1. Runaway

6.4K 84 0
                                    

Runaway






I was awakened by the light passing through the window facing north.

I raised my right eyebrow and trying to figure out where the hell I am.

And guess what?

Nasa..

Teka, kwarto ko to ah! Kaya pala napa-english ako ng wala sa oras.


Wait. Don't tell me..


Napalingon ako sa may pinto ng bigla naman may kumatok at agad ito bumukas. Pumasok ang isang maid na may dalang tray na pagkain ang nakalagay.

"Ma'am, mag breakfast na po kayo. Sabi ng Papa niyo, may darating daw mamaya para ayusan po kayo."

AYUSAN??

"Ako? Aayusan? Anong meron manang? Tapos na po yung debut ko ah?" Pag bibiro ko kay manang. Though alam ko ang tinutukoy niya.

Hays.

Inilagay ni manang yung tray sa side table ko. Tumingin siya sakin at nag buntong hininga.

"Ikaw talaga Yassi--"

"Engagement party mo ULIT mamaya LS."

Napalingon ako sa nag salita.

My only brother, Peter Genesis Leviste.

I looked at him, giving him a message of asking "WHAT?!" at talagang in-emphasized niya yung word na ULIT.

"I'll go ahead. Eat your breakfast. Mag-uusap tayo mamaya."

And in just that moment, sabay na sila ni manang lumabas ng kwarto ko habang ako, nakanganga parin dahil sa sinabi ni kuya.

Aba teka nga ! Kakadinap-- este kaka-hold up lang sakin kahapon tapos pag gising ko, nandito na ko?

Anak ng ! Sinasabi na nga ba eh. Tama yung kutob ko kahapon. Ayan nanaman kami. Pina-kidnap NANAMAN siguro ako ng tatay ko para sa Engagement party na yan! Mas gugustuhin ko na lang ata maholdap kesa magpakasal sa isang imaginary fiance na never, as in, kahit anino nun, hindi ko pa naaaninag!

At tsaka, hindi ba sila nasasayang sa pera? Pang-ilan na ba tong engangement party na hindi matuloy tuloy?(takas kasi ako ng takas. Hehe )


Flashback..

"Congrats hija ! We're so proud of you." Bati sa akin ni Papa habang kumakain kaming pamilya ng dinner sa may garden namin.

"Thanks Pa. Alam niyo naman po na kayo ang inspirasyon ko ni Mama."

At the age of 22, Nakagraduate na ako ng college. Pahinto-hinto kasi ako nun then palipat-lipat din ng course. Di ko kasi alam kung ano talaga yung pinaka-gusto kong course. Minsan, gusto ko maging nutritionist kaya lilipat ako sa Food Tech. Gusto ko rin maging Architect at Engineer at the same time kaya lumipat din ako jan. Ewan ko nga dati kung bakit natripan ko din lumipat sa Nursing. Hanggang sa nag settle na ko sa course related sa Business Administration Major in Financial Management.

At nakagradute din sa wakas.

"Sus, nagpapalakas ka lang kay Papa para higher position agad ang makuha mo sa company. Hahaha."

That's my brother. Sa pagkaka-alam ko, ililipat na sakanya ni Papa ang pagiging CEO dahil magreretire na ito ng maaga. Since nasa age na din si Kuya Gens, naniniwala si Papa na kaya na itong patakbuhin at pamunuan amg kompanya.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon