It Started With A Lie

27.1K 400 22
                                    

"Macy, we have to do something to take him back! Hindi ko kayang mawala si Chad sa akin ng ganun ganon na lang". Umiiyak na parang bata na sabi ni Shannon.

Iniwan lang naman sya ng boyfriend nya kaya ganun na lang ang atungal nya. More than six years na silang magkasintahan kaya naman hoping na sya na sila na ang magkakatuluyan. Na imagine na nya ang magiging future nila. Ang kanilang kasal. Kung ilan ang magiging anak nila. Kung anong pangalan at kung anu-ano pa. Tapos sa isang iglap lang. Sa isang kisap mata, maglalaho na lang na parang hindi naging sila?

"Pwede bang kumalma ka Shannon Nicklause Ordaine Alvington? Aba sa lakas ng atungal mo pati mga patay mabubulahaw sayo ah!"

"We need to take him back!" Iyak ko pa rin. Wala akong pake kahit mabuhay muli ang patay sa kaka iyak ko. Hindi pwedeng hindi kami magkabalikan.

"Bakit "we"? Eh ikaw lang naman may gustong makipagbalikan sa ungas na yun? Saka pwede ba Shannonita tumigil ka nga, you are acting so desperate. Marami pang lalaki dyan. Hindi kawalan ang Chad na yun. High School pa lang tayo alam ko ng hindi talaga kayo ang magkakatulu---...."

Hindi na nya natapos ang sasabihin ng batukan ko sya. "Bestfriend ba talaga kita? Napaka unsupportive mo eh. Saka anong sinasabi mong hindi kami magkakatuluyan? Nagtagal nga kami ng six years diba? Confused lang sya kaya ganun. Wala naman syang sinabing may third party kaya nakikipaghiwalay sya. Kailangan lang daw nyang hanapin ang sarili nya".

"Kailangan talaga nambabatok?" Himas ang nasaktang ulo ay dumistansya sa akin ng konti. Takot sigurong mabatukan ulit..

Hindi naman sa bayolenteng tao ako. Ganun lang talaga kaming magka ibigan. Kilala na namin ang isa't isa kaya ayos lang kung minsan nagkaka pisikalan na kami..pero hindi naman kami nagkakapikunan. Since birth na kami magkakilala kasi mag bff din mga nanay at tatay namin so ayun nga....


"Look Shan, ikaw na rin nag sabi. Six years, six long years and yet naliligaw pa sya? Bakit kailangang hanapin churva pa nya ang sarili nya? Dapat nasa level 2 na ang relationship nyo. Nag level up na kumbaga. Level up as in fiancé mo na sana sya ngayon. Pero hindi, naghiwalay pa kayo. It only means na hindi ikaw ang nakikita nyang makakasama hanggang pumuti na ang buhok nya".

"This may sound brutal but the way I see it, he is not in love with you the way you are with him anymore. I mean, it's been months since he asked you his freedom. And again, the way I see it I think he already found someone he can spend the rest of his effing life with".

"Eeeh! Isa pang the way you see it mo dyan tatamaan ka naman sakin. Bakit ba ikaw pa naging bestfriend ko? Napaka unsupportive mo talaga sa love life ko".

"Haha, bayolenteng kaibigan ka talaga. Syempre kaya mo ko bestfriend kasi ako lang ang nag iisang nakapag tiis dyan sa balahura mong ugali. Gusto mo bang isa isahin ko pa yung kamalditahan mo nung bata tayo? Lalo na nung nilagyan mo ng palaka yung bathroom ng faculty teachers tapos ako lang yung nagtanggol sayo? Eh yung natapon yung noodles nung mag camping tayo tapos pinulot mo ulit para ipakain kay Miss Anon? At yung....."

"Oo na! Hindi mo na kailangang isa isahin. Hindi pa ko ulyanin. And besides, those teachers deserves what I did. Mga maldita din sila, kaso lang mas maldita ako kaya ganun. At bakit ba napunta tayo sa kabataan natin, balik tayo dun sa plan ko na mabawi si Chad!"..

"Anong plano plano ka dyan, ni hindi mo nga alam kung nasaan sya ngayon. Hindi mo makausap ng matino yung relatives nya. At hello? Kung gusto pa nyang makipagbalikan sayo, di sana matagal na. Aba almost three months na syang walang paramdam sayo. Kaya tell me, pano mo mababawi ang taong ayaw na?" Nag uumigting ang veins sa leeg na may kasamang pandidilat na tanong nya. Lihim tuloy akong napatawa. Mukha syang puffer fish na parang si lola Nidora nung color pink ang wig hair nya. Haha...


"Kaya nga paplanuhin eh. Kung kinakailangan ko ring gumawa ng blueprint gagawin ko para lang sa forever ko".

Napa antanda pa sya na parang namamaligno, "Yaya Dub?"..

Napitik ko na lang sya sa ilong. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko ng mailabas ko sinasaloob ko. Nagplano na rin kami ng unang hakbang para mabawi si Chad,.wala na rin nagawa si Macy kundi maki ayon na lang din sa akin. Para na rin kasi kaming magkapatid kaya ang laban ng isa ay laban naming dalawa.

Nang matapos ang drama ay pinanood na lang muna namin ang replay ng Kalyeserye. Team replay kasi kami ng #TamangPanahon kasi out of town kami ng mangyari ang nasabing programa. Super Aldub fan kaming magbestfriend. Nakiki twitter party din kami everytime na may I papa trend.

Habang kinikilig ako sa dimple ni Alden, nagba browse din ako sa instagram account ko ng may mahagip akong isang picture na kaka post pa lang. Si Chad! After ng hiwalayan namin ngayon na lang ulit sya nag update ng status nya sa social media. At hindi lang sya nag iisa. May kasama syang babae at lalaki sa picture. Todo smile sila sa camera. Binasa ko yung naka caption; "ATM with the gorgeous teacher I've known. ♥♥♥".



Daig ko pa ang nag ice bucket challenge sa lamig ng nararamdaman ko. I suddenly felt the vigorous need to throw away my newly bought Iphone 6. So may iba na sya! Kaya pala ni ha at ho ay wala man lang akong narinig sa kanya. May pa confused, confused pa syang nalalaman! Yun pala may nakita lang syang iba!

I took a deep breath and regain my composure. I felt cheated. Parang bumulusok ng mga tatlong ulit ang self esteem ko. Masakit pala talagang malaman na pinagpalit ka sa ibang babae ng lalaking mahal mo. Ngayon ay alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng salitang "nakaka babae"!

Nanginginig ang kamay na ini on ko ulit ang phone ko, pinakatitigan ko ang babaeng kasama nya. At ngayon ko lang napansin na naka akbay pa pala sya dito! Mga hudas! Ang saya saya nila samantalang ako nagdadrama pa rin at umaasang magkakabalikan pa kami in the end yun pala ang talipandas na Chad nakahanap na ng babaeng ipapalit sa akin! Hindi ko matanggap!

Unti unting nilukob ng galit at paghihiganti ang puso kong nasaktan. Pinakatitigan ko yung babae. Curly ang shoulder length hair nya. May kakapalan ang kilay nyang maarteng naka arko. Malantik ang pilik mata. Matiim kung tumitig. Sakto lang ang tangos ng ilong nya. She has full lips..heart shape ang mukha. Slim. I clenched my fists. I hate to admit it but, she's pretty.

Nagambala lang ang paga analyse ko sa babae ng biglang magtitili si Macy habang nakakatutok pa rin ang mata sa screen ng laptop ko. Magka yakap na sina Alden at Yaya Dub, pagtingin ko kay Macy teary eyed na sya habang yakap ang isang unan. Halatang kilig na kilig. Pero ako? Ayun parang namanhid. Ni hindi ko na magawang kiligin sa aldub. Ang sakit sakit lang ng nararamdaman ko ngayon.

Buti pa si yaya Dub, nakamit na ang tamang panahon na matagal na nyang inaasam. Samantalang yung inaakala kong prince charming, may iba ng prinsesa...hindi ko na kinaya pa. I once again broke into tears.

"Ay grabe naman yang kilig mo Shan! Bakit ganyan ang iyak mo? Talo mo pa namatayan?"

Mas lalo pang lumakas ang iyak ko. Parang mas matindi pa sa namatayan ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit lang. Ang sakit....

Naramdaman kong may kumuha ng phone sa kamay ko. Sige pa rin ako sa walang humpay na paghihinagpis..ng biglang napasinghap si Macy.

"Oh My Gosh! Si ate Raven?!!"

Napatigil ako sa pag nguyngoy at marahas na tumingin sa kanya, "you know her?!".......









It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon