CHAPTER 22:

31 0 0
                                    

CHAPTER 22

Jane

Sino ba si Cedrick?

Siya ang lalaking tumulong sa'kin para malimutan ko ang sakit na naramdaman ko ng iwan ako ni Charles.

Kanina pa ko uli ng uli sa mall, halos lahat na ata ng stores dito ay pinasok ko na, pero ni isa wala akong binili. Basta hinayaan ko lang lumakad ng lumakad ang dalawa kong paa na manhid na 'yata at hindi na maramdaman ang pagod.

Ganun pa rin. Maingay pa rin sa mall. Ang daming taong nag-uuli. May magkakapamilya na kasa-kasama ang kanilang mga anak na tatakbo sa isang silid sa mall para tingnan ang nakapukaw sa kanilang atensyon; pag hindi kainan, mga laruan o di kaya naman ang sumasayaw na bubuyog na may kalakihan ng size. May mga magkakabarkada rin na masayang nagkwekwentuhan at nagtatawanan habang naglalakad sa mall, 'yung iba hawak hawak ang gadgets nila na maya maya lamang ay magse-selfie na.

Marami rin akong nakasalubong na salelady at salemen. Kanya kanyang pabida at endorse ng mga produktong pinagkatiwala sa kanilang mga kamay at boses.

Maliwanag at buhay na buhay ang bawat sulok ng mall. Maraming ilaw, ang daming tinda, ang daming kainan, ang daming mukha. Mayroong masaya, mayroong magka-akbayan at holding hands, may nag-iisang nakaupo lang sa food court o sa may hagdanan siguro may hinihintay o di kaya naman nag-a-update ng status nila gamit ang free-Wifi ng mall na ito.

Sa wakas nakaramdam din ng pagod ang mga paa ko. Kagaya ng mga taong nakaupo rin sa hagdan, dito na rin ako umupo para magpahinga.

Umalis na siya kahapon, ang lalaking nakilala ko sa Dean's Office.

Kala ko hindi niya itutuloy, kala ko muli niya kong babalikan at sasabihin muli sa'kin ang sinabi niya 'nung mahal na mahal niya pa ako, ang mga katagang pinangako niya na kahit anong mangyari hindi niya ako iiwan, na lagi lang siyang nand'yan para sa'kin, para protektahan at mahalin ako.

Pero ngayon siguro nasa Canada na siya para tuparin ang pangarap niya, para sa career niya.

Bago pa man siya umalis sinabi ko na sa kanya na pagumalis siya dun na rin matatapos ang relasyong sinimulan namin simula ng sinagot ko siya sa resto.

Akala ko sapat na ko para magkaroon siya ng dahilan para hindi tumuloy, para mag-stay na lang sa bansa at sabay naming tuparin ang mga pangarap naming dalawa. Pero mali ako, iba ang priority niya.

Naglakad na ulit ako, gusto kong makalimot, gusto kong mapag-isa.

Sa ikatlong palapag ng mall, may nakita akong maraming nakapilang tao, nag-uunahan sila at ang haba na rin ng pila. May kanya-kanya silang dalang popcorn, snacks at maiinom: pampadagdag good vibes at saya pag nagsimula ng mag-play ang napakalaking screen na magpapalabas ng napili nilang panuorin.

Ang saya saya nila, excited siguro sa mga pwedeng masaksisahan sa loob ng isang malaking madilim na lugar.

Tama, madilim. Siguro naman kahit panandalian lang makakalimot ako sa sakit, sa sakit na dulot ng pag-iwan ng taong minahal ko, ay hindi, let me correct it na taong mahal ko pa rin ngayon.

Dahil siksikan at naguunahan na sila sa pila hindi na ko 'dun dumagdag pa. Nakita ko ang isang sinehan, wala halos pila, siguro nagsimula na ang palabas sa loob o di kaya naman mas trip lang talaga ng iba napanoorin ang comedy kaysa sa horror na ipapalabas ng sinehang nasa harap ko.

Bumili na ako ng ticket at agad na pumasok sa madilim na silid. Ang tahimik na ng paligid tanging ang tunog na lang na nanggagaling sa malaking screen ang makikinig.

LOVE until it hurts no more...By: EthandegreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon