CHAPTER 26
Jane
Nakakainis: ang daming taong pauli-uli, ang daming dapat pilahan, ang daming hinihingi, ang daming kaechosan hindi ba pwedeng pirmahan na lang, hindi pa ba sapat 'yung apat na taon nang pagpapahirap sa amin. Grrrr.
"Ate! Pwede ba? Wag kang manulak. Kahit anong gawin mong tulak sa'kin hindi ka pa rin aabante. Maghintay ka nga ng turn mo!" Mataray na barino kong sabi sa nasa likod kong estudyante na nakapila rin para makapagpapirma ng clearance sa Registrar.
"Sorry huh! Natulak lang din ako 'nung nasa likod. Eh kung ayaw mo pa lang tinutulak deh sana nagpagawa ka ng special line." Barino nya ring tugon.
Bigla naman akong hinatak nina Bessy palabas sa line.
Nagpadala naman ako at dinala nila ako sa may barrier nang corridor.
"Bessy ano! Naghahanap ng away. Ba't ba ang sungit mo? Kanina ka pang ganyan." Saad ni Bessy Sarah.
"May red alert ka ba ngayon?" Tanong ni Bessy Cathy.
"Wala! Nakakasura sa perya." Sa hindi ko malamang dahilan, nag-walk-out ako sa kanila at hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.
Naupo na lang kami sa isang tambayan sa campus namin (sinundan nila ako). Pumwesto kami sa medyo side kung saan may malaking puno na nagbibigay lilom sa'min.
"Ano bang nangyari sa'yo huh! Last time I checked single ka naman. Don't tell me brokenhearted ka na naman. Si Charles pa rin ba 'to Bessy?" Pagtatanong ni Bessy Sarah.
"Pwede ba! Naasar kasi ako kay Chance." Irita kong sabi.
"Kay Chance!" Gulat na sabi ni Bessy Cathy.
"Ano namang ginawa ni Chance?" Dugtong nito.
"Pangit ba ako para ma-stood up. Imagine, excited ako na pumunta ng perya kasi last time we had been there, elementary pa tayo. Dumating pa ako dun 10 minutes earlier. Nagbihis ako, nag-ayos. Naghanda talaga ako tapos hindi siya dadating. For almost an hour naghintay ako sa kanya kasi niyaya niya ako na magpe-perya kami tapos hindi man lang nag-text o tumawag. Kung ayaw niya pala akong kasama sa perya sana hindi na siya nagyaya. Nakakatangang maghintay 'dun na wala ka naman pa lang hinihintay."
"Now I understand. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan mo Bessy baka hindi lang ako nakipagsagutan kay ate baka nagsampalan at sabunutan pa kami makapaglabas lang ng sama ng loob. In the first place malinaw sa kanya na may date kayo, siya pa nga ang nagyaya. Napaka-ungentleman naman na hayaan niyang maghintay ka dun ng ganun katagal na naka-ayos ng husto. Eh paano kung may nangyari sa'yo dun? Deh napahamak ka pa. Nakaka-disappoint siya." Komento ni Bessy Sarah.
"Unethical naman talaga ang hindi pagsipot ni Chance sa date niyo Bessy lalo na kung wala man lang text o tawag na magsasabi na hindi siya makakarating. Pero base naman sa pagkakakilala ko kay Chance, hindi naman niya siguro kayang gawin 'yun ng walang valid na dahilan. 'Wag na muna tayong mag came up sa isang conclusion without hearing his side." Aniya ni Bessy Cathy.
"If he has a valid reason sana sinabi niya na nung time na naghihintay sa kanya si Bessy Jane ng hindi man lang nagmukhang syunga dun si Bessy. Haler! Lumipas na ang isang araw hindi pa rin siya nagpapakita o tumext man lang. At kahit ano pa 'yun hindi nun mabubura ang katotohanang he stood up Bessy Jane."
Sana nga may dahilan si Chance. Sana. Kasi kung wala, NAKAKAINIS SIYA!!! 'WAG NA LANG SIYANG MAGPAKITA!
Tapos na ang hapon. Medyo nakakapagod mag-uli buong maghapon para lang makalap ang mga pirma ng mga pinakapipitagang mga tao sa Lorenzo Academy.
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomansaHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...