Chapter 14

7.3K 264 22
                                    

I'm trying to focus on driving when I heard my phone rung, binagalan ko ng konti para masagot kung sino man ang caller ko. Without looking who it was, I swiped the screen on my phone and answer it.

"Yes, hello Good morning"

"Raven, I'm outside your house" napakunot noo ako ng marinig ang tinig. Tiningnan ko ang phone ko para masiguro kung sya nga yun..

I sighed,  I'm sure sasabihin na nya kung ano ang napagdesisyonan nya tulad ng napag usapan namin the last time na magkita kami..

"I'm already on my way to work"

"I see, kaya pala walang nagbubukas, ahm I'll tell you na lang over the phone" sagot nya..

Andun naman si Shannon bakit hindi nya pinagbuksan? Baka nakatulog na naman ang babaeng yun or ayaw nya lang kasi hindi nya kakilala.

"Don't you want us to meet na lang later? Let's have dinner somewhere, besides I miss you already" malambing na turan ko sa kanya..

I heard him sigh from the other line. "Alright but I will tell you still..I--i decided to have a surgery"...

Naapakan ko bigla ang break ng sasakyan sa narinig. Although inaasahan ko na yun talaga ang magiging desisyon nya, at the back of my mind umaasa pa rin ako na ipagpapatuloy nya pa rin kung ano yung nakasanayan na.

Tuluyan ko ng itinabi muna ang sasakyan. Baka ma disgrasya pa ko sa mga susunod nyang rebelasyon. "Are you sure about that?"

"Yes, this is what I want. I want to be free. Be the real me. I'm sick of pretending. I'm tired of hiding".

I closed my eyes tightly as I heard the desperation in his voice. Parang kinurot ang puso ko. Na imagine ko ang mga pinagdaanan nya noon..

"Ok. If that's what you really want, you'll have my support".

"Gosh, thank you Ravs, I know you're the only one who can understand me. You don't know how happy I am. You know I love you right?"

Napangiti ako kahit hindi naman nya ako nakikita. "And you know I love you more right?"

Nag usap pa kami saglit bago nagpaalam sa isa't isa. Pinagpatuloy ko na rin ang pagmamaneho. Binilisan ko ng konti ang takbo at malilate na pala ako sa first session ko.

"Ugh, get out of my head witch!" Nasambit ko ng pumasok na naman si Shannon sa isip ko, with her devilish smile...

____________________________________________________________

Nag aayos ako ng table ko ng pumasok si Jane sa pinakang office namin, bilis ng oras, madilim na naman sa labas..

"Ravs next week na yung punta natin sa province. Naka ready ka na ba?"

"Shoot, next week na ba yun?" Nasampal ko ng mahina ang noo ko. Nawala na sa isip ko nga pala yun.. Puro ka kasi Shannon kaya nakakalimutan mo na ang mga schedule mo. Nailing iling ko ang ulo ko para pigilang makipagtalo sa sarili ko..

"Hindi pa ko nakakapamili ng mga ipamimigay sa mga bata doon", ugali ko na kasing magbigay ng mga damit, laruan at chocolates sa mga bata. Lalo na sa mga matuturuan naming special children..

"Ok lang yan, Saturday  naman bukas. Pwede ka pa mamili. Worry wart ka talaga eh ano? At in fairness ngayon lang nangyari sayo yan ah. Dati naman one week before nakapag pack ka na ng mga ganyan. Tinalo mo pa nga si Santa Claus eh. Ano ba pinagkakabisihan mo lately?"

"Ha? Ahhm kuwan f-family matters." Nabubulol na sagot ko.

Tumaas lang ang isang kilay nya. Nakatitig sya sa akin na para bang inaarok kung nagsasabi ba ako ng totoo..

It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon