CHAPTER 33:

17 0 0
                                    

CHAPTER 33

Jane

Grabe ang sakit ng ulo ko ngayon. Ang tagal ko ring di naranasan itong tinatawag nilang hangover.

Hindi ko naman kasi ugali ang magpakalasing, nagkataon lang talaga na napagdiskitahan ko ng husto ang mga tequila kagabi.

Hindi ko na rin maalala ang iba pang detalye na nangyari kahapon, ang tanda ko lang trinopa ko ng husto si tequila.

Napahawak na lang ako sa noo ko, napasabunot ng konti sa buhok. Ang sakit pa rin.

Tanghali na rin pala.

Pumunta ako sa banyo, naghilamos at tiningnan ang sarili. Napansin kong may mga natuyong luha sa pisngi ko. Pati ba naman pagtulog, umiyak ako. Grabe na 'to huh.

Pandalian lang, panandalian ko lang nakalimutan ang sakit na nararamdaman ko na naman ngayon.

Sana tulog na lang ako. Kasi dun, ang peaceful ng lahat. Kasi dun kahit papaano nakakatakas ako sa sakit ng mundong ito.

Wala akong ganang kumain, hindi na muna ako bumababa.

Instead kinuha ko ang paborito kong ballpen at notebook na kaibigan ko na, na kung nakakapagsalita lang siguro ay sasabihing umay na umay na siya sa mga kadramahan ko sa buhay.

Salamat na lang sa ballpen at notebook na 'to nakakapaglabas ako ng mga hinaing ko, 'yung alam kong hindi ako huhusgahan at hahayaan lang dumaloy ang ang letra at salita sa bawat pahina ng papel nasusulatan ko.

Umupo na ako sa upuan na may table, kung saan nakalagay din ang computer ko.

Nagsimula na nga akong magsulat.

Sino bang nagsabi na kapag umibig ka eh always happy lang walang ending. Na feeling mo araw-araw may party ng paru-paro d'yan sa tummy mo.

Sino bang nagsabi na pagmahal ka, mamahalin ka hanggang dulo, no expiration date, at all times unlimited, na pati mundo niya at mundo mo ay nagiging isa dahil in love kayo sa isa't isa.

Sa totoong nagmamahal, ang pag-ibig hindi laging heaven, kahit anong iwas mo, kahit anong tago at isip mo na hindi ka niya sasaktan, sorry to say pag nagmahal ka there is a 100 percent sureness na masasaktan ka, kasi nagmahal ka, kasi nag-commit, kasi nagtiwala ka.

Kaya ako ito, na naman, wala na bang bago. Sh*t! Napapagod din naman akong masaktan Oh! Hindi siya nakakamanhid.

Nakakapagod na ikaw palagi ang puntirya ng mga manloloko, na kahit minahal mo man sila ng totoo, bisyo na siguro nila ang manakit ng damdamin, ng puso mo.

Oo, malinaw sa'kin na parte na ng pagmamahal ang masaktan. Sabi nila tanga raw pagpaulit-ulit ka nang sinasaktan ng taong mahal mo.

Eh ako, mukha ba akong PUNCHING BAG para saktan ako ng paulit-ulit ng mga taong minahal ko at pinagkatiwalaan ng totoo.

Una, si Charles, na mas pinili ang career kaysa sa'kin.

Pangalawa, si Cedrick, na mahal pa pala ang first love niya.

Pangatlo, si Clinton, na mas nagandahan sa bading.

Ikaapat, si Clark, ang may kalampungang cousin niya raw.

Lahat sila minahal ko, pero lahat din sila niloko at sinaktan ako.

Pero si Clive, pinagkatiwalaan ko siya.

LOVE until it hurts no more...By: EthandegreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon