Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!Warning:
Grammar errors and misspelled words may be encounter.GABRIELLA's PoV
Nagmamadali ako umuwi. Gusto ko sa kwarto lang ako. Gusto ko wala akong nakikitang mga tao. Ayoko na dito. No! Hindi ko kaya! Hindi naman totoo lahat ng sinasabi nila pero tumatagos sa pagkatao ko. I am not a raped victim! I dont cheat Alexander. I never ever had an intimate experience with any man. I may be a free spirit, wear skirts and crop tops But I am not an easy girl! I AM NOT A SLUT!
Nakabanggaan ko si mama.
"Gab?" lalagpasan ko sana siya pero nahagip niya agad ako. "Gab!"
"let me go!" pagpupumiglas ko.
"what happened to you? Namumutla ka.."tiningnan niya ang hitsura ko, she holds my shoulder then may hands." nanginginig ka, at nanlalamig. Anak, anong nangyayari---"
"huwag mo ako pakialaman! Kagaya ka din nila!" nagmamadali ako umakyat ng hagdan pero pinigilan ako ni mama
"anak..." tawag niya. "i'm sorry. Maling mali ako. Hindi kita dapat pinabayaan. Hindi dapat kita tinalikuran. Patawarin mo ako. Bigyan mo sana ako pagkakataon na makabawi sayo."
I look at her. My tears are starting to fall.
"hayaan mo ako na matulungan ka... Mahal na mahal kita.."
Napatingin ako sa ibang dereksyon para pigilan ang luha. "bakit ngayon mo lang yan sinasabi? Bakit ngayon lang, ma? Alam mo ba pangarap ko yan, matagal ko nang gusto na marinig na tawagin mo akong anak. Na mahal mo ako. Na pinahahalagahan mo ako. Bakit ngayon lang..." sunod sunod na ang paghikbi ko.
"i'm sorry. Nung...n-noong nakita kita nakaratay sa hospital. Nang makita ko kalagayan mo sa sinapit ng mga kidnappers mo, doon ko na realise lahat. Hindi pala kita kaya mawala. Hindi pala kita kaya mawala sa buhay ko Gab. Mahal kita, anak.. Alam ko huli na.. Please, give me chance.. Mama will do everything. Anything... Just give me a chance to be your mother. Babawi ako, I promise."
"then, t-take me somwhere, anywhere. KA-Kahit s-Saan. Basta m-malayo sa--- sa lugar na to. Kahit....kahit a-ako lang. Kahit hindi ka kasama.. Please.. P-Please, mama.. Mamatay ako dito. Masisira buhay ko dito. Ayoko na dito!" Pagmamakaawa ko. Napaluhod na ako sa sahig, sa harap niya mismo. But she managed to hug me.
"p-please, mama. M-mamatay ako dito. Hinuhusgahan nila ako. I am not a raped victim! Hindi ko sila niloko! Minahal ko si Alexander, mama.. Hindi ako pumatol kay Timothy. Hindi totoo ang paratang nila. Gani---Ganito lang ako m-manamit, Ganito lang po a-ako umasta pero hindi ako ma----madumi. Wala po ako inaagrabyado tao, bakit niyo ako ginaganito. Ano ba kasalanan ko?" i said between my tears. Hindi na ako makaaninag dahil sa walang humpay na luha na lumalabas sa mata ko.
"wala ka kasalanan, anak. Wala. Ako dapat sisisihin.." umiiyak na din si mama.
"i never betrayed Alexander, mama. Mahal na mahal ko siya. But why can't he trust me."
"Shhhh.." pag-aalo ni mama.
"every body in our school calls me Slut. That I deserve what ever happens to me. Because I mistreated others. Because they said I cheated. They call me whore. Chip ugly bitch. That I should never be alive."
"si Timothy, hindi siya hinalikan. Hindi ako nagpahatid. Sabi niya ibinilin ako ni Alexander sa kanya. Then may mga pictures, may video but it was all fake. I tried to explain, ma. But Alexander won't listen kasi hindi ako katiwa-tiwalang tao. Kasi mababang klase ako ng babae." bumalik lahat ng eksena nang araw na iyon. Ang sakit, ang hirap at disappointed. "He said he can never love someone like me. Bakit, ma? Ano Mali sa akin? Masama ba ako tao..."
"anak listen." mama holds my face so that we could see each other. "Anak, mabuti kang tao. Alam ko yun. And I am proud of you dahil hindi ka napariwara kahit pinabayaan kita. Kami ang masama. Sila ang masama. It was his fault na hindi ka niya pinaniwalaan. It was his lost because he choose to throw you away kesa pahalagahan at ingatan ang babaeng kagaya mo. Itn was never your fault, anak..."
"Ayoko na dito, mama. Sa tuwing pagtatawanan nila ako, naririnig ko ang tawa ng mga lalaking iyon. Umaalingawngaw ang malademonyo nila tawa sa akin. Tapos... Tapos nakikita ko na lang bigla ang mga mukha nila.. I am so scared, ma. Pakiramdam ko nasa paligid lang sila. Pakiramdam anytime may dudukot ulit sa akin."
"no! They can't do that! I am here. This time poprotektahan na kita.." mama assures me.
"no! You can't! Just take me somewhere. Kahit saan, mama.. Please.. Para mo ng awa.." muli ko pagmamakaawa.
*************
BINABASA MO ANG
Heart That Never Forgets
RomanceAng buhay parang gulong. Noon, ikaw hinahabol. Ngayon, ikaw ang maghahabol Noon, ikaw ang hinahanap Ngayon, ikaw na ang iniiwasan. Noon, siya lang nagmamahal. Ngayon, ikaw na LANG ang nagmamahal. Gabriella was head over heels inlove with Alexander...