Raven's POV
"Your hand looks heavy, let me carry it for you". Yun ang katagang namutawi sa bibig ko habang naglalakad kami ni Shannon.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para i-holding hands sya.
Wala naman akong nakitang pagtutol sa kanya. Bagkos ay kumapit pa sya sa akin ng mas mahigpit at ngumiti..
Napangiti din ako ng marinig yung pumailanlang na musika sa loob ng mall. Good night nga ata para sa amin ang gabing ito.
-----------------------------;-)
"Are we all set?" Tanong ko kay Grace patungkol sa nalalapit na pagpunta namin sa Davao regarding dun sa program....
"Yep, everything is perfectly perfect according to our plan".
"Good"
Kaming dalawa ang magkasama kaya dapat asikasuhin namin ng maayos. Isang linggo din kami dun, may mga kasama ding volunteers from different centers, 2 doctor at ibang therapists...
To our surprise, may ilang politikong nagbigay ng donations..last minute donations na sobrang ikinatuwa namin. Malaking tulong yun para sa mga mamayan ng Brgy. Makabungkay...
"So pano guys, mauna na ko umuwi. Magpapack pa ko ng dadalhin kong gamit bukas. See you at the airport Grace"..paalam ko na sa kanila.
"Alright, sasabay ako sa service ng GCS, walang maghahatid sakin ng madaling araw. Napakabuti kasi ng kapatid ko". Pumapalatak na turan nito. Ayaw daw kasi syang ihatid ng bro nya kasi sobrang aga. 3am kasi yung flight namin papuntang Davao bukas..
Nagbeso na ko sa kanila, "mag ingat kayo dun ah. Mindanao yun, maraming rebelde. Baka ma kidnap kayo". Pananakot naman ni Lanie..
"Gaga!" Panabay pa naming sagot ni Grace...na ikinatawa namin..
Tuluyan na akong nagpaalam. Maaga pa kaya di ako inabutan ng rush hour. Pagdating na pagdating ko sa bahay, mukha agad ni Shannon yung hinanap ko.. As if naman may ibang mukha ka pang makikita...parang timang na bulong ko sa sarili..
Magmula nung weekend na lumabas kami, nag iba na yung pakikitungo namin sa isa't isa. I mean, she's still the same woman na nakilala kong makulit, mapang asar, maingay, pero naging mas extra sweet. Hinahayaan ko lang naman sya. Hindi ko na madalas sungitan. Aminin ko man or hindi, may dulot na kilig sa puso ko yung mga ginagawa nya.
Very thoughtful kasi sya. Ultimo mo kailit liitang bagay ipapaalala sayo. Hindi din sya madamot sa compliment, sincere sya kung magsabi kaya di mo iisipin na binobola ka lang.
Isa pang napansin ko sa kanya, habang tumatagal, pasarap ng pasarap yung mga luto nya. Kahit simple..dati puro take out kinakain ko, ngayon halos ayaw ko ng kumain sa labas. Puro luto nya yung hinahanap hanap ko. Lalo na sa umaga, parang pinaka bonding namin yung breakfast bago ako pumasok sa trabaho. Tapos papabaunan pa nya ko ng lunch.
Kaya naman susungitan ko pa ba sya ng lagay na yun?Aminin ko man o hindi sa sarili, unti unti na nyang natitibag yung wall na nakapalibot sa puso ko. Magmula ng masaktan ako sa unang pag ibig, si Shannon pa lang ulit ang taong may kakayahang iparamdam sakin yung mga bagay na mahirap ipaliwanag..
"Why are you home so early? Miss mo ko noh?" Si Shannon. Nadatnan ko sa kusina. She was drying her hands from the towel..
I smiled at her. Yung dating ikinakabwisit kong kayabangan nya, at over flowing na kayabangan at kamanyakan, ikinakatuwa ko na ngayon..tsk. may pagka salamangkera talaga ang babaeng to..
"Sorry to burst your bubble Miss. But no, umuwi talaga ako ng maaga kasi magpapake pa ko ng gamit na dadalhin ko para sa out reach program namin".
"Assses. Ano ba madalas ko sabihin sayo? Hindi. Masama. Umamin". She said, emphasizing her last three words..
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...