"You heard me", I told them seriously. Deep inside, tawang tawa na ako sa mga reactions nila. It's a good thing na matagal ko ng na master ang pagiging poker face..
Although alam ko ng nagsisinungaling sila, gusto ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang dahilan at kinailangan pa nilang gawin yun. Base lang sa nalalaman ni Macky ang alam ko kaya gusto pang mag imbestigang mabuti bago ako sumang ayon sa gustong mangyari ni Mr. Dave Alvington.
Yep, Shannon's father talked to me after he learnt what he's only daughter is up to. He said it is high time that her daughter will learn the true sense of life. Masyado daw nilang na spoil kaya naman lumaking self centered ito. Gusto daw nilang matutong tumayo sa sariling paa ang anak. Ang pahalagahan ang kung anong meron ito ng sa ganon ay mapag aralan nitong pamahalaan ang ari arian ng pamilya sapagkat sya lamang ang nag iisang pwedeng gumawa nun..
Wala naman na sana akong pake sa buhay nila kasi una, hindi ko naman sila kilala. Pangalawa, magka iba naman ang circle of life namin, at lalong wala naman akong mapapala sa kanila, yes he offered me a big a mount of money if ever daw na mapapatino ko ang anak nila pero hello? I have my own money. Kahit hindi na nga ako magtrabaho for the next 20 years of my life ay kayang kaya pa rin akong mabuhay sa pamamagitan lang nung trust funds na iniwan ng grandparents ko..
Pero ewan ko ba, there's something with the old man that makes me think about it. Maybe it is his desperation. He seemed like a lost boy when it comes to her daughter. After daw kasing pumanaw ng asawa nya five years ago, sa business na lang daw sya na focused. Napabayaan na daw nya ang kanyang anak. Puro material na bagay na lang lagi ang pinampupuno nya sa lahat ng pagkukulang dito..I somehow pity Shannon. Alam ko kasi ang feeling ng neglected. Yung parang feeling mag isa ka lang. Na walang nagmamahal sayo. Kaya naman sinabi ko sa ginoo na pag iisipan ko muna. At heto na nga, nasa harapan ko na ang brattinela..kasama ni Macy na dalagang dalaga na. Parang kelan lang yung nagpipilit syang sumama sa amin nina Macky sa mga lakad namin. Ahead kasi kami sa kanya ng limang taon..
"But ate Raven, ate Macky told us that you're looking for a secretary". Si Macy.
"I guess mali yung info na nakuha nya. Ang sabi ko kasi kay Karl personal maid..," binigyang diin ko yung huling sinabi ko..
"Hindi ko naman kasi kailangan ng secretary, madali lang naman yung ginagawa sa center so pwedeng kami kami na lang din ang sumagot ng calls ng mga clients at mag take notes ng schedule ng mga students. Mas kailangan ko ng kasambahay dito kasi, well as you can see, medyo spacious ito. Kailangan ko ng makakatulong na ma maintain ang kalinisan. You know naman na may pagka OC ako. Sakto naman, nagpa alam na yung helper ko na pumupunta dito twice a week kasi sya daw ang mag aalaga sa apo nya so kaya na kwento ko kay Macky yun..baka talagang mali lang yung intindi nya, alam mo naman yung ate mong yun, exaggerated. Parang ikaw". I let out a hearty laugh when both of them puckered their lips..
Tahimik pa rin sila. Parang pinag iisipang mabuti kung ano ang susunod nilang gagawin. Mukhang kulang ang dala nilang bala..
Pinagsalikop ko ang aking mga palad at akmang tatayo na, "so paano? Lumalalim na ang gabi, siguro kailangan nyo ng umuwi at baka mapaano pa kayo sa daan. Shannon, as much as I want to take you in, hindi ka naman siguro papayag na maging kasambahay ko di--"..I was interrupted when she suddenly speaks.
"I can do it! I can be your slave if that's the only hiring job you can offer"..
"You're not gonna be my slave. Helper is much preferred".
"Whatever, helper, maid, slave, iisa lang din meaning nyan. Kesa naman tulad ng sinabi ni Macy na magpapagiling giling ako sa kabaret. Mas decent naman yung maging helper mo"...
Hindi ko na naman napigilang tumaas ang kilay ko. Halata mo kasi na may agenda sya. Saan ka naman kasi nakakita ng aplicant na arogante?
"Are you sure? Baka hindi ka sanay sa gawaing bahay." Pasaring ko naman..
"Kayang kaya ko yan. Lahat naman ng bagay napapag aralan, kahit nga pang aagaw"..pabulong yung last part kaya di ko masyadong naintindihan..
"I'm sorry?" Patanong ko.
"You should be!" She said in a high pitch tone..
"What?" Now I am more intrigued. Why do I have this feeling na may kinalaman sa akin kung bakit andito sya ngayon?
"Arr, err, I-i mean. For my family! I will do anything for my family. Yes that's it. That's what I said", ngumiti sya ng alanganin..
Still not convinced, tumango na lang ako. Hindi magtatagal at malalaman ko din kung ano talagang pakay nya.."then you're hired"..
"Really? " parang di pa makapaniwalang sabi pa nya..if I hadn't know better mapapaniwala nya ako. Parang genuine kasi yung relief na nakikita ko sa mukha nya. Para talagang gustong gusto nyang magtrabaho sa akin. Pero bakit?
"Yeah. You can start whenever you're ready". I confirmed.
Tuwang tuwa naman na nag high five pa silang magkaibigan. Naguguluhan man ako sa inaakto nila, hindi ko na lang pinahalata. Na gulat pa ako ng sabihin nilang ngayong gabi na daw si Shannon mag uumpisa. May dala na daw syang gamit sa kotse ni Macy. Seems like they've really planned this..
Pagka kuha ng maliit na luggage nya na Louis Vitton lang naman ang brand and I know na hindi ito peke, dun pa lang magdududa ka na. Everything about this womam screamed how rich she is. At kahit pa nga gumamit pa sya ng mga pekeng gamit, mahahalata mo pa rin sa way ng kilos at pananalita nya..
Nagpaalam na uuwi na daw si Macy, binilin pa na ingatan ko daw ang kaibigan nya. Muntik ko ng maibulalas na ako ang dapat na mag ingat sa kung ano mang binabalak nila..buti na lang nakagat ko ang dila ko..sinabi ko na lang na sa bahay ko na lang din sya magpalipas ng gabi kasi pasado 10 pm na. Sanay naman daw syang bumyahe kahit gabi na so hindi ko na lang pinilit. Binilin ko na lang na mag txt sya kapag nasa bahay na nila sya..
"Ready Shannon?" Baling ko sa kanya matapos mawala sa paningin namin ang sasakyan kung saan lulan si Macy.
"Why yes. I am". She answered in a semi husky voice..
I smiled and whispered, "welcome to my lair then"....
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...