CHAPTER 11
Jane
4 PM
First Day of Tutorial Session With Bacth.
"Ok let's start sa factoring techniques....
One of the several techniques to consider is Common Factor of Highest Degree...
...ang dapat lang natin gawin ay hanapin 'yung common factor highest degree...
Kung baga sa love dapat alam n'yo 'yung commonalities n'yo para maging compliment kayo sa isa't isa, at 'yun 'yung magiging guide n'yo sa isa't isa para mas mabilis n'yong masolusyunan ang mga conflicts na dadating sa inyong buhay, at ang pinaka the best na dapat makita ng couple sa isa't isa ay 'yung pagmamahalan nilang dalawa. 'Yun dapat ang maging starting point sa lahat ng gagawin nilang decision and action pagdating sa relationship."
"Kung makapag-relate sa love wagas hehehe, tanong lang are you Mr. Cupid?"
After an hour natapos na ang tutorial session namin I enjoyed a lot naman and syempre I learned a lot din, galing kasi ni Batch magturo eh especially with the touch of the most powerful force here on Earth; love.
"Sige Batch, bye na muna. Tom. Na lang ulit may klase pa ko eh. Hope you enjoyed and learned something today."
"Dami Batch. Salamat. Sige pasok ka na baka ma-late ka pa eh. Bye."
Sa may labas ng gate ng campus namin while waiting for a taxi, may pinuntahan kasi ang family driver namin kaya di niya ako masusundo.
"Sumama ka sa'kin hold-up toh, wag kang gagalaw." May taong humawak sa shoulder ko mula sa likod na naging dahilan para tumayo ang ilang mga balahibo ko so scary, sisigaw na sana ako ng...
"Joke lang hehehehe, Clive toh."
"Clive? Hah ano.. ah hindi maganda 'yung biro mo. Nakakainis ka!" Mataray kong sabi sa kanya, sabay lumakad ako palayo sa kanya.
"Jane sorry na. Hindi na mauulit." Saad niya habang sinusundan ako.
Hindi ko siya pinansin. Ang totoo ayaw ko talaga muna siyang makita o makasama ngayon. Alam nyo na 'yun, ang Ahas.
Nabigla na lang ako ng nasa unahan ko na siya ang bilis din ng kolokoy na ito hah, "Please sorry na. Please...please Jane, ano? Gusto mo lumuhod pa ako dito."
"Pwede rin naman." I smiled at him na mukhang hinahamon siya.
"Sigurado ka?"
"Mukha ba kong nagbibiro?"
"Ok." Luluhod na nga siya...grabe sineryoso nga nang kolokoy.
"Joke lang din. Luluhod ka naman." Pinigilan ko siya sa pagluhod niya.
"Basta ikaw kaya kong gawin ang lahat."
"Galing mo talaga pagdating sa mga banat mong 'yan. Oh ano bang kailangan mo?"
Ngumiti siya sa'kin na parang nagpapa-cucute, "'Yung promise mo pag nanalo kami. Awwss limot na agad."
Promise? Ah oo nga, nasabihan ko nga pala siya kanina na pag nanalo siya itre-treat ko siya at pag na-shoot niya 'yung ball I will allow him na to have a date with me.
"Ah oo, saan mo ba gusto?" Ano ba yan? Kung kailan namang pauwi ka na saka mo pa makikita ang taong ayaw mo munang makita at ang malupit pa, makakasama mo pa siya sa pagkain ng matagal... ok lang naman kung hindi ako nakakita ng ahas... ah ah naman.
Para mapabilis na 'toh, dun ko na lang siya dinala sa kinainan namin ni Chance kanina kay Mang Kevin, nasarapan kasi ako sa street foods niya, there's something special magic sa sauce niya. Parang I want a second round.
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomanceHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...