CHAPTER 28
Jane
Nandito ngayon si Clive sa bahay. Nag-request kasi, total daw naman graduation na bukas baka naman pwedeng makipag-bonding kay Mommy. Oo sa Mommy ko raw.
Kaya ang loko tinext nga ang mommy ko na makikipagbonding daw siya. Ito naman si mommy, pumayag ipagluluto pa raw. Siya na raw ang bahala sa food.
Wala naman sa'kin problema 'yun ok naman sila ni Mommy.
Pero nung sinabi kong aalis ako bukas, nagbago ata ang ihip ng hangin, biglang umamin si Kuya.
"Indirect way ko lang naman 'yun. Ang totoo 'nun gusto ko sanang makipagbonding sa'yo bukas..." napakamot siya sa likod ng ulo niya..."Gusto kitang makasama. Kahit sa bahay niyo na lang. Di ba sabi ng matatanda wag masyadong maglalabas pag malapit na ang araw ng graduation kaya para masigurado ko ang kaligtasan mo handa kong isakripisyo ang buhay ko makasama lang kita bukas at para hindi ka na rin mapagod. Magdadala na lang ako ng mga dvd."
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pamihiing 'yun. At nanbola pa talaga.
Actually, biniro ko lang naman siya, naniwala naman. Feel ko naman na ako ang gusto n'yang makabonding, hindi ako assuming ramdam ko lang kasi kahit sabihin niyang friends kami, hindi pa rin siya tumitigil sa mga pambobola, banats at paramdam at the moves niya.
Pero dahil graduation na rin bukas, pumayag na rin ako. Mamimiss ko rin naman ang mokong na 'to.
Gusto ko rin sanang yayain sina Bessy pero magpapaganda at mamimili pa raw sila with their family. Sila na. Ako naman, ok na 'yung susuotin ko para sa graduation. Simple royal blue dress lang.
Sinabi ko rin kay Clive na pwede niyang isama si Chance para naman bago mag graduation makapagbonding din kami. Hindi ko na rin kasi siya nakita nitong mga nagdaang araw, last time na nagkita kami, sa perya. Busy nga talaga sa pag-aasikaso ng mga dapat niyang tapusin bago ang graduation. Gusto talaga agad atang mai-apply ang mga pinag-aralan.
Hindi rin nasyempuhan ni Clive si Chance kaya ngayon siya lang ang nandito. At 'yung taong tinext niya na makikipagbonding siya, nasa parlor nagpapaganda na. Dinaig pa ko.
Kapapaayos ko lang naman nung isang araw, konting retouch na lang panalo na ulit. At sabi nga, simpleng maganda pak na pak na.
Pagkadating ni Clive nag-request siya na kung pwedeng magluto. Sabi ko naman bahala na sina manang ang magluto. Pero nagpumilit siya, pumayag na rin ako. Canton lang pala naman ang lulutuin at take note dala niya pa talaga 'yun kala ko pa naman 'yung parang pang master chef ang lulutuin niya.
"Mahal na prinsesa ito na po ang ating malinamnam na canton na niluto pa ng inyong gwapong chef." May tono pa talaga ang boses niya nang sinabi niya 'yan.
"Paano 'to lutuin? Ang komplikado eh." Sarkastiko kong sabi.
"'Yaan mo pag sinagot mo na ko, 'yung pang-chef na talaga ang mga lulutuin ko para sa'yo mahal na prinsesa. Magpapaturo na'ko kay Mommy."
Napa-anong-sinabi-look-face na lang ako.
"Kumain ka na gutom lang 'yan."
"So anong panunuodin natin?"
"Ano bang gusto mo?"
Nakahanay sa table sa sala ang mga movie'ng dala niya. Puro action.
"Ito na lang Taken." Suggestion ko na Taken ni Pierre Morel na lang ang panoorin. Maganda kasi 'to.
"Maganda nga 'to. Salang na natin."
Natapos na ang movie, nagtagumpay si Bryan Mills na pinagbidahan ni Liam Neeson, na mailigtas ang anak niyang si Kim. Bumalik na sila sa US at muling nakasama ni Kim ang kanyang ina, at ang kanyang stepfather. This is true love, na kahit ano gagawin mo mailigtas at protektahan lang ang mahal mo.
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomanceHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...