Chapter 17

7.6K 258 50
                                    

Shannon's POV

"Bwisit kaaaaaaa!!"

My laughter echoed all over Raven's house as I watched her ran upstairs..

I took a deep breath first bago inumpisahang iligpit yung pinagkainan namin..napaka saya ko lang. Since lumabas kami nung weekend sobrang ang laki na ng pinag iba ng pakikitungo sakin ni Raven..

Yeah, I'd still tease her or even annoy her just for the heck of it. Ang cute kasi nya kapag naaasar..pero yung pag hipo ko dun sa ano nya di ko sinasadya yun ah..diba normal lang naman na kapag may nasaktang body part ang automatic reaction natin is himasin yun yung part na yun? So yun lang yun. Walang halong malisya. Swear. Ako pa ba? Si Shannon to uy. Walang kamalimalisya sa katawan..haha..

Minadali ko ng tapusin ang paghuhugas. Gusto kong tulungang mag pack ng gamit si Raven at bwisitin na rin. Hihi. Hays 1 week syang mawawala. Sobrang ma-mimiss ko sya for sure..nakakatampo nga kasi di man lang nya ko inayang sumama sa outreach program nilang yun. Bakit, makakatulong naman ako dun ah, pwede akong magturo ng ABC at bumilang ng 123 sa mga bata dun. Tsk. Ayan tuloy paniguradong boring ako dito sa bahay nya...

Nang mailagay ko na sa cabinets yung mga utensils na hinugasan ko, nagmamadaling umakyat na ako sa kwarto namin. Oo, kwarto namin..inangkin ko na din yun. Feeling ko nga mag asawa na kami sa set up namin ngayon. Yun nga lang walang loving na nagaganap. Ang saklap. Haha. Pagkapasok ko sa kwarto, nadatnan ko syang naglalagay na ng mga damit sa maleta..

Biglang binalot ng lungkot yung puso ko. Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa kanya at sa pinasiglang tinig ay sinabing " My labs do you need help?"

She smiled at me, yun ang isa sa big changes na nangyari samin. Kung dati hindi pa ko nag sasalita nakasimangot or grumpy na yung look nya, ngayon ngumingiti na sya na labis kong ikinakatuwa..kahit maaasar sya at first, she can manage to smile at me already..mabilis ng humupa yung pagka bwisit nya sakin...

"It's fine. I'm almost done".. sagot nya..

Hindi ko na natiis, niyakap ko sya. Back hug. Tapos pinatong ko yung chin ko sa shoulder nya..sinamyo samyo ko pa yung gilid ng buhok nya. Hindi naman sya pumapalag so I guess ayos lang sa kanya..."hindi pa man na mimiss na kita"..

"Hmmmm..umayos ka nga, nagpapake pa ko dito. Istorbo ka eh" .

"Eeeh, pa hug muna" lumabi pa ako para mas paawa effect..

"Tumigil ka nga, mukha kang may down syndrome pag ngumunguso kang ganyan"

"Whaaat?? Sa ganda kong to?" Oo nga at bilugan ang mukha hindi ibig sabihin monggoloid na ko tsk!

"Ganyan ka talaga sakin noh? Di mo na aappreciate yung beauty ko. Ano bang kailangan kong gawin para gumanda ako sa paningin mo? Ano gigiling giling na ba ko? Sabihin mo lang, para sayo willing akong maging belyas"...habang sinasabi yun unti unti ko na syang sinasayawan. With matching lip bite pa...


Nasapo ko yung noo ko ng makaramdam ng sakit. Natampal na naman ako. Tsk.."tumigil ka nga sa kalokohan mo Shannon. Binabawi ko na yung down syndrome..you're far from that"....


"Talaga my labs? Nagagandahan ka na sakin?" Mega smile na tanong ko..


"Wala akong sinasabing maganda ka ah. Ang sabi ko, binabawi ko na na may down syndrome ka..kasi ADHD ka!" Aniya sabay tawa ng malakas...


"Ahh ganun? ADHD pala ha"..since naka hug pa rin ako sa kanya, pinagkikiliti ko yung tagiliran nya..

"Shannon! Isa..tigilan mo nga ako..." hindi nya malaman kung paanong ilag ang gagawin nya...


It Started With A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon