14. Hint

1.8K 39 0
                                    

Hint





Kinaumagahan ay isinama ako ni Lola sa pwesto niya sa palengke upang tumulong doon since malapit na mag pasko. Dumadagsa ang mga mamimili kaya hindi kakayanin ni Lola na mag  isa lang doon.

"Miss, magkano ang patatas niyo?" Tanong ng isang mamimili na sa tingin ko ay kaedaran ko lang.

"Re-rettina?" Tanong ni Lola doon sa babaeng nagtatanong kung magkano ang patatas. Humalakhak ito ng matapos siyang makilala ni Lola.

"Lola! Akala ko pa naman ay hindi mo na ako kilala." May halong pagtampo sa boses na iyon ngunit mapapansin mong pabiro iyon.

"Ikaw pa ba? Eh ikaw ang nag iisang apo kong babae na parang lalaki kung kumilos." Aniya ni Lola at iginaya ang babae upang makapasok ito sa tindahan.


"Yella, si Rettina pala, apo ko." Magiliw na ipinakilala sa akin ni Lola ang babae. Mas matangkad ito sa akin. Sa tingin ko ay nasa 5'3" ito. Maiksi ang buhok na siyang bumagay sa hugis ng kanyang mukha. Siya ang babaeng sa unang tingin ay mararamdaman mong parang may kakaibang misteryong bumabalot dito. Nakaka-intimidate kahit simple lang ang kanyang pananamit.

Agad siyang naglahad ng kamay sa akin na siyang tinanggap ko naman. Pinilit kong ngumiti upang hindi niya ako mahalataan na medyo nag aalangan ako.

"Yella, right? Nice to meet you! Bagay kayo ni Kuya Saff." At ngayon, ngumiti siya sa akin na parang isang anghel kaya nawala ang kaba ko at gumaan ang pakiramdam ko.

Bagay kami ng Kuya Saff niya? Ikinukwento kaya ako in Lola sakanya?

Ganito pala ang feeling kapag may nakikilala kang kamag-anak ng taong gusto mo. Mabuti na lang talaga at close ko na sina Lolo at Lola bago ko narealize na gusto ko ang apo nila.

Tumulong siya sa amin ni Lola sa palengke. Kapag walang namimili ay nagkukwento siya tungkol sa trabaho niya.

She's a detective. Nagtatrabaho daw siya sa isang investigation company. Kaya siya nandito ngayon sa Bicol ay dahil dito siya na-assign. May nakapag-bigay daw sakanya ng lead na nadito sa Bicol ang pinapahanap sa kanya.

"Nahihirapan ka ba sa trabaho mo?" Tanong ko sakanya.

"Hahaha. Hindi. Nag-eenjoy pa nga ako eh. I love solving mysteries kaya hindi naman siya mahirap for me." Proud na sagot niya sa akin. Ganoon naman siguro ang buhay. May kanya-kanyang trip upang mapasaya ang sarili. Hindi mo makikita ang hirap ng pinili mong landas na tatahakin kung sa una pa lang ay gusto mo na ito.

Minsan kong pinangarap ang magtrabaho sa kompanya ng aking ama kaya related sa business ako nag settle. Gusto ko rin makatulong sa kuya ko na nakikita kong sobrang stress siya kung minsan.

Kaso nang malaman kong ipapakasal nila ako sa hindi ko kilala ay nagtampo ako sa kanila. Hindi lamang nila ako kinausap o kinunsulta sa mga desisyon nila. Kung may dapat na ipakasal sa amin, dapat yun ang Kuya ko. 3 years na lang, magtitrenta na iyon! At never kong naamoy na may nagugustuhan o dinidate itong Kuya ko.

"Ikaw Yella, taga rito ka ba talaga sa Bicol?" Tanong niya sa akin habang kumakain ng banana cue na binili namin kanina.

"Ah. Hindi. Taga Manila ako." Sagot ko naman sa kanya. Agad akong kinabahan dahil baka kung saan mapadpad itong pagtatanong niya. I should be more careful sa pagsasagot.

"Oh? Paano ka napadpad dito?" Patuloy parin ito sa pag nguya ng banana cue.

"Lumayas siya sa kanyang amo na minamaltrato siya at napadpad siya rito. Tapos tinulungan niya ako nung muntikan pa kong mahagip nung tricycle. Wala siyang matutuluyan kaya pinatira na namin siya sa bahay." Buong kwento ni Lola sa sakanya.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon