CHAPTER 7
Clive
Umalis na si Jane at ang mga kaibigan nitong sina Cathy at Sarah.
Bakit ganun pag sinasabi mo ang totoong nararamdaman mo sa taong mahal mo, saka naman sasabihan ka ng mambobola. Kailan kaya mapapansin ni Jane na I'm really deeply in love with her. Bakit naman kasi naniniwala siya sa mga bashers, oo alam ko lapitin ako ng mga babae pero hindi naman ako 'yung tipo ng lalaki na paglalaruan ang nararamdaman nila kasalanan ko ba na hindi ko sila type tapos pag-uusapan nila ako na pinapaasa at flini-fling ko lang sila. Hindi ko naman kasalanan na lagi silang habol ng habol sa'kin tapos tangapin ko lang 'yung binigay nilang gifts at makapag-picture sila sa'kin kala nila type ko na sila. Pero, ang pinakagusto ko sa nangyayari ngayong araw ay gumaganda na ang relationship naming dalawa ni Jane buti na lang talaga I gave it back to her; her favorite ball pen.
Sana magtuloy-tuloy na maging maayos ang relasyon naming dalawa...sana dumating ang panahon na she will realizes that my love for her is true...
Na I can be his man...
Na hindi ko siya lolokuhin... na hindi ako kagaya ng mga naging ex niya...
Sana makita niya...
Sana paunlakan niya na patunayan ko ang pag-ibig ko para sa kanya...
Minsan nga lang talaga may mga bagay kang nagagawa na sa tingin mo ay hindi tama...
Pero ang hindi tamang 'yun, ay isa sa magiging dahilan para mapalit ako sa kanya...
Habang naglalakad ako sa may corridor ng school namin. Nakita ko si Chance na nagmamadali na naman.
"Oh Chance saan ka na naman?" Tanong ko sa kanya na kasalukuyang may dalang mga libro.
"Sa may lobby dre, kailangan ko na kasing ibigay 'tong book review na pinagawa sa'kin, dagdag budget din alam mo na malapit na ang graduation natin marami ring bayaran. Kailangang mag-doble kayod."
Inakbayan ko si Chance, " Dre, kung gusto mo lang namang 'tong offer ko ha. Di ba pinakilala ko sayo 'sina Cathy, Sarah at my Gorgeous Jane. 'Yung tatlong 'yun kailangan ngayon ng henyo pagdating sa numbers. Alam kong busy ka, pero kung may available time ka, pwede ka bang maging tutor nila hanggang dumating ang finals. Pwede ka ba? Pasasalamat ko na rin sa'yo."
"Ahmmm, dre mahirap tangihan 'yan. Sige go ako diyan. Gusto ko ring bilhan si Nanay ng bagong damit para sa graduation."
"So sasabihan ko na sila ng ok ka."
"Sige, dre ikaw na ang bahala hah baka naghihintay na 'yung may-ari nito. Text mo na lang ako hah. Salamat." Umalis na nga si Chance.
Nakakatuwa talaga 'yung kaibigan kong 'yun. Biruin mo siya lang naman ang bread winner ni Nanay Nelly, nanay niya. Kung tatanungin n'yo ko kung paano ko naging friend 'yang si Chance, ganito kasi 'yun.
Nung first year palang ako sa school namin, syempre bago, wala pang alam sa new school kaya 'yun nag-explore, eh mayabang ako 'nun sa last school na inattendan ko, nadala ko tuloy gwapo eh...
~~~Flashback
Habang naglalakad ako papuntang gym, may nabangga akong bruskong lalaki.
"Totoy, kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" Sabi niya sakin na animoy nanakot.
Dahil matangkad siya sa'kin ng konti, tinaas ko ang chin ko at kumamot sa ulo, "Sinong tinatawag mong totoy, Brad, sino ka ba?" Mayabang kong sabi sa kanya. Kahit malaki siya hindi ko siya uurungan.
"Ah, sige para malaman mo kung sino ako, magpapakilala ako sa'yo?"
"MASTER!!!" Biglang may tumawag sa kanyang lalaki. At lumingon naman siya.
"Oh bubwit ano 'yun?" Sabi niya dun sa lalaking tumawag sa kanya.
"Eh MASTER kung may nagawa man sayo 'tong utol ko pagpasensyahan mo na hah, hinahanap lang siguro ako."
Utol anong utol, sabi ko na lang sa isip ko?
"Hoy bubwit pagsabihan mo 'tong utol mo hah. Hindi alam kung sinong kinakabangga? Muntik na 'yan sakin buti na lang dumating ka." Pagkasabi nung lalaking nabangga ko dun sa lalaking tumawag sa kanya, umalis na siya papunta sa basketball court.
"Sige Master pagpasensyahan n'yo na po." After niya 'yung sabihin lumapit siya sakin at umakbay, feeling close toh ah.
"Bago ka dito sa campus noh?"
Inalis ko 'yung pagkakaakbay niya. "Sino ka ba at ano 'yung sinabi mo dun sa mamang 'yun na mag-utol tayo?"
"Naku hindi mo nga kilala si Master. Alam mo ba kung di kita nakita kanina nasa clinic ka na ngayon."
"Hah, anong ibig mong sabihin?"
"Siya kasi ang leader ng pinakamalaking fraternity sa school natin. Kanina nakita ko siya na susuntukin ka na,"... kaya pala nilagay niya 'yung mga kamay niya sa likod niya..."kaya dali dali akong lumapit sayo kasi kung hindi ko 'yun ginawa baka hindi ka na mamukhaan ngayon. Minsan mag-ingat ka rin sa ginagawa mo."
Sh*t!!! 'Yan ang napapala ng kayabangan ko. Salamat na lang sa bubwit na 'to, 'yun kasi ang tawag sa kanya nung bakulaw na master, na-save ako. Ayoko namang unang taon ko pa lang sa school na 'to di na ko makikilala ng mga cutie pretty girls dito.
"Dre, salamat pala sa pagligtas sa'kin. Tama ka dapat makiramdam muna ako sa bago kong school dahil hindi na 'to 'yung school ko dati na parang ako 'yung boss. Teka paano mo nga pala nalaman na sya ang leader ng pinakamalaking fraternity sa school natin. Matagal ka na ba dito?"
"Wala 'yun. First year din ako kagaya mo. Kaya ko siya agad nakilala kasi naririnig ko na ang pangalan niya pagdadaan pa lang siya sa campus na wag mo raw talagang babanggain siya kasi parang sinangla mo na rin ang kalahati ng kaluluwa mo kay kamatayan."
"Ahmmm, ganun kalakas ang fraternity nila. Now I know, ngayong week lang kasi ako pumasok eh. Kasi sabi ng mga katropa ko, 'yung first week daw naman ng schooling ay para lang sa mga orientation, eh na bo-bored ako pag ganun 'yung setting kaya kinuntenue ko na lang muna ang bakasyon ko. Thank you ulit dre hah. Dahil tinulungan mo ko sa bakulaw na 'yun, tayo...saan ba ang canteen dito, treat kita?"
"Sige gutom na rin ako eh. Tayo."
"Wait, Clive nga pala, ikaw?"
"Chance na lang dre." Then, pinagsuntok namin ang mga kamao namin.
~~~ End of Flashback
Ganun kami nagkakakilala ni Chance at simula 'nun naging kaibigan ko na siya at katropa, 'yun nga lang masyado pa lang busy 'yung dre kong 'yun kaya once in a blue moon lang talaga kaming makapag-bonding pero super sipag niya talaga.
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomansaHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...