Chapter 6: jealous

801 21 0
                                    


Unedited!!
Unedited!!
Unedited!!

Gab's POV

Bakit ba lagi kayo magkasama?

Magtu-two weeks na mula ng lumipat si Monica sa school namin. At mag-iisang linggo na din palaging magkasama si Monica at Xander ko.

Sa classroom, sa canteen, sa library...sa gym. Lagi sila magkasama. They are like south and north poles nang magnet.

"Oh, wala pa si Xander?" narinig kong tanong ni Drake sa mga kasamahan namin.

"Nope! Baka dinaanan si Monica sa kanila. I heard na sinusundo at hinahatid na siya ni Xander." pahayag ni Sam.

What the fuck! Ginawa mo nang driver bodyguard si Xander ko! Kapal fez mo Monica!

Tumayo si Matthew at lumipat ng upuan sa tabi ko. Alam ko pinaririnig sin nila mismo ang pinaguusapan nila. "Sa totoo lang, bagay sila. Right, Gab?" nakangisi ito sa akin.

"Oo, pare! Agree! Hindi nga mapaghiwalay ang dalawa eh!" gatong ni Sam.

"Bagay na bagay! Parang puto at dinuguan!" dagdag ni Dustin.

Sumunod naman tumabi sa akin si Sam. "Parang tuyo at champorado."

Kantyawan na silang lahat. Nagngingit talaga ako sa bwisit! Alam ko sinasadya at intensyon talaga nila pagtripan ako at napipikon din naman ako. Ugh!

"Guys, stop it!" saway ni Greco. "Do not bully-----"

"Shut the hell up!" bigla kong tayo. Tumigil naman lahat. Kasama si Greco. Iniilang hakbang ko ang paglapit kay Greco. Pakiramdam ko sasabog ako sa inis at selos. Pucha! Ngayon na nga lang nakagusto sa isang Adan may manika pang sumingit! Buti sana kung chucky! Pero hindi eh! Kamukha ni barbie.. Sakit,men!

"Papatunayan ko sa inyo, pwede din ang dinuguan sa pandesal! At hindi lang masarap ang tuyo sa champorado, masarap din siya kapartner sa kape pansabaw sa kanin!" sabaw walk-out ko.

"Ano daw?"

"Ba-bakit sa akin nagalit?" tanong ni Greco.

"Patay! Napikon 'ata..."

Dinig ko pa ang comments nila bago ako tuluyan lumabas ng classroom.

Nakakagigil! Nakakainis. Nakaka sama ng loob. Matapos ang paghihirap ko bigla may susulpot na kung sino manika ng mangkukulam at aagawin ang Xander maylabs ko.

Nagpapapadyak ako bumama ng hagdan. Naninikip ang dibdib ko selos. Kailangan ko sumigaw or kahit ang tumakbo para maalis ang galit ko.

Tumigil sa pagbaba sa hagdan. Huminga ako ng malalim at...
"Aaaaahhhhhhh!" isang napaka lakas na sigaw ang pinakawalan ko. Wala ako pakialam kahit may makakita sa akin or may masabi ang mga nakakakita sa akin. Kailangan ko sumigaw kung hindi ko gagawin yun for sure mangyayari ang pinaka ayaw ko mangyari.

Isang sigaw lang pero hinigop nun ang lakas ko. Dahan-dahan ako umupo sa baitang ng hagdan saka ko niyakap ang mga tuhod ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Heart That Never ForgetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon