CHAPTER 32
Jane
Habang tumatakbo ako palayo sa lugar kung saan nandun ang lalaking nagawang paglaruan ang nararamdaman ko.
Samo't sari na ang tumatakbo sa isip ko.
Halos lahat na siguro ng depinisyon ng sakit ay naramdaman ko na.
Para ngang nagkameron ako bigla ng multipersonality disoder. Bipolar.
Grabe! nakakabaliw na 'to!
I want to escape from this pain. Kahit ngayon lang oh.
Kakatakbo ko hindi ko na alam kung saan na'ko dinala ng mga paa ko, pero wala na akong pakialam.
All I want is to get away from this very painful chord.
Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto kong tumigil na'tong mga luhang kanina pang patak ng patak hindi man lang makisama, gusto kong magpakalasing, mang-away, manapak, manampal. Gusto kong magkulong muli sa silid na madilim na may malaking screen.
Sh*t! Gusto kong makalimot sa sakit. Kahit ngayon lang.
Biglang tumunog ang ringtone ng phone ko. Si Mommy, tumatawag. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag ni Mommy.
Baka nag-aalala na sila.
"Hello, Ma." I tried to sound normal.
"Nasaan ka? Kanina ka pa naming hinihintay. Tumawag din sina Sarah at Cathy, umalis ka raw." Nag-aalalang sabi ni Mommy sa kabilang linya.
"Papunta na po ako Mommy don't worry. I'll be there. Bye." Hindi ko na hinintay si Mommy sa susunod niyang sasabihin. I turn off my phone.
Nakakabaliw talaga!
Tama! Graduation day ngayon, araw ko 'to. Sino ba naman ako para ipagkait sa sarili ko ang magsaya sa espesyal na araw na 'to.
Sino sila para sirain ang isa sa pinakahinintay kong araw sa tanang buhay ko.
Mga walang kwentang lalaki!!!
Dapat sa kanila pinuputulan ng ano!!!
Grrrrrr!!!
Marami akong kaibigan na nand'yan para sa'kin. Mahal ako ng pamilya ko at maraming kamag-anak namin ang naghihintay sa pagdating ko sa restaurant. I'm so selfish naman siguro kung ipagkakait ko sa kanila na batiin, yakapin at i-congratulate ako dahil finally graduate na'ko.
Dahil sobrang wasted ako ngayon at hindi ko na maitsurahan ang kagandahan ko. Umuwi na muna ako ng bahay. Si Manong Baldo lang ang nandito, guard namin. Nasa party na siguro silang lahat.
Pumunta ako sa bedroom ko. Kinuha ko ang pinakamaganda kong damit na binili ko 'nung isang Linggo, para talaga sa araw na 'to. I put some make up on my face. Nagpaganda ako ng husto.
After retouching, I said to myself through the reflection of myself on the mirror, "Maganda ako, at hindi sila kawalan sa buhay ko. Sila ang nawalan."
Pumunta na ako sa San Antonio Restaurant at pagkadating na pagkadating ko, agad akong binati ng mga pinsan, kamag-anak, kakilala at kaibigan nina Mommy at Daddy.
"You look great today. Ang ganda talaga ng pamangkin ko." Sabi ni Tita Bianca.
"Oh sweetie. Kanina ka pa naming hinihintay. Saan ka ba galing?" Saad ni Mommy ng makita ako.
"Nagpahinga lang po ako ng konti at nagretouch." I said smiling.
"Ok ka na ba? Oh hala kumain ka na muna. Mamaya punta ka sa table ng ninong at ninang mo, at sa iba mo pang mga tita at tito. Kanina ka pa nila gustong makita."
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomanceHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...