2. Esteban

4K 68 0
                                    

Esteban


Isang napakagandang tanawin ang bumungad sakin ng iminulat ko ang aking mga mata.

Sadyang sumasang-ayon sa akin ang panahon. Nagkaroon nanaman ako ng pagkakataon para makatakas.

Nakasakay ako sa bus na di ko alam kung saan patungo. Buti na lang at nadala ko yung secret ATM ko at yung pera na kinita ko nung araw na nakidnap ako.

I wonder kung kamusta na kaya yung boarding house na inuupahan ko dati? Hindi pa ko nakakabayad ng upa dun.

Paano na naman ba ko nakatakas sa engagement party ko kuno?

At dahil nga ako si Graciella Yassi L. Leviste, 24 years old, nakatira sa-- teka nga!

Hindi talaga ako makapaniwala sa sarili ko sa ginawa ko kanina.

Tumakas lang naman ako sa bahay bago ako tawagin nina Mama.

Flashback..

"For sure, ikaw na ang pinakamagandang bride to be." Sabi ng babaeng nag-aayos sakin.

Damn this Engagement Party!

At nakuha pa kong bolahin ng babaeng to. Kainis!

No words came out. I just fake my smile at her.

Inayos na ng babae ang mga kagamitan niya at umalis din. Nakikipag-kwentuhan pa sakin. Aba ate, close tayo?

Naiwan akong mag-isa dito sa kwarto. Mula sa labas ay narinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan.

Sasakyan ni Papa. Himala ata at ang aga nauwi ni Papa. 4pm pa lang ng icheck ko ang relos ko.

Nakaupo parin ako dito sa kama habang nag iisip kung paano ako makakapuslit mamaya. Masyado na kasing gasgas ang strategy ko. Haha.

Naka-ready na ang mga gamit na dadalhin ko. Habang may pagkakataon ako kanina, dinala ko ang mga gamit ko sa bodega, malapit sa 2nd gate namin. Nilagay ko sa garbage bag yung dadalhin kong bag para isipin nila na basura yung dala ko. Oh diba? Tinanong pa ko ni Manang kung ano daw yung dala dala ko.

"Wala ho Manang. Mga sirang gamit ko po ito." Sabi ko sakanya habang bigat na bigat ako sa dala ko.

"Naku, gusto mo ba magpatulong? --Guaaard.. "

"Naku ulit Manang, wag na po. Kayang kaya ko na po ito. "

"Talaga ba? Sige, ikaw bahala. "

Nang nasa bodega na ako, lumuwag ang mga ngiti ko. Yes! Wala palang bantay dito. Alam ko na kung saan ako pupuslit. Hehe.

Tok Tok.

Pumasok naman si Papa sa kwarto at tumingin sakin.

"You look like your Mom. So gorgeous."

"Thanks Pa." Walang kabuhay buhay na sagot ko kay Papa.

Nahalata naman ni Papa na wala akong gana na kausapin siya kaya sinabihan niya ko na si kuya daw ang magsusundo sakin dito mamayang 6pm. Pagkatapos ay umalis na siya.

Masaya ka ba Papa na makitang ikakasal ang anak mo sa taong hindi niya kilala?

So ganon.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon