CHAPTER 20
Jane
"Bukas finals na natin. Siguro naman kaya natin ipasa 'yun noh." Sinimulan ng ilagay ni Chance ang notes and books na ginamit namin sa pag-aaral sa kanyang backpack.
"Yes, I confidently napapasa tayo, lalo na sa math. Ang galing kayang magturo ng Batch ko." I smiled at him.
"Kaka-flatter naman..." Naputol si Chance sa sasabihin niya dahil bigla siyang nag-lean pababa para kunin ang nahulog na gamit niya.
"'Yun. Teka ba't may bote dito?" Saad niya ng makuha ang ballpen na nahulog.
"Don't tell me may nag-iinom sa campus natin at sa tambayan pa talaga natin. Hala! Baka tayo pa ang mapagbintangan 'nan." Para kasing bote ng emperador lights 'yung nakitang bote ni Chance na naalisan lang ng balat.
"Baka naman ginamit lang sa project. Ikaw talaga ang likot ng isip mo. Alam ko na I have a great idea. Total naman last natin dito na magtutor, gawin nating special ang bote na'to." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa boteng hawak hawak niya na ngayon.
"Paano naman natin gagawing special 'yan? 'Wag mong sabihing pipinturahan pa natin 'yan?"
Sa halip na sumagot sa'kin si Chance, muli niyang binuksan ang backpack niya at naglabas ng dalawang pirasong papel at ballpen.
"Oh 'yan sa'yo, sa'kin 'to." Kinuha ko naman ang inabot niyang papel at ballpen sa'kin.
"Ganito, isusulat mo d'yan lahat ng gusto mong mangyari sa'yo after seven years. Pwede ring wish mo o pangarap mo. Pagkatapos ilalagay natin sa boteng 'to na ibabaon natin, pag naalala natin after seven years muli nating titingnan para makita kong natupad ba ang sinulat natin."
"Daming alam. Sige na nga."
Nagsimula na nga kaming magsulat ni Chance.
Well medyo kinareer ko rin naman ng konti ang mga sinulat ko. Future ang pinag-uusapan namin dito.
I wrote na sana may stable job na ako at successful na rin sa napili kong kurso.
Kumpleto pa rin ang pamilya at sana may maayos lahat na kalusugan.
At syempre magpapahuli ba naman ang Lovelife. Aba 27 na ko 'nun sana naman, sana talaga makita ko na 'yung tunay na magmamahal sa'kin. May other half. Ka-excite tuloy.
Natapos na ko. Hindi ko na masyadong hinabaan, hindi na rin naman kasya sa papel na binigay ni Chance.
"I'm done." Masaya kong sabi.
"Ilagay na natin dito."
Inihulog na nga namin sa bote ang mga papel na pinagsulatan namin.
Kumuha rin si Chance ng kahoy na ginamit niya sa panghukay para maibaon na 'yung bote.
"Sana matupad lahat ng nilagay natin d'yan. Saksi ang puno ng balete at upuan na pabilog sa mga matutupad nating pangarap after seven years." Aniya ni Chance ng matapos ibaon ang bote na ngayon ay may halaga na sa aming dalawa.
"Ano naman ang sinulat mo?" Curious kong tanong.
"Saka na pag natupad na. Tayo na."
"Sabi mo eh."
Tumayo na nga kami at nagsimula nang maglakad.
"Batch..." he hung his words intently.
"Bakit?" He looks intense.
"Pwede ba kitang yayain bukas after class?" He sounds nervous.
"Saan naman? Date ba 'to?" I said with normal voice.
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomansaHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...