CHAPTER 4:

48 1 0
                                    

CHAPTER 4

Jane

Mag-wa-one week na nung nagbreak kami ni Clark pero bakit ganun ang sakit pa rin?

After ng class namin, nagpaalam muna ako kina Bessy Sarah and Cathy, sabi ko may gagawin lang ako, madali lang naman pero ang totoo n'yan gusto ko muna talagang makapag-isa, makapag-isip-isip at reflect na rin kung bakit ang malas ko, kung bakit lagi akong sinasaktan ng mga taong minahal ko? I decided na tumambay muna dun sa malaking puno ng balete sa may side ng school namin. May upuang pabilog dito na yari sa semento na nakapalibot sa puno. Hindi naman ako madalas tumambay dito, minsan lang talaga pag ganito 'yung nararamdaman ko, pag-brokenhearted ako. Napansin ko rin naman na madalang ang taong tumatambay dito o baka nga ako lang ang tumatambay dito, nasa pinakasulok na kasi ito ng campus namin, at medyo nakakatakot nga pagtatambay ka dito lalo na pag ganitong hapon na but I feel so comfortable pag nandito ako, yung tipong ramdam na ramdam mo yung being mo as human person. I considered this area nga as a good place for reflection, na pwede kang mag-analyze at maintindihan ang mga nangyayari sa life mo, at bakit ako nasasaktan na naman ng ganito?

"Ano bang meron sa'kin, pangit ba ko? Oo, alam ko minsan mataray ako, nakakapagsalita ako ng mga bagay na masasakit, pero masama bang magsabi ng nararamdaman mo, ng nakikita mo, na hindi na tama. I trying my best naman to save our relationship eh pero bakit ganun, imbis na ma-save iniiwan nila ako. Ilan beses kong nahuli si Clark na may kasamang ibang babae, inintindi ko siya nung una at maraming beses pa, pero nung huli na parang naisip ko, ako lang naman ata ang nagpupumilit na masave 'yung relationship naming dalawa, at parang pag lalo ko pang pinatagal 'yung relationship namin, mas lalo lang akong masasaktan ng husto. Grabe, wala ba akong karapatan na maramdaman na mahal din ako ng isang tao, 'yung hindi ako sasaktan at lolokuhin at hindi ako ipagpapalit sa iba. Siguro tama nga siguro si Bessy Sarah, wala na talagang guy today na mag-seseryoso sa pag-ibig. Ayaw ko ng masaktan, ayaw ko na, ang sakit..."

"Meron pa naman siguro." Bigla akong napatigil sa pagmo-monolog ko at pagluha, napaluha na pala ako habang binibitawan ko 'yung mga salita na nanggagaling maybe sa puso ko, nang may narinig akong nagsalita, boses lalaki. Hinanap ko agad kung saan nanggaling 'yung boses. Nakita ko ang isang lalaki na nasa opposite direction ng puno ng balete kung saan ako nag-eemote, mayhawak siyang book at naka-indian seat.

Nahihiya kong sinabi, "Kuya, kanina ka pa d'yan."

"Yes, medyo hindi nga ako makapag-concentrate mag-review eh. Pero ok lang naman." He smiled at me.

"Soooo.." pinagdidikit ko ang pointing fingers ko..." narinig mo lahat ng sinabi ko."

He smiled again and glanced at my face, "Yes, ang lalim ng hugot."

Na-speechless na lang ako, sa sobrang hiya.

Bigla siyang bumalik sa pagbabasa at nagsalita, "Masakit talagang masaktan, lalo na kung sa maling tao ka nagmahal." Pagkasabi niya nun tumayo na siya, nilagay ang mga gamit sa black bag niya at nagsabi, "Sige, I enjoyed hearing your thoughts. Bye, may klase na ko, sorry." Tapos, nagsuot na siya ng eyeglasses at umalis na.

Napaupo na lang ako, after ng mga sinabi at ginawa 'nung lalaking nakarinig ng mga kadramahan ko sa buhay. Napatungo ako sa kinauupaan ko at nilagay ang mga kamay sa may buhok, "Grabe nakakahiya." Pero para saan 'yung sorry niya, siguro dahil sa narinig niya 'yung kadramahan ko.

Yes weekends na. Time for gigs, and Gimik gimik din with my Bessies. Nandito nga pala kami nina Bessy Sarah and Cathy sa mall, alam n'yo na shopping shopping din at relax relax din pag may time.

Dahil pagod na kaming mag-uli uli, umupo muna kami dito sa may food court.

"Bessy Sarah Sunday na ah, wala pa rin ang ballpen ko? Anyway sometimes talaga may mga bagay na nasayo na pero mawawala pa kasi hindi na ito para sayo, may ibang tao na nakalaan na para dito." Haixt I miss my ballpen. Kung sino man ang nakuha nun sana ingatan niya.

LOVE until it hurts no more...By: EthandegreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon