CHAPTER 18
Jane
Malapit na ang finals, kaya puspusan na ang pagbibigay at pag-reremind ng mga prof. namin tungkol sa mga requirements nila. Kaya naman ito 'yung sinasabing hell week 'yung tipong kahit pagkain at pag-ihi nakalimutan mo na para lang matapos ang kabundok na mga pinapagawa nila, tapos lumindol na pala o may paparating nang bagyo wala ka pa ring kaalam alam kasi nga busy ka kaya naman stress ka, oily pa, samahan mo pa ng pananakot ng prof. mo: bukas na ang deadline, ang hindi makapag-submit galingan n'yo na lang sa exam or else mag-enroll na lang kayo ulit.
Mapapa-tubig ka na lang please.
Buti na lang tapos na'ko.
Nakatayo ako sa hanay ng mga iba't ibang klaseng papel. Kailangan ko kasi ng papel na pagpri-printan ko ng reflection research paper ko sa isa kong subject. Nasa National Bookstore ako. Kinuha ko na lang 'tong mabangong papel (maarte eh), medyo mahal pero ok na kahit alam ko namang hindi masyadong babasahin nang prof. ko 'yung mga ipapasa naming research papers, gaman alam ko naman na ang basehan niya ay design, creativity kaya kahit pusho pusho ang gawa nung iba basta maganda at presentableng tingnan sure na, A+ na 'yun sabay kamot sa ulo nung mga running for Cum Laude.
Pero sa case ko, well pinaghandaan ko parehas; content and design, last na naman kaya i-todo na natin 'to!
Nabayaran ko na 'yung mga binili ko, pinahabilin ko muna sa baggage counter, parang gusto ko kasing mag-coffee.
Pumasok ako sa Star Bucks. Hindi masyadong matao, halos mabibilang mo sila. Umupo na lang ako sa medyo unahan malapit sa pinto, hindi rin naman ako magtatagal.
Dumating na si Kuya, nilapag na 'yung coffee na inorder ko. I took a sip.
Ang bilis nga naman ng panahon. Sabi ng mga teachers namin dati enjoyin na raw namin ang high school life kasi pag dumating na sa college, serious mode na dahil ito na raw kasi 'yung final stage ng pag-aaral mo at ito na 'yung pintuan patungo sa mga pangarap at hinaharap mo.
Bigla tuloy akong napaisip, my dad wanted me to take up business ad. kasi para may mag-mamanage raw ng business namin pagdating ng araw pero hindi naman niya ko pinilit kong ayaw ko pero syunga ko noh sure na 'yun, sure na ang future ko run pero tinanggihan ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit pumasok ako sa medicine field. Ayaw kasi naming maghiwa-hiwalay nina Bessy kaya 'yun sa nursing kami napapunta, pero yaka naman.
Naalala ko tuloy 'yung ginawa namin dati. Dahil ayaw namin ng math iniwasan namin ng todo, hindi namin ini-enrollan kaya ito kami ngayong fourth year nganga. Napasabay tuloy kami sa mga first year nursing students, kahiya nga sana pero parang nasa iisang bangka lang kami, nakakaisang ni-no-nose bleed sa pagsasagot ng mga given problems.
Buti na lang talaga nagpatutor ako kay Chance, laking tulong din ng taong 'yun sa'kin. Halimaw sa math, kainggit din minsan. Salamat na lang talaga nakilala ko siya bago matapos ang taon. Hindi lang siya matalino, mabait na at gwapo pa, ang swerte ng babaeng nakatadhana para sa kanya. He deserves a lady, sabi nga ni Pia Alonzo Wurtzbach, confidently beautiful with a heart.
Naubos ko na ang coffee, refreshing pwede ng umuwi, kanina pa rin naghihintay si Mang Simon. Kinuha ko na ang bag ko at sinakbit ito sa kamay ko.
Pagkalabas ko may nakita akong pamilyar na mukha, kahit naka-side view ito. Parang ang layo ng tingin, parang may malalim na iniisip.
"Ate Amanda." Masigla kong bati ng makalapit ako sa kanya.
Napalingon naman siya.
"Jane, nandito ka rin." Nakangiti niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/32801513-288-k186318.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomanceHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...