Shannon's POV
Kakaupo ko pa lang after ko mai-lock yung gate at pinto ng bigla na naman may mag door bell..tsss panira naman oh!
"Sandali!!" Sigaw ko na as if naman maririnig ako ng kung sino mang hudas na yun na wagas maka door bell..
Kunot noong tinungo ko yung gate at hindi na nag abalang silipin kung sino.
"Holy mother Magdalene!" Bulalas ko sabay sarado ulit ng gate..ang lakas ng kabog ng dibdib ko..
"Hey, open this gate." Sigaw nung nasa labas..kinalampag pa nya yung gate..
Oh my gosh! What to do??? Kaya ko bang harapin si Chad na ex ko na ngayon eh mas babae pang tingnan sakin??
Shocks bahala na nga!
"Yes? Sino po kailangan nila?" Kunyareng tanong ko nung pagbuksan ko na ulit sya ng gate..
"Shannon??"
"Oh my God it's really you! What are you doing here in my sister's house?!" Nagtatakang tanong nito ng makumpirmang ako nga si Shannon..
"Do I know you?" Deny ko pa.."At sinong sister sinasabi mo dyan?"
"Holy fuck magkapatid kayo ni Raven?! Oh my God!" No wonder they have the same surname! Bakit hindi ko naisip yun dati pa..
"Yes. And it's me. Chad...na Chandra na ngayon."
Holy skirt. Is this for real???! Hindi pa din ako makapaniwala sa mga rebelasyong natuklasan ko ngayon lang.
Nasa loob na kami ng bahay ni Chad or rather Chandria at nagku-kwetuhan. Matagal na pala ang lihim nyang pagkatao.
"So nung maging tayo babae na din ang puso mo nun? Fudge! You effin' used me!" Kunyare ay galit na sabi ko sa kanya.
But to be honest, I don't feel any anger towards her. Or kung meron man kahit katiting kailangan kong maging mabait sa kanya. Magiging mag future sister in law kami eh 😂
Ang mga sumunod na pangyayari ay puro tawanan na ang naganap. Nag reminisce kasi kami ng nakaraan at natatawa kami na yung balak kong paghihiganti sa kapatid nya na si Raven nga eh hindi ko akalain na mamahalin ko. Nakwento ko na din sa kanya kung bakit ako andun sa bahay ng kapatid nya.
Maging sya ay nagulat, though alam naman na daw nya yung sexual preference ng kapatid nya. What shocked her daw is ako. Hindi daw nya expected na magkakakilala kami ni Raven. Nagbiro pa sya na blessing in disguise pa yung pag hihiwalay namin noon at ng pagiging babae na din nya ngayon 😁.
Raven's POV
"Good afternoon din po", ganting bati ko sa staff ng grocery store na pinuntahan ko.
Kumuha ako ng malaking cart at inuumpisahang bilhin yung mga nasa lists ko.
Nung nasa frozen section ako nakita ko yung favorite ice cream ni Shannon na macadamia flavor kaya kinuha ko na din.. speaking of the witch, natatawa pa rin ako sa pag iinarte nya ha.
Nangingiti pa ako nung nagbabayad na ako sa counter. Hindi ko alam pero napakagaan ng mood ko lately. Was it because of Shannon?? Hmm..
Matapos makapag bayad ay umuwi na ko agad. Baka miss na ko ni Shannon eh 😊
Habang nagmamaneho ako, may batang kumatok sa bintana ng sasakyan ko ng huminto ako sa traffic light at mag stop signal. Nagbebenta ng sampaguita.
"Ate bili na po kayo ng sampaguita. 10 lang po ang isang bungkos", alok nya sa akin.
Hanga ako sa mga batang sa murang edad eh kayang magbanat ng buto para mabuhay. Though nakakahabag yung kalagayan nila pero at least hindi sila gaya ng iba na umaasa lang sa limos.
Nginitian ko sya, "magkano ba lahat yan?"
"150 na lang po ma'am..bili na po kayo para magkabenta ako", magalang nyang sagot.
"Sige bibilhin ko na lahat yan", inabutan ko sya ng 500 pesos. Wala daw syang panukli kaya sabi ko so kanya na yun. Pang Jollibee nya..
"Naku ma'am salamat po. Good bless you po", tuwang tuwa naman nyang saad.
I smiled at the kid once more. Nag go signal na din kaya nagpaalam na ako. Nilagay ko sa passenger side yung bulaklak kasi ayaw ko ng may kung anu-anong nakasabit sa kotse ko aside sa isang rosary. Wala din akong mga Santo sa bahay. Catholic naman ako pero ewan ba, I find it creepy. I only worship God. May maliit din naman akong groto sa gilid ng garden ko pero si Mama Mary lang yung andun at ilang angel figurines. Pero since madami akong tanim na flowers, sagana sa bulaklak ang aking groto.
Kaya hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung sampaguita na binili ko..
Halos mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko ng may biglang pilyang idea na pumasok sa isip ko. Nag hazard muna ako at huminto sa gilid ng daan.
Kinuha ko yung post it paper ko sa loob ng compartment at nagsulat doon bago idinikit sa tali nung sampaguita..
"I can't wait to go home and see you my dearest Shannon" 😉
Immortal's POV (syempre kasama point of view ko dito)
Yey nakapag update din after what? A year? Hahaha. Pasensya na. Pinag hilom ko pa ang sugatan kong puso charot haha. Maraming salamat sa patuloy na paghihintay. Yung mga nag co-comment at nangungulit dyan na mag update ako, ayan na. Pag tyagaan nyo na yan. Nanibago ako magsulat 😁
So after hibernating for a long time, magiging active na ulit ako dito. Matatapos ko din tong story na to nila Shannon at Raven. And guess what? May bago ulit akong sinusulat na story! Haha. Abangan nyo yun ah. Yun lang at maraming salamat.
PS.
Gagayahin ko na yung ibang writers, comment and votes pls! 😂😂😂
BINABASA MO ANG
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...