CHAPTER 14
Jane
3:00 pm na, pumunta na'ko sa puno ng balete. Kung kahapon halos isang oras akong naghintay kay Chance ngayon naman in my calculation, mga 10 or 5 minutes earlier si Batch. Nakaupo na siya sa bilog na upuan na bato na nakapalibot sa kabuuan ng puno ng balete.
"Batch." Tawag ko ng makarating ako sa kinauupuan niya.
"Oh! Batch kamusta?"
Umupo na'ko sa upuang bato.
"Ok naman. Medyo madali lang 'yung lesson namin sa math. Di ko nga rin alam kung bakit naintindihan ko agad. Suguro nahawa na rin ako ng konti sa talino mo. Ikaw ang kamusta, magaling na ba si Nanay Nelly? At parang ang agap natin ngayon ah." May pagka-sarcastic kong sabi sa mga huling linya ko.
"Ok na naman. Pero hindi ko muna pinaalis sa bahay, pinasamahan ko na rin kay Aling Rosa..." napakamot siya sa ulo..."Nabawi lang batch."
"Joke lang. Buti naman ok na si Nanay Nelly."
"Nanghihinayang nga kahapon, hindi ka niya nakausap ng matagal at maayos, gabi na rin kasi."
"Ang sweet naman, hayaan mo some of the other days, dun mo na lang ako ulit turuan." I said while smiling.
"Sige makakarating kay nanay. Sabi mo madali lang ang math lesson n'yo ngayon kaya iba na lang ang pag-aralan muna natin."
"Pwede naman. Pero meryenda muna tayo." Pagyayaya ko.
"Sige. Pero walang librehan huh. Wala rin naman daw kasi kaming klase mamaya."
"Ok. KKB tayo pero after ba nito may gagawin ka pa?"
"Wala naman. Pero uuwi na rin siguro ako agad, alam mo naman si nanay."
"Ok. Pero pahingi rin ako ng konting time mo huh. Konti lang. Sige tayo na."
Ngumiti naman siya at tumango.
"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang gulat niyang tanong.
"Kaninong bahay 'to? Sa inyo ba 'to?" Tanong niya ulit.
"Relax..." hinarang ko sa kanya ang dalawang palad ko..."Di ba sabi mo wala ka nang klase, wala ka nang gagawin. Ibig sabihin you're free. Hindi rin naman ako makakapayag na hindi kita iinvite sa bahay ko. Ang saya ko kaya 'nung pumunta ako sa bahay niyo kahit medyo hindi ok si Nanay. At wala tayong gagastusin dito. Pasok na tayo."
Nasa harap na kami ng bahay namin. Hindi ko na muna pinapasok ang kotse kasi ipapahatid ko pa mamaya si Chance kay Mang Simon.
"Batch, sigurado ka." May tensyon sa mga boses ni Chance.
"Oo naman. Don't worry mabait si Mommy, 'yung sister ko naman medyo mataray ng konti. Pero they're great naman. Si Daddy naman nasa trabaho pa 'yun." Hinawakan ko siya sa kamay para mawala naman ang tension niya, ang lamig huh. Kabado nga, maybe hindi siguro siya sanay.
"Batch, wag na lang uwi na'ko." Hindi pa man ako nakakapindot sa doorbell ng bahay ng sabihin niya 'yun.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Napabitaw na rin ako sa kamay niya.
"Minsan lang naman ako humingi ng favor. Nandito na rin naman tayo. Trust me, mabait naman ang family ko." Malungkot kong sabi.
"Hindi naman sa ganun Batch. Hindi kasi ako sanay sa ganito hindi ko alam kung paano..." naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko..."pero sige na. Wag ka nang malungkot tayo na." Nakatingin siya sa mga mata ko ng sabihin niya 'yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/32801513-288-k186318.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE until it hurts no more...By: Ethandegreat
RomanceHanggang kailan ka ba dapat magmahal? Hanggat may dahilan ka para mahalin siya... Kahit nasasaktan ka na at nagmumukhang tanga ok lang... ...kasi mahal mo siya. Pero minsan hindi maiiwasan na mapapagod kang magmahal... Dahil hindi lahat ay purong s...