31; She's Gone

1.1K 25 5
                                    

Unedited!!!
Unedited!!!
Unedited!!!

Warning:
Grammar errors and misspelled words may be encounter.

*********************

Alexander's POV

Maghapon kong inantay si Gabriella sa campus. Umaasang muli ko siya makikita at makakausap. Nahihiya ako sa sarili ko. I know something suspicious happened pero hindi ko ma-pin point kung ano yun.

I want to see her. Hold her. Hug her. I want her to know that everything is gonna be fine. That I miss her. That I am willing to forgive her kahit ano man ginawa niya. Marahil nga nagkulang ako bilang boyfriend niya kaya naman naghanap ito ng iba at sa katauhan ni Timothy. Sa relasyon namin laging ako nasusunod. I never asked her what she wants. It was me who always right even I was wrong.

"Kuya Xander!" humahangos si Emerald papunta sa akin.

"what's wrong? May nangyari ba?" nagtataka ko tanong sa kanya.

"meron!" hinihingal na sagot nito habang inaayos ang salamin na malapit na mahulog dahil sa pagtakbo. "kuya Xander..."hinihingal na sabi nito at humawak pa sa balikat ko." Si Gabby.."

"anong nangyari kay Gabriella?" marinig ko lang pangalan ni Gab nagpapanic na ako. Its like i don't want her to loose.

"Galing ako sa registral kanina. And they Told me..." hinihingal pa din ito. Alam ko may nangyari dahil hindi tatakbo ng ganito kalayo si Emerald kung hindi importante. "t-hey told me. Nag drop out na si Gabriella, kuya!"

"What?!"

Mabilis ako tumakbo patungong teacher's faculty. I need to talk to our adviser at pati na din ang bagong adviser ni Gab. This can't be! Hindi gagawin ni Gab ang bagay na to dahil lang sa ganto. She is always a fighter.

"Mrs. Amante, I want to know if totoo bang nag-drop out na si Gabriella Cassandra?" walang ka-abog abog ko tanong.

"oh, Young master Alexander..." bati ni Mrs. Amante. "...nanggaling kahapon ang mother ni Ms. Elises dito. And yes nag-drop out na siya."

"b-but why?!"

"we don't know. Magsasara na nga sana ang office kahapon mabuti nakaabot ang mother niya....."

Hindi ko na nahintay ang iba pa sasabihin nito. Nagmamadali naman ako pumunta sa bahay nina Gab. Kulang na lang paliparin ko ang kotse ko para makarating kanila.

She can't do this to me! This is not Gab. Gab is stubborn na ipipilit basta alam niya tama siya. So why dropping out? Gab was never a looser. At kilala ko siya hindi siya basta-basta maggigive up. Wala sa vocabulary niya ang pagsuko.

"tao po! Tao po!" sigaw at kalampag ang ginawa ko sa gate nina Gab. "Gab! GABRIELLA!"

"sino po sila?" bumaling ako sa likuran ko. It was their driver. "kayo po pala, sir.." nagbigay galang ito sa akin.

"Nasaan po si Gabriella?"

"naku, sir. Kagabi pa po sila umalis." pagiinporma ng driver.

"umalis? Saan sila pumunta?"

"hindi ko lang alam kung Canada or U.S., sir. Hindi naman ipinaalam sa amin."

Umalis sila ng bansa?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gabriella left.

"k-kelan daw po sila babalik?"

"sir, malabo na. Pinabebenta na po ang bahay at lupa. Ang ibang negosyo ni mam binigay na po amin mga kasmabahay nila para daw may pagkakitaan pa dn kami. Ang iba po pinapabenta na din."

"h-hindi na s-ila ba-babalik?"

"Hindi na, sir." sunod-sunod na iling ng driver nina Gab. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Narinig ko po si Mam Gabriella kahapon na umiiyak sinasabing gusto na niya umalis. Nagmamakaawa po sa nanay niya na ialis na daw siya dito. Mababaliw daw siya kapag nagtagal pa siya dito. At baka ikamatay pa niya..."

I feel hurt. Nararamdaman ko ang sakit na Nararamdaman ni Gab. I am so selfish. She was always with me in my bad time and I have all the chances to hold her but choose to let her go.

"sir...." tawag nito.

"bakit po."

"kilala niyo po ba yung Sander?"

Tumango ako. Ako taong tinatanong ni manong driver.

"gabi-gabi po nanaginip si mam Gab. Sinisigaw ang pangalan na yun. Humihingi siya tulong sa Sander na yun. Minsan sabi ng misis ko, paulit ulit sinasabi ni mam Gab na hindi niya daw niloko yung Sander.

Kasama na namin ang batang yun mula nang ipanganak. Kahit pasaway si Mam Gab, hindi natutong magsinungaling ang batang yun. Mas gugustuhin pa niya malatayan kesa magsabi ng hindi totoo. Kung ano man po ang sinasabi ni Mam Gab sa Sander na yun mukhang hindi siya nito pinaniwalaan. Pero alam namin lahat...kaming nakakakilala sa bata na iyon na nagsasabi siya totoo."

Napahawak ako sa aking buhok at marahas kong nasuklay ang sarili ko. Bumibigat ang pakiramdam ko, "G-galit po ba siya kay xander." hindi ko na ipinaalam sa matandang lalaki kausap ko na ako ang Sander na tinutukoy niya.

"ang alam ko lang, sir. Pinagsisihan niya na napalapit siya sa taong yun at ayaw na niya makita ang Sander na yun. Ikakamatay daw niya ang sakit dahil ng Sander na yun."

Hindi ko na napigilan. Napatulo na ang luha ko. Bahagya ako tumalikod para hindi makita ng kausap ko.

"mauna na po ako, sir...?" tatanungin pa sana nito ang pangalan ko pero hindi na ako sumagot.

Naduwag na ako. Naduwag na ako ipaalam kung sino ako. Dahil napaka mali at napaka laki ng pagkakasala ko kay Gabriella.

Wala na si Gab. She's gone. She left me without a word at pinagsisihan niya naging parte ako ng buhay niya.

My heart is aching at parang libo libong bato nakadagan dito. Sa kaalaman na wala na si Gab dahil hindi ko man lang siya pinakinggan. At sa kaalaman na nagsuffer siya sa sobra nang walang kadamay.

I have all my chances but I choose to stay away. I used her feelings towards me and take her for granted. Never thought she'll give up and left me. I never thought that one day I can't find her.... she's gone...

************


Heart That Never ForgetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon