Prologue

3.1K 36 2
                                    

KALANDIAN Series 1 is posted on my profile, you can checked it there po

It is entitled 'Falling Inlove with Mr. Ob-gyne'

It is already completed

I advised you to read series 1 first before this, para hindi kayo maguluhan sa timeline

Pero kung hindi kayo interesado, its okay walang pilitan.

This story contains wrong grammar, bakit po?

Kasi hindi po ako isang beteranong manunulat

May mga mis-spell din po ako na mga words, kung hindi niyo na itatanong minsan ay nagiging jeje o di kaya naman ay, nakaligtaan kong i-edit.

Kapag ang storyang ito ay may kaparehong, dialouge or scene mula sa mga binabasa o binasa niyo na storya,

Ito po ay coincidence lamang, wala po akong kinokopya, nirerespeto ko po lahat ng manunulat at ang kanilang ideya.

Lahat ng mga kaganapang mababasa niyo sa storyang ito ay , likha lamang ng malawak kong isipan,

Sana ay samahan niyo ako hanggang sa kahuli-hulihang letra ng huling salita ng huling kabanata ng storyang ito.

Muli ang inyong butihing manunulat,

-wazzup_beach

****

"Bilog bilog bilugan, assignment assignment suntukan, ayun si mataba siya ay kaawa-awa, abukaka abukaka siya ang TAYA!" nagsimula ng magtakbuhan ang mga bata sa maliit na iskinita
sa maliit na baryo dito sa Bulacan, hingal na hingal na hinahabol ito ng batang si Rana ang mga kapwa bata na kasali niya sa paglalaro. May katangkaran pero sobrang taba naman kaya hindi nito magawang maabutan ang mga kalaro.

"Hoy! Taba! Bilisan mo naman! Nakakatamad kang kalaro!" sigaw ng isa sa kalaro ni Rana

"Nye Nye Nye, wala yan si Taba, bagoong na yan"

"Sandali, bagalan niyo lang ang pagtakbo!" balik na sigaw ng hingal na hingal na batang si Rana

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay biglang nagsitigil sa pagtakbo ang mga kalaro ni Rana at bumuo muli ng bilog

"T- teka, w- wala pa akong natataya sa inyo" hingal na sabi ni Rana ng makalapit sa mga ito

"'Wag ka ng sumali, ang bagal mo naman, tapos ang taba taba mo pa"

"Baka atakihin ka pa sa puso! Kasalanan pa namin"

"Oo nga umuwe ka na lang sa inyo at kumain!"

"Uwe na!"

"Taba!"

"Baboy!" kantyaw pa ng iba niyang mga kasama saka nagtawanan ang mga ito

Upang hindi na kutyain pa ay malungkot na umuwe ang batang si Rana at tahimik na umiyak sa manipis na kutson sa loob ng maliit niyang kwarto

Elementary pa lamang ay tampulan na ako ng tukso at kutya mula sa mga kaklase ko, dahil mataba ako, kung may ilang natutuwa ay mas marami ang naiinis.

Ang ilang mga guro ay pinanggigilan ang mataba kong mga pisnge, at sinasabihan ako ng bibo dahil sa pisikal na itsura ko,ang iba ay nag-aalala na baka magkaroon ako ng sakit sa puso dahil sa katabaan. Pero sa kabila noon ay mas marami pa rin ang mga tukso at masasakit na salita na natatanggap ko sa ibang mga tao.

Dahil bata ay hindi ko iyon pinapansin, pero mas lumala ang tukso ng tumuntong ako ng sekondarya.

Sabi ni nanay, High School is the best school days of your life, pero hindi ganoon ang sa akin.

Invading Boundaries (KALANDIAN Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon