Chapter 29

6.3K 233 65
                                    

Raven's POV


Finally nakauwi na din kami. Inilapag ko sa sahig yung hand carry na maleta ko bago nagtuloy sa kusina. Naghugas muna ako ng mga kamay.

Kasalukuyan na akong umiinom ng tubig ng papasok na humahangos si Shannon. Hindi ko alam kung paano ko natagalan yung buong duration ng byahe namin sa sobrang kakulitan nya. Para akong nagka girlfriend na ten years old.. Wait, what? Girlfriend? Oh my God...tama ba tong pinasok ko??

*Face palm*


"My labs naman, bakit nilayasan mo ko agad? Nag mukha akong timang dun habang nag monologue kung paano kita matutugis mamaya"

"Ang consistent mo talaga sa pagiging manyak mo no? Kailan ba matitigil yan?"

"Kailan ka ba bibigay?" Balik tanong nya. Taas baba pa ang kilay na parang nanghahamon..

Nailing na lang ako, grabe wala akong masabi. The height sya ng pagiging in heat..

Nagsalin na lang ulit ako ng tubig sa baso. Nilagyan ko muna ng ice bago inabot sa kanya, "here, drink this..baka sakaling bumaba yang init mo sa katawan".

"Are you hungry?" Past 2pm na din kasi. Yung breakfast lang yung huling kain namin kanina.

Uminom muna ito, parang nang aasar pa kasi dahan dahan ang ginawa nyang pag inom. She even licked her lips na akala mo gatas yung ininom nya..

"I'm hungry but not with food, if you know what I mean"..

"Urgh! You're hopeless! Kung hindi ka nagugutom aakyat na ko sa kwarto ko para maligo at makapag pahinga. Pagod ako sa byahe."

"Uy gusto mo sabay tayo mag shower? I can give your back a scrub 😊".

"No thanks. I can manage." Kumikinang kinang na naman ang mga mata nya na animo'y may nakitang dyamante kaya alam ko na tumatakbo sa utak ng babaeng to..Kabisado na kita balbon...


_______________________________________

"Wow fresh na fresh!"

Nasapo ko yung dibdib ko sa sobrang gulat. Nabitawan ko din yung towel na pinangtutuyo ko sa buhok ko..paano kasi, yung abnormal kong "girlfriend" eh nasa harap ko agad pagbukas ko ng pinto ng banyo. Prenteng nakasandal sa wall habang ngumangata ng apple..

Pinaghampas ko sya ng towel ng mapulot ko ito sa sahig, "bwisit ka! Aatakehin ako sa puso sayo!"


"Hahaha! Bawas bawasan mo kasi kaka-kape. Ayan tuloy nagiging magugulatin ka--awww, aww!" Hindi nya malaman kung paano sasalagin yung bawat hampas ko..

Nang mapagod ay ako na din yung kusang tumigil. Naiinis pa din na nagtungo ako sa dresser at nag blower ng buhok..may sinasabi sya kaya mas nilakasan ko pa yung blower..

"What?! Sorry can't hear you"...my turn witch..

As much as I'm enjoying her yelling about something, kinailangan ko ng patayin yung blower, unless gusto kong masunog buhok ko.. manipis lang kasi ito kaya mabilis matuyo..

Mukhang nakaligo na din naman yung bruha at nakapagpalit na ng damit..

Napalunok ako ng mapatitig sa mahahaba nyang legs.. which is super kinis..maiksi lang yung short nya kaya malayang nakikita ko yung mahahabang biyas nya..

"Done checking me out?" Nakakalokong tanong ni Shannon..

Nag init yung mukha ko sa hiya..darn! What just happened?! I have my own set of legs too. And much more softer than hers! Oo nga at morena ako pero, I have a legs that to die for! Shit, nahawa na ata ako sa babaeng to sa kahambugan...

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon