Hinihingal na naupo ako sa harap ng manibela...halos hindi ko ma start yung kotse sa dala ng sobrang panginginig ng kamay ko...
Ano ba talagang gusto ng babaeng yun? Una nag sinungaling sya tungkol sa pagkatao nya tapos ngayon kung anu anong pang seseduce ginagawa nya sakin...Ano bang trip nya?
Does she knows that I was once a lesbian kaya ganun na lang pang aakit nya? Pero imposible kasi family at closest friends lang ang nakaka alam ng tungkol sa nakaraan ko...Oo at tinutukso pa rin ako ng mga kaibigan ko kung kelan ko ulit papalitan ang nag iisang babaeng minahal ko dati pero hanggang dun na lang yun..
Wala na akong balak magmahal ng kapwa ko babae..not anymore..after what I've experienced before, I don't think I would still want that...it almost ruined my life...loving a woman almost destroy my whole life...
"And then came Shannon, ugh!" Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko...maloloka na ko sa kanya...ibayong self control ang kailangan ko para huwag madala sa panunukso nya...mahirap iresist ang babaeng persistent na maganda pa..ugh! Nope, hindi ko sya type! Masyado syang maharot... "Tell that to the marines!" I heard at the back of my head echoed...."Ugh, damare!"...I screamed before driving as fast as I can away from my house where the witch was unfortunately staying...
Hanggang sa dumating at matapos ang morning sessions ko sa pagtuturo, aburido pa rin ang isip ko. Asual dahil pa rin sa babaeng haliparot na witch...
Lunch na at nagkakagulo na yung mga co-teachers ko. Lalo na sina Jane, ang iingay nila kaya pumunta ako sa bakanteng room na walang nagtuturo at doon sinumulang kainin yung lunch na hinanda ni Shannon. In all fairness, masarap talaga yung pagkakatimpla nya..ewan kung anong inilagay nya dito, may nalalasahan pa akong herbs...
Matiwasay na sana ang pagkain ko ng walang pasintabi na bumukas yung sliding door at sumilip yung mukha ni Karl. Ngumiti ito at tahimik na pumasok. Bitbit ang lunch nya bago tumabi ng upo sa akin...
"Bakit mag isa kang kumakain dito bunso? Ayaw mo ba kaming kasabay?" Maya maya ay tanong nito...
Umiling lang ako at nagpatuloy sa pag subo..napatunghay ako ng kunin nya yung isang pork chop ko at kinagatan bago binalik sa lalagyan...pinagmasdan ko lang sya habang ngumunguya...
"Wow, this is good..." lumunok muna sya saka nagpatuloy.."did you cooked that? Ano nilagay mo ng mapaluto ko din yan kay Macky"....
Umiling lang ulit ako. Wala sana akong balak magsalita pero nakatingin sya sa akin na parang sinasabing mag open up ako kung may problema ba...
I sighed, " Si Shannon nagluto nyan"...
He looked at me tenderly...ginulo gulo nya yung buhok ko like he always does whenever I'm feeling strange about anything...he said it is his way of comforting me...Karl is like a big brother to me even though he's just months older than me...
"I won't asked further more..,I know something is bothering you and that Shannon is one of them..lately napapansin namin na may time na may kakaiba kang sigla then bigla na lang mapapalitan ng pangamba.." he held my hand. "Alam mong andito lang kami ng barkada right? Lalo na si Macky".
"I'm afraid"..I said almost a whisper. He didn't utter a word so I continue, "this emotions I'm feeling right now is like dejavu...and it's scaring me because the last it happened, it almost destroyed me..you witnessed it all right? Pati friendship natin muntik ng masira dahil doon..uulitin ko pa ba dahil lang may isang babaeng hindi ko alam kung totoo ba or nantitrip lang"...
"Ravs listen to me, what happened in the past is over. You were young, naive and pretty much in love that time..every teenagers experienced that phase,you're all grown up now. Wiser. Alam mo na yung totoo sa hindi. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Hayaan mong maging masaya ka ulit. This may sound cliché but there is a reason why some people didn't made it to our future, so let go of yourself. Kung si Shannon man yung isa sa reason, papasukin mo sya kung magiging masaya ka din naman..hindi ko sinasabing agad agad. Kilalanin nyo muna ang isa't isa..basta ako, kami ng mga kaibigan mo ay nandito lang. Babatukan ka pa rin namin sa oras na mapariwara ka na naman"..
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...