CHAPTER 5:

34 0 0
                                    

CHAPTER 5

Jane

School.

Recess time...

"Bessy, itago n'yo ko?" Saad ko kayna Bessy habang nandito kami sa favorite naming upuan sa may canteen.

"Why naman, my criminal cases ka ba?" Sabi ni Bessy Sarah na kasalukuyang kumakain ng spaghetti.

"Kanino ka na naman ba nagtatago Bessy Jane?" Tanong ni Bessy Cathy na nagbabasa na naman nung bunili niyang book sa National Bookstore.

"Sa nagbigay nito sa'kin?" Pinakita ko sa kanila ang ball pen na nawala ko, na nasakin na ngayon.

"Oh my G! Nakita mo na pala your lost ball pen. Don't tell me..." Bessy Sarah trailed off.

"Yes I tell you, this is the thing inside the mysterious box given to me by Clive." Yes, kagabi pagbukas ko nung box, imbis na matuwa ako at naibalik na sa'kin ang ball pen ko bigla kong naalala ang mga sinulat ni Bessy Sarah dun sa Lost and Found na pinost niya sa Students Council Office, na whoever found my lost ball pen will have the chance to be my one week boyfie, kaya naman pala ang saya saya ng kolokoy na 'yun kahapon.

"Bessy ano ng gagawin ko?"

"Ayaw mo nun naibalik nasayo ang favorite mong ball pen. Yaan mo na one week lang naman, mabilis na 'yun."

"Eh bakit parang masaya ka pa dyan?"

"Alangan bet kasi nan si Clive for you Bessy."

"Total naman bet mo si Clive at ikaw naman ang gumawa nung lost and found na 'yun, ikaw na lang ang makipag-one week boyfie sa kanya."

Drama dramahang effect, "Ito pa ba ang igaganti mo sa lahat ng naging tulong ko sayo para lang mahanap 'yang favorite ball pen mo, wala kang utang na loob."

Sinapok ko siya ng mahina lang naman, "Ang arte mo hindi bagay, tumigil ka nga dyan."

"Hehehe, so Bessy magpaganda ka na ng kauntian, may boyfie ka na ulit. I'm so happy for you Bessy."

"Anong boyfie ka d'yan, iwas na iwas nga ako ngayon pagdating sa bagay na 'yan. Naku Bessy tulungan n'yo kong magkaroon ng dahilan para hindi ko masyadong makasama o makita 'yang si Clive, mahaba haba rin 'yung one week."

Hindi naman sa ayaw ko pero baka kasi alam n'yo na baka ma-misinterpret ni Clive 'yung magiging one week boyfie ko siya, baka umasa pa 'yun. Anyway thank you sa kanya kasi he found my ball pen. Bahala na kung ano mang mangyayari sa loob ng one week. Ito naman kasing si Bessy Sarah, ang likot din ng isip, dapat lagi 'tong nasa kama para tulog na lang lagi.

"Bessy ok lang 'yun, di ba may atraso ka pa sa kanya. Chance mo na toh para makabawi ka ng husto. " Aniya ni Bessy Cathy.

"May iba namang way para makabawi Bessy. Libre ko na lang siya ng isaw-isaw sa labas. Ah ah ah..."

"Ok sige may naisip na ko para medyo mabawasan 'yung magiging time mo kay Clive."

"Oh ano 'yun, sabihin mo na baka dumating na si Clive alam mo namang parang kabuti 'yun sulpot na lang ng sulpot."

"Ganito, aminin na natin na mahina tayong lahat sa numbers at four weeks na lang finals na at gr-agraduate na tayo ng college. Bilis din ng time, kahapon lang first year pa tayo."

"Kahapon lang, accelerated ka ba Bessy o may amnesia ka lang, ang alam ko kahapon nasa mall tayo at nanood ng sine, first year ka pa lang pala nun."

"Grabe na Bessy ang laki na ng sira sa ulo ng Bessy natin. Kababasa siguro 'yun. Back to business, ganito magpapa-tutor ka sa magaling sa math para mabawasan ang time na pwede kayong magkasama ni Clive double purpose pa, nakaiwas ka na sa kanya, tumalino ka pa."

LOVE until it hurts no more...By: EthandegreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon