Hi there dearest Reader!
This is my second story here in wattpad. Ang una pong story ko na ongoing pa din naman, story nina Andrei Montinez and Margareth Elises, titles "Taken for Granted: sweet innocence". If mapapansin nyo po, parehas silang Taken for granted at series title lang po ang pinagkaiba. May hugot po ata ako sa taken for granted! Hahaha!
Ang story ko po ay hindi edited. So expect ko po na maiintndihan nyo po ang mg pagkakamali ko sa grammar at spelling. Nagsusulat po ako dahil pangarap ko pong maging writer, naunsyami lang. Heheh!
Sana po mag enjoy kayo and Godbless!
Loving you,
This_is_myself____________________________________________________________
Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!
_________________________________________________________chapter1 (rainy girl)
GAB's POV
Isa lang akong ordinaryong istudyante. Kung papasa edi, pumasa! Kung hindi edi, repeater. Hindi ako bobo at alam ko sa sarili ko matalino ako. Ayaw ko lang ipakita. Inilalagay ko ang talino ko sa paanan ko kapag pumapasok ako. Nagpapanggap lang ako walang alam. Madalas nga sa mga test paper namin, alam ko na ang tamang sagot kahit pa walang choices. Pero mas pinipili ko ang sumagot ng mali.
I am a fast reader. Pero kapag ako na tinatawag para magbasa, i rather to read like a bee. Dirediresto, bigla magpo-pause at walang tono. Weird, no? Hindi niyo ako masisisi. May mga hugot ako sa buhay mula pa noong mag-kaisip ako. Hindi ako papansin. Wala lang kasi ako pagaalayan Ng pagod at hirap ko sa pag-aaral.
Nag-iisa akong anak ni mommy. Nabuntis siya ng boyfriend niya at hindi pinanagutan. Her boyfriend dropped her like a hot potatoe nung malaman na nabuntis siya. Model si mommy nun at kasalukuyang nagnanais maging artista. Kaya nung nabuntis siya, gumuho ang mundo niya!
May lola, isa ding dating bueaty queen na hindi man lang nakakuha ng first place.Palagi daw itong 2nd or 3rd place lang kaya si mommy ang tinututukan niya ng kutsilyo at pinupukpok ng martilyo para paghusayin ang pagmomodelo at pagsali sa mga bueaty contest. Kaya naman hindi na nakakapagtaka nung nalaman ni lola na sitnub si mommy hala, pinalayas siya ng bonga! Wapakels kasehodang buntis si mommy at sa kalye matulog.
Nung lumayas si mommy, ang dating sa malambot na kama; natutong matulog sa sahig, sa katre na lang. Ang kahit kelan ay hindi naglalaba, natutong maglabandera! Dati sa mall namimili, naging tindera ng karne sa palengke na syempre title holder pa din naman, "mutya ng tadtaran".
Hindi na nag-asawa si mommy kahit kelan. Pero mula ng pinganak ako hanggang sa mag grade six ako, hindi kami naging malapit sa isat-isa. Lagi ako napapalo at nasasabunutan lalo na kapag mainit ang ulo. Lalo na kapag alam kong hirap na hirap siya.
Minsan, sinubukan kong bigyan siya ng medal sa pag aakalang mababago noon ang pakikitungo niya sa akin, pero ang nasabi niya lang:
"Ano to? Sapalagay mo mamahalin kita dahil dito?" Sabay bato sa mukha ko ng medal. "Sa palagay mo, maiibalik nito ang buhay ko? Ang career ko?!"
Kaya mula noon, hindi na ako nagpakitang gilas pa. Para saan pa? Useless lang naman diba?
Nung makagraduate ako ng elementary, namatay naman si lola. Dahil nag-iisang anak naman si mommy, balik kami sa mini mansion ni lola. Hahahaha! Oo, mini mansion. Bahay kastila yon na namana pa sa lolo ni lola. Oh, diba, mana pa more! May 2 room sa baba at apat na room sa taas. May malalaking bintana na gawa sa capis at pintuan na style pang simbahan. Pupusta ako, kung hindi updated si lola at mommy sa newest interior ng bahay, mukha na iyon haunted house!
BINABASA MO ANG
Heart That Never Forgets
RomanceAng buhay parang gulong. Noon, ikaw hinahabol. Ngayon, ikaw ang maghahabol Noon, ikaw ang hinahanap Ngayon, ikaw na ang iniiwasan. Noon, siya lang nagmamahal. Ngayon, ikaw na LANG ang nagmamahal. Gabriella was head over heels inlove with Alexander...