CHAPTER 9:

46 0 0
                                    

CHAPTER 9

Jane

Nagising na lang ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko.

Monday, 6:30 am.

Bumangon na ako sa kama at niligpit ang pinaghigaan ko. Pagkatapos, pumunta na ako sa john/CR. Nag-toothbrush na'ko at maliligo na sana ng...hindi gumagana ang shower.

Nakalimutan ba nina Mommy at Daddy magbayad ng tubig? Pero bakit nagana ang faucet sa lababo. Alam na this, sira siguro ang shower ko ngayon.

Kaya naman para di ma-late, I chose to use the main toilet namin sa baba for the meantime.

Buti na lang hindi sira. Sinabit ko na muna ang mga undergarments ko pagkatapos binuksan ko na ang shower at naligo na.

Nang matapos na ko, pumunta na'ko sa kwarto para magkapagbihis na ng school uniform.

Pagbaba ko, nakahanda na ang breakfast na niluto ni Mommy, nandun na rin siya kasama si daddy at Sofia.

"Sweetie, kain ka na, 20 minutes na lang magsisimula na 'yung klase mo." Pagyaya ni Mommy.

"Kaya nga Mommy, kay daddy na lang po ako sasabay, ayaw kong madamay sa pagka-late ni Ate." Saad naman ni Sofia.

Humalik muna ako kay Mommy and Daddy bago umupo sa upuan sa may dining table.

"Sorry naman my dear sister. Nga pala po Mommy, sira 'yung shower ko sa taas kaya medyo nahuli ako ng baba. Nakakahiya naman kasi kay Sofia, baka maapektuhan pa siya ng pagkasira nung shower, humahabol ata sa best in punctuality."

"Sige, sweetie ipapaayos ko na 'yun mamaya. Kain na."

Hindi na naman nag-react si Sofia sa sinabi ko.

Sa School.

Haixt feeling ko I'm so kawawa today kasi my bessy were absent maybe because they still having thier long family bonding. I'm happy for them naman but alam n'yo 'yung feeling na kahit wala 'yung ibang folks basta nandyan lang 'yung mga bessy n'yo, ok lang feeling mo kumpleto at maganda pa rin ang day mo kahit kayo lang together, kasi you have your mutual understanding, same likes and dislikes, food trip, agreed thoughts, and some sort of disagreement and differences that make our relationship and friendship more exciting. I miss them na talaga, agad agad. Haixt emote emote din dito sa campus tambayan pag may time.

"Oh, himala ata si Jane na pakipot pa na hinahabol ni Clive Cristobal daw, my love, ay nag-iisa, where are her loser ugly faces friends like her kaya."

"Hoy, Kamatis..." ang bintog kasi ng cheeks niya..."wala akong panahon sa inyo hah, we're not losers, hindi uso sa'min 'yun, maybe sa'yo, title mo na di ba 'yun? Hindi ko naman kasi kasalanan na I'm so ganda pala kaya hinahabol ako ng love mo kasi naman bumalik ka na kasi sa water pwede ka rin namang mabuhay dun, amphibian ka di ba? Frog faces." Pagkasabi ko 'nun kay Elizabeth with her company, na mga mukhang kamatis, tumayo na ako para umalis.

Indeed, yang grupong 'yan nina Elizabeth ewan ko ba sa mga 'yan, wala naman kaming ginagawa nina bessy, actually nadamay lang pala sila. Di ba nga sabi ko sa inyo sikat dito si Clive sa campus namin at heartthrob pa nga siya at alam n'yo naman pag heartthrob maraming fans, girls at gays na habol ng habol at isa pa kung sino 'yung nagugustuhan ng idol nila ay siya namang ayaw na ayaw nila, bakit ba hindi na lang sila maging masaya, at ano bang kasalan ko, hindi ko naman pinakulam o binulongan 'yan si Clive para habulin ako, ang alam ko maganda lang ako. Hindi ba sila aware na I don't like Clive naman eh impact nga pinagtatabuyan ko nga siya eh dati 'nung di pa niya naibibigay ang ball pen ko. Isa nga ang grupo nitong si Elizabeth na dead na dead sa kagwapuhan ni Clive at kung mag-demand at mang-away wagas dinaig pa ang jowa. Sa kanya na pati, kamatis na to, kainis.

LOVE until it hurts no more...By: EthandegreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon