CHAPTER 24
Jane
Nagtataasang mga berdeng puno, iba't ibang damo na may sari-saring bulaklak at napakalawak na lupain.
Kala ko kung saan ako dadalhin ni Clive. Kaya pala mahaba haba rin ang byinahe namin, mahigit dalawang oras din. Nakatulog na nga ako sa byahe eh. Dinala niya ako sa probinsya nila.
Grabe, ang lawak ng lupain nila, 'yung bahay nila two-story floor na yari sa matitibay na kahoy, simple lang ang design sinunod sa ganda ng paligid, very relaxing and refreshing.
Tanging katiwala lang nina Clive ang nandito sa bahay at malaking lupain nila, may mga trabahador din naman na gumagawa sa farm nila. Tuwing bakasyon lang kasi sila nakakapunta dito dahil may bahay nga naman sila sa syudad at nandun din ang trabaho ng mga parents niya.
But this place is very awesome, very nature friendly. Damang dama mo ang paligid na parang hindi uso ang global warming.
"Anong ginagawa natin dito? Hindi pa naman ako nagpaalam kayna Mommy." Tanong ko sa kanya habang namamanghang pinagmamasdan pa rin ang ganda ng piligid.
Hindi naman nagkakalayo ang mukha nito sa lugar namin pero, compared dito, mas urbanized 'yung sa'min, pero kung ganda rin naman ng paligid. Panalo!
"Don't worry babalik naman tayo. Maaga pa naman."
"Mang Tonie, punta lang po kami sa farm." Paalam nito sa katiwala.
"Oh hala, mag-ingat kayo. Maghahanda na rin ako ng paborito mong pagkain." Tugon naman ni Mang Tonie.
Inalalayan ako ni Clive maglakad papuntang farm, hindi naman kalayuan.
Pagdating namin 'dun, may silungan at upuan na pwedeng pagpahingahan.
May mahaba ring bakod na yari sa pawang kahoy na nakapalibot sa malawak na lupain nina Clive.
Iba't ibang hayop ang makikita mo na malayang nakakagalaw sa malawak na lupain. May kalabaw, baka, kabayo, baboy, manok, at basta madami.
Kinuha ni Clive ang kamay ko.
Inalalayan niya kong tumawid sa bakod. Sumunod naman ako.
Pumasok kami sa isang kulungan ng mga hayop, kwadra pala.
Kumuha siya ng sombrero, cowboy hat na nakasabit sa pader ng kwadra at kumuha rin siya ng cowboy boot na nakaayos ng husto sa pinaglalagyan nito at sinuot sa akin. Medyo luwag, pero carry naman.
Sinuot niya rin sakin, 'yung cowboy hat.
Tumingin siya sa'kin. Inaayos niya ng bahagya ang pagkakapatong ng cowboy hat sa ulo ko.
"Bagay sa'yo, parang ako." Tapos ngumiti siya.
"Hanggang dito ba naman." Napangiti na lang din ako.
Kumuha rin siya ng cowboy hat and boot para sa kanya.
"Don't tell me sasakay tayo sa kabayo."
Ngumiti lang siya.
"Clive, hindi ako maalam." Paalala ko.
Sa tanang buhay ko, never pa kong nakasakay ng kabayo. Masipa pa ko 'nan.
Pero a part of me is excited.
"Ako bahala sa'yo, pababayaan ba naman kita." He said with a tone of assurance.
"Paano kong mahulog ako?" I said.
"Eh di sasaluhin kita."
I felt a tight knot in my tummy dahil sa sinabi niya. Gumagana rin pala ang banat ng mokong na 'to ah.
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomanceHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...