CHAPTER 21:

18 0 0
                                    

CHAPTER 21

Jane

"Tagal na rin na hindi tayo nagkita ah. Two years din." Panimula ko.

"Oo nga eh. At sa dinami-rami ng lugar na pwede tayong magkita dito pa talaga sa resto kung saan sinagot mo ko."

First year college ako ng nakilala ko siya. Si Charles Atienza, ang lalaking una kong minahal.

Kaka-graduate pa lang niya sa Lorenzo Academy. Sikat siya, kasi gwapo at gwapo naman talaga.

Nakilala ko siya dahil sa utos ng teacher kong si Ma'am Del Rosario. May binigay siya sa'king envelope, ibigay ko raw sa taong nakasulat ang pangalan sa harap ng envelope. Naghihintay daw sa Dean's Office. Hindi na naman ako tumanggi, magalit pa si Ma'am at hindi pa pirmahan ang clearance ko, marami rin naman siyang ginagawa at wala rin naman akong ginagawa.

Pagdating ko sa Dean's Office, maraming estudyante ang nakapila, na may iba't ibang porma at style ng pananamit. Sila ang mga graduating ng taon, at busy sila sa pagkumpleto ng mga requirements para makagraduate na, at para kumpletuhin ang mga pirma ng mga sikat na tao sa paaralan.

Paano ko hahanapin ang taong pagbibigyan ko nito, eh kahit isang description walang binigay si Ma'am Del Rosario. Ano to? Iisahin ko sila.

Salamat na lang sa mga babaeng, nagtilian. Narinig ko ang pangalang nakasulat sa envelope na binigay sa'kin ni Ma'am Del Rosario. Charles.

Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa. Agad kong binigay sa kanya ang envelope.

"Pinapabigay ni Ma'am Del Rosario." Hindi ko na tinanong ko siya ba talaga 'yun kasi sa tilian pa lang ng mga babaeng parang bulati na nilagyang ng asin sa kilig ay tiyak na agad ako na siya ang lalaking nagmamay-ari ng pangalan na nakasulat sa envelope.

Hindi ko na rin siya pinansin at hinintay na mag-thank you. Ang mahalaga nagawa ko na ang iniutos ni Ma'am. Isa pa baka hinahanap na rin ako ni nina Bessy. Sabi ko may kukunin lang ako sa locker room, swerte naman sa dinami-rami ng makikita ni Ma'am ako pa talaga.

Medyo nakalayo na ko sa Dean's Office, ng may naramdaman akong humawak sa wrist ko.

Paglingon ko nakita ko ang...

gwapo.

Ang gwapong mukha ni Charles na hindi ko man lang pinansin kanina. Medyo na-stocked ang mga mata ko sa taong nasa harap ko.

Pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Hindi pa ako nag-ti-thank you aalis ka na." Nakangiti niyang sabi.

Authomatic na may kilig na dumaloy sa blood vessels ko. Syempre hindi ko pinahalata baka naman sabihin niyang, crush ko siya pero totoo naman. Ikaw na makinis na mukha, nangungusap na mga mata, maputing balat, matangos na ilong ang nasa harap ko. Choosy pa ba!

"Nang dahil lang dyan hinabol mo pa ako." Ako na ang mataray. Pero deep in my heart, nagwawala na ang mga paru-paru sa tiyan ko. Minsan lang akong kiligin ng ganito. Sayang nga lang graduate na siya.

"Ako nga pala si Charles. And you are?" Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"Alam ko na. Marunong naman akong magbasa noh."

Pero para di siya mapahiya, kinuha ko na rin ang kamay niya at nag-shakehands kami. Para paraan na rin 'to.

"Jane Torres."

Nagbitaw na kami ng kamay at tumalikod na'ko sa kanya at nagsimula na kong maglakad. Oo crush ko siya pero hanggang 'dun na lang 'yun period, ang dami ko pa rin namang gagawin noh.

LOVE until it hurts no more...By: EthandegreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon