Ang buhay parang gulong.
Noon, ikaw hinahabol.
Ngayon, ikaw ang maghahabol
Noon, ikaw ang hinahanap
Ngayon, ikaw na ang iniiwasan.
Noon, siya lang nagmamahal.
Ngayon, ikaw na LANG ang nagmamahal.
Gabriella was head over heels inlove with Alexander...
First day of school. Fourth year high school na ako. Ang sarap gumising nang masigla. Sa kauna-unahang pagkakataon masigla akong bumangon sa kama ko. Sa kauna-unahang pagkakataon excited akong lalabas sa silid ko.
"Good morning , manang Kusing!" Bati ko sa kusinera namin. Buhay pa si lola nandito na naninilbihan si Manang Kusing.
Hindi ako nito pinansin. Katulad kasi nito sina Lola at mama, parehas na parehas sila ng ugali. Snob. Pero hindi, wa-ako-pakels! Hindi sila ang sisira ng araw ko. Feeling ko kahit mabagsakan ako ng pupu ng kalabaw hindi ako mababad trip dahil makikita ko si Xander my loves.
"Manang Kusing, aalis na ako, ikaw na bahala sa bahay." Si mama na dere-derestso magsalita habang may kinakalkal sa bag niya. "Asan na ba yon?-- Manang, pasabi kay Gabriela ang kanyang allowance nasa ATM na niya.--Nawawala pa ata--Rose! Rose!" Tawag nito sa isa pa namin katulong. "Rose, ang susi ng kotse ko!"
"Opo mam, kukunin ko." Sagot ni Rose.
"Bilisan mo!" Celphone naman ang inintndi ni mama. "Mamang Kusing, pakisabi din kay Gab nabayaran ko na ang tuition niya at enrollment fee nung isang buwan pa."
Lumapit ako kay mama. "Good morning, mama!" Sabay halik at yakap ko dito ngunit bumitaw din naman ako agad. "And Thank you!"
"Mam Ella, e-to... p-po.... a-ang... s-usi..." Kahit si Rose nagulat din. Sa hinaba kasi ng panahon never ako lumapit kay mama at ganoon din ito.
"Magandang umaga, Rose!" Full smile ako dito. "Kakain na ako."
Madaming first sa umagang ito. First time ko humakap at humalik kay mama. At lahat sila natulala. Kahit si mama. Walang lingon likod akong dumeretso sa hapagkainan at dumapot ng pandesal. Alam kong may mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin. Ayaw ko din sila titigan, sabi ko nga maganda ang araw ko. Bawal ang bad vibes.
St. Mary Academy
Kitang-kita sa lahat ang excitement sa mga students. May mga nagpapahilian ng sapatos, bag at school supplies. Fresh na fresh ang mga tao.
"Gab!" Napatigil ako paglalakad ng may tumawag sa akin. It was Emerald.
Ngumiti ako. Nakasama ko si Emerald sa Academics Competition last school year. Pero hindi tulad ko, 3rd year high school pa lang ito ngayon samantalang ako ay 4th year na. Pero kahit 3rd year ito, mas bata ito ng 2 taon sa year level niya. Accelerated kasi ito. "Hi, Emerald..." Ngumiti ako magaan ang loob ko batang ito.
"Good luck sa First section." Aniya.
"Salamat, ikaw din." Ngumiti ito, lumabas ang mga ngipin nitong naka brace at hindi lang basta braces. May supporta pang bakal naka-paikot sa face nito. Naka-eye glasses din ito. Naka pony tail ang buhok at may bangs. Complete nerd. Betty La Fea look a like.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.