Raven's POV
Pangatlong araw na namin dito sa Brgy. Makabungkay. Tatlong araw na din na walang tigil ang ulan. Pagka land na pagka land pa lang ng eroplanong sinasakyan namin grabe na ang malakas na buhos ng ulan.
Mabuti na lang may malalaking 6x4 na truck ng mga sundalo kaming narentahan kung hindi malamang, na stranded kami sa airport ng ilang oras. Hindi kasi kakayanin ng ordinaryong sasakyan lang yung daan. Bukod sa maputik na, makipot pa rin ito..
Ngayon nga ay nandito lang kami sa kubo..lunch break muna. Kakatapos ko lang mag session sa isang batang may down syndrome. Nakakatuwa at kahit first time nyang mag therapy, ang bilis nyang maka adopt dun sa mga itinuro ko. Ang sarap din sa pakiramdam na after ko silang turuan papipiliin ko sila ng laruan na gusto nila. Nakakataba ng puso yung makikita mo yung saya sa mga mukha nila..
"Raven halika na. Kakain na tayo" tawag sa akin ni Grace..
Tumayo na ako at sumunod sa kanya..bigla akong nakaramdam ng sunod sunod na pagkulo ng tyan ng makita kung ano yung mga pagkaing nakahain sa hapag. Sa ilang araw naming pananatili dito sa Davao, pakiramdam ko nadagdagan ng ilang porsyento ang timbang ko. Sariwang gulay at prutas kasi yung mga pinapakain sa amin. Hindi na ako magtataka kung pag balik namin ng Manila, nagsisikipan na yung mga damit ko..
"Manang, kayo po ba ang nagluto nitong ginataang tambakol?" Kausap ko kay Manang Zeny..
"Hindi po maa'm. Yung asawa kong si Norman"..sagot naman nito patungkol dun sa isda.
"Itsura pa lang mukha ng masarap manang ah..nagmamantika pa yung gata oh..nagtatabaan na talaga kami nito"...singit naman ni Ren. Yung isa sa mga kasama naming guro din..
Sumang ayon naman yung iba. Tatlong araw pa lang daw naglolobohan na sila..ang sarap naman kasi talagang magluto nung mag asawang natokang ipagluto kami..
Inumpisahan na namin ang masaganang pananghalian. Wala pang tatlumpong minuto, halos simot na..may panghimagas pa kaming minatamis na saging na saba. Yun na ang nilalantakan ko ng biglang may tumawag sakin..humahangos pa ito..
Si Emong pala. Kapatid ng isa sa mga batang tinuturuan ko. Dahil hindi masyadong marunong magtagalog, bisaya ang salita nya kaya pinapa translate pa kay manang Zeny. May taga Maynila daw na naghahanap sa akin..nagtaka naman ako dahil wala naman akong alam na darating ngayong araw na ito..
"Labasin mo na kaya Ravs, baka isa sa mga supplier ng goods natin yan"
..turan ni Grace..Napakunot noo ako kasi wala naman akong alam na magsu-supply ng kahit ano kasi masama nga ang panahon. Wala din signal yng phone ko. Wala tuloy akong communication sa mga naiwan ko sa Manila. Lalo na kay Shannon. Nangako pa naman ako na tatawag sa kanya..kamusta na kaya yung babaeng yun??
"Sinabi ba ang pangalan nya?" Kausap ko kay Emong habang naglalakad kami palabas ng kubo..
Umiling lang ito. Ngumiti na lang ako at hindi na nagtanong pa..
Natatanaw ko na yung pigura. Bakit hindi man lang sumilong ang kung sino man yung naghahanap sakin? Baliw ba yun? Ang lakas kaya ng ulan. Ni payong wala man lang syang hawak..binigay sakin ni Emong yung payong na bitbit nya. Lumabas na ko ng tuluyan ng kubo...
Napatakbo ako sabay mura ng malakas ng mapag sino yung naghahanap sakin..tsk..
"What the fudge Shannon! Are you out of your mind?! Anong ginagawa mo dito sa Davao?" Hindi pa man nakakalapit sa kanyang sigaw ko..
Pagkakita nya sakin, agad syang nagtatakbo at sinugod ako ng yakap. Muntik pa kong ma-out of balance kasi medyo napalakas yung pagkakayakap nya...
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...