CHAPTER 23
Jane
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyaring pag-uusap namin ni Charles.
Ibang iba na siya sa taong nakilala at minahal ko noon.
Ramdam ko ang galit niya sa'kin, ramdam ko na sinisisi niya ako sa nangyari sa kanya.
Kasalanan ko ba talaga?
Ako ba talaga ang dahilan kung bakit muntik na siyang mawala?
Ako ba ang may kagagawan kung bakit siya nagbago, kung bakit napuno ng galit ang puso niya.
Ganun ba talaga niya ako kamahal para mag-iba siya ng ganun?
Ito ba ang bunga ng pagiwan ko sa kanya.
Sorry Charles kung nalaman ko lang 'nun na naaksidente at na-ospital ka deh sana nadamayan kita. Sana nagkaroon tayo ng maayos na pag-uusap, sana nagtuldukan natin ng maayos ang ginawa nating simula. Siguro, sana hindi ganito kagrabe ang galit mo sa'kin.
"Bessy may problema ka ba? Parang kanina pang malalim ang iniisip mo ah. Hindi ka rin masyadong nagsasalita." Nabaling ang atensyon ko ng marinig kong nagsalita si Bessy Cathy.
Nandito kami ngayon sa bahay niya, to be specific sa kwarto niya. Wala kasi ngayon si Tito Francisco may inaasikaso sa business nila kaya naman plinano ni Bessy Sarah na dito na lang namin ituloy ang naputol na lakad namin nung araw na natapos ang exam.
Nagdala si Bessy Sarah ng movie na panonoorin namin: The Twilight Saga Breaking Dawn Part 2-Last Scene.
Hindi ako masyadong makapag-concentrate sa panonood, hindi kagaya ni Bessy Sarah kulang na lang ay pumasok sa screen upang maging bahagi ng movie.
"Bessy nakita ko si Charles kahapon."
"ANO!" Mali pala ako, nakikinig din pala si Bessy Sarah.
Kinuha niya 'yung remote at pinost muna ang palabas.
Bessy Cathy: "Bessy, may ginawa ba siya sa'yo?"
Bessy Sarah: "Sinaktan ka ba niya?"
"Hindi naman pero ibang iba na siya."
Bessy Cathy: "What do you mean?"
"Galit siya sa'kin. Hindi niya pa rin matanggap na tapos na kami. At sinisi niya ko sa nangyari sa kanya."
Kwinento ko kayna Bessy ang sinabi sa'kin ni Charles, ang aksidente na kinasangkutan niya na muntikan ng maging mitsa ng buhay niya.
"Bessy, hindi ikaw ang nagda-drive, wala sa'yo ang control. Yes, siguro nasaktan siya sa sinabi mo na hindi mo na siya mahal pero hindi mo kasalanan ang muntikan niya ng pagkabangga. That's the cause of his action, his decision. Hindi niya matanggap na wala na kayo. Nagpaka-honest ka lang Bessy, nagpakatotoo ka lang." Nakatingin na sabi ni Bessy Sarah.
"Pero bakit ganun parang ako ang may kasalanan. Selfish ba ko 'nung mga panahon na pinili kong mag-stay siya kasi ayaw kong malayo sa kanya, ayokong umalis siya."
"Minsan siguro Bessy may mga pagkakataon na nakagagawa tayo ng isang desisyon na alam nating tama lalo na kung mahal natin ang isang tao. Nung mga panahong 'yun magkaiba kayo ng priority. Charles chose to go to Canada to pursue his career and to gain more for your better future as he said. And you during that time, your only concern is about him, your love for him. Kaya nag-decide ka na kung aalis siya, dun na matatapos ang lahat kasi hindi mo kaya na mawala siya, ayaw mong maiwan kasi ayaw mong magisa. Siguro nung mga panahong 'yun bata pa siguro kayo, bata ka pa. Pero ito ang tandaan mo na sa bawat desisyon na gagawin natin alam dapat natin kung bakit natin 'yun ginawa." Pagbibigay punto ni Bessy Cathy.
![](https://img.wattpad.com/cover/32801513-288-k186318.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomanceHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...