CHAPTER 25:

37 0 0
                                    

CHAPTER 25

Jane

Hinahanap ko ngayon si Chance. Nasa library ako ngayon para i-check kung nandito siya pero wala.

Babayaran ko na siya sa Tutor session namin, lumabas na kasi 'yung result nung exam ng mga nakapasa sa math, at its a miracle second ako sa highest kaya grabe ang saya lang. Math 'yun, math 'yun. I really need to thank Chance, nagbunga lahat ng mga araw ng pagtambay namin ng isa't kalahating oras sa pabilog na upuan na yari sa bato na nakapalibot sa puno ng balete. Isasabay ko na rin ang pasasalamat ko sa kanya sa pagliligtas niya sa'kin sa storage room. Salamat talaga kay Chance.

Salamat rin sa malikot na isip ni Bessy Sarah, kung hindi dahil sa announcement with the twist niya hindi ko makikilala si Chance. Kay Clive na kahit na 'nung una hindi ko matanggap na siya ang nakakita ng ballpen ko pero dahil sa kanya naipakilala niya sa'kin ang kaibigan niyang isa sa mga henyo ng math ng Lorenzo Academy.

Buti na lang din waterloo ko ang math. Salamat sa Math, natuto ako sa tulong ni Chance.

"CHANCE!!!!"

Nang makita ko ang backpack na black ni Chance, at ang kamay nitong may mga libro na naglalakad sa may lobby na mukhang nagmamadali na naman, agad ko siyang tinawag at lumapit sa kinatatayuan niya.

"Oh Jane, bakit?"

"Busy ka?"

Tumango siya bilang sagot.

"Mamaya?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko alam ang dami kasing kailangan kong gawin. Kailangan ko ng matapos agad ng maagap ang mga requirements at clearance ko. Bakit?"

"Babayaran na kasi kita. Nakapasa ako sa Math." At sa sobrang tuwa ko napayakap na lang ako sa kanya.

"Thanks Chance." Naramdaman ko namang yumakap din siya gamit ang free hand niya.

"Sabi ko naman sa'yo kaya mo eh."

Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Kaya nga gusto ko sanang ma-invite ka para mag-celebrate." I asked looking at him.

"Ito na lang. Bukas punta tayo sa perya sa Barangay namin malapit na kasi ang pyesta 'dun. At masaya 'dun. Pwede ka ba?"

"Total naman patapos na ako sa mga requirements na hinihingi ng mga guro at school natin. Sige. Bukas huh. Promise. Anong oras?" I asked excitedly. Matagal tagal na ring hindi ako nakakapunta sa perya last time I checked, elementary pa ko 'nun.

"7:00 pm. Sa perya."

"Sige. 7:00 pm sa perya 'wag mo na kong sunduin. Isasama ko naman si Mang Simon."

Bukas ko na lang sasabihin sa kanya na second highest ako sa Math at syempre bukas na lang ako babawi sa kanya ng appreciation ko ng pagligtas niya sa'kin sa madilim na lugar na maraming mga naka-stocked na gamit ng paaralan.

Nandito na ako sa perya na sinasabi ni Chance. I'm ten minutes earlier, 6:50 pa lang kasi eh ang usapan namin 7:00 pm. Wala pa si Chance, excited na kong ikwento sa kanya ang pagiging pangalawa sa pinakamataas ko sa Math at syempre pasalamatan na rin siya.

Well habang wala pa siya naningin ningin muna ako sa piligid. Nagpaalam din si Mang Simon na kung pwede mag-uli rin siya sa perya. Kaya ayon nauna na sa'kin pagkatapos i-park ang kotse malapit sa isang tindahan na katapat ng perya.

Bigla ko tuloy naalala ang elementary life namin nina Bessy, sayang hindi ko sila naisama, inakit lang din naman ako noh, saka ko na lang sila dadalhin dito tiyak mag-e-enjoy ng husto ang mga 'yun.

LOVE until it hurts no more...By: EthandegreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon