para maabot yung burger at fries sa paper bag..

Pansin ko na minamasdan nya ang bawat galaw ko. Mas lalo tuloy akong ilang na ilang. Hindi ako tumitingin sa kanya. Iniiwasan kong makipag eye contact.

"You want some ketchup?" Hindi pa man ako nakaka oo, sinalinan na agad nya yung platito..

I murmured my thanks as soon as she gave the saucer to me...ramdam ko pa rin yung titig nya kaya hindi na ako nakatiis.

"Will you stop staring?" Nilakpan ko ng inis yung tinig ko..

She just chuckled. As if not worried about my grouchiness. "Will you relax? You're so tense. I told you, I don't bite....not unless you'll ask me to....."

I automatically blushed when I heard her last sentence, naalala ko na naman yung nangyari kanina..bakit ba ako pa yung nahihiya sa aming dalawa? Eh hindi naman ako yung nanunggab na lang at nanghalik...kung meron mang dapat mahiya or mailang, sya dapat yun!

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon