CHAPTER 1
Jane
"Very Good! Jane Torres. Well delivered!"
Commend ng Prof. ko habang naglalakad ako with confident papunta sa aking upuan.
"Thank you Sir." I said and smiled.
"Bessy, perfect. Ikaw na talaga. Hugot ka dun ah, kala ko iiyak ka na nga eh. Nakahanda na 'tong tissue ko just in case." Sabi ni Bessy Sarah na katabi ko sa kaliwa ng upuan ko while Bessy Cathy at the other side.
"Bessy aminin mo sa'min. 'Wag kang magsisinungaling pipilikan kita. Ikaw 'yun noh? Ikaw 'yung na-heartbroken na naman sa speech mo. May pa-lady lady ka pa dyan." Saad ni Bessy Cathy habang hawak niya 'yung speech niya, hindi pa kasi siya nakakapag-speech recitation.
"Well, you're right mga Bessy, syunga eh." Saad ko sa kanila habang nakatingin ako sa notebook ko at hawak ang ballpen ko.
"So, anong nangyari Bessy? Bessy hah malapit ka ng buminggo, pa-apat mo na 'yan. Una si Charles, sunod sina Cedrick, Clinton at ngayon nga si Clark, konting push na lang BINGGO ka na."
"Mamaya ikaw ang bibinggo sa'kin." Inis kong sinabi kay Bessy Sarah.
"Taray, meron lang."
"Bessy Sarah, 'wag kasi muna ngayon, wrong timing ka eh. Kita mong masakit pa 'yung heart nung isang tao d'yan. Hayaan muna nating magluksa. Maya na natin kausapin, pag lumamig na 'yung ulo. Tayo na lang mag-usap."
Cathy: "Bessy, ano kayang nangyari sa dalawang yan?"
Sarah: "Oo nga eh. Siguro kagaya ni Charles napinagpalit siya sa career nito."
"Oh di kaya naman kagaya ni Cedrick na narealize na mas mahal pa rin pala nito ang first love niya?"
"Oh deh kaya naman pinagpalit siya sa bading, kagaya nung ginawa ni Clinton."
Ang lakas din nang trip ng mga Bessy ko noh ang sarap ihawla, kung makapag-usap parang wala ako sa gitna nilang dalawa. Lakas mang-asar. Buti na lang talaga sanay na ko sa dalawang 'toh, ganan 'yang mga 'yan pag gustong gustong malaman ang dahilan kung bakit BROKENHEARTED NA NAMAN AKO?
Masanay na kayo, ewan ko ba kasi sa sarili ko kung bakit lagi na lang akong nangangarap na seryoso sila....oo seryeso nga pala sila lalo na pagdating sa pangongolekta ng mga chickabebe nila. Kala ko pa naman isa lang ang puso nila 'yun pala para ring pizza na pwedeng hati-hatiin, at tikman ng iba, gawin ko kaya silang giniling ngayon. Kasi naman, Sino ba kasing nagsabi na dapat seryosin ko sila? 'Yan ito ako ngayon, OUCH, ang sakit kaya, umasa eh, naniwala sa mga pangako 'yun pala puro nguso walang akto, 'yan tuloy ito me nganga, sakit....ang sakit sakit sakit.
"Mga Bessy, wait lang hah mamaya patapusin lang nating 'tong Humanities Class natin, pagkatapos na pagkatapos nito eh bro-broadcast ko agad agad no delay ang reason kung bakit HEARTBROKEN NA NAMAN AKO." Sinabi ko 'yun para magtigil na sila sa pang-aasar.
"Eh mabilis naman palang makaramdam ito ng gusto nating iparating Bessy eh. Kaya Bessy Cathy, stay foot ka lang muna d'yan. Mag-memorize ka na lang muna ng speech mo."
"Oo nga mamaya na muna ang chika, sige na nga hayaan na muna 'yang magdrama."
Palibhasa kasi itong si Bessy Cathy, hindi pa nagkaka-boyfriend since birth, kaya hindi alam ang pakiramdam ng masaktan at lokuhin ng taong akala mo mahal ka, pweee, naka-apat na ko, puro C pa ang start ng pangalan nila hah, kaya pala, mga CHEATER nga...
Ito namang si Bessy Sarah, awan ko ba dito parang puro flirt flirt lang ang alam pagdating sa pag-jojowa, ayaw niya raw kasi ng serious relationship at ng commitment kasi ayaw niya raw matulad sa'kin. Bakit sino bang ayaw maghangad ng serious relationship? Hindi naman ako naghahangad ng perfect relationship, gusto ko lang 'yung real, 'yung totoo, 'yung walang lokuhan, 'yung mahal namin ang isa't isa, 'yung aalagaan ako at hindi niya papayagang may manakit sa'kin at hindi ako lolokuhin. Ang kaso may expiration date pala ang pag-ibig ng mga manlolokong mga C'ng 'yun. Sakit...ang sakit sa bangs.
![](https://img.wattpad.com/cover/32801513-288-k186318.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomanceHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...