15. Dinner

1.8K 33 0
                                    

Dinner



Pagkatapos naming magluto ni Aling Rosa ay inihanda na namin ang mga ilalagay naming kanin at ulam sa dining area. May mga ibang katulong run na naglalagay na ng mga plato, kutsara't tinidor at baso sa malaking mesa. Tinulungan ko si Aling Rosa na dalhin ang mga niluto sa hapag.

Nang matapos namin iyon ay isa-isang nagsialisan ang ibang katulong at kami ni Aling Rosa ang naiwan.

Kahit na nagpaka-busy ako sa pagtulong kina Aling Rosa ay hindi parin maalis sa isip ko yung kanina. Unti-unting lumilinaw sa akin ang mga pangyayari ng pagtagpi-tagpiin ko pero bakit ayaw iproseso ng utak ko? Ayaw ba tanggapin ng sistema ko na posible mangyari ang hinala ko? Pero ayoko mag assume. I still need confirmation kung ako ba ang tinutukoy ni Retinna or Sechyll or kung ano pa man ang pangalan niya na hinahanap niya.

"Handa na ba ang lahat Aling Rosa?" Tanong ng isang lalaki mula sa may sala. Naka-long sleeve polo na kulay maroon ito na naka-tuck in sa suot nitong kulay abong slacks. Nagtama ang paningin namin kaya agad akong nag iwas tingin. Narinig ko ang mahinang halakhak nito at umupo sa centro ng dining table.

"Dumating na ba si Sage?" Aniya na agad naman sinagot ni Aling Rosa.

"Opo Ser. Nasa labas po kasama ang ibang pinsan po. Ipapatawag ko na po sila." Sagot nito.

"Yes please." Aniya at ibinaling sa akin ang tingin.

"Ikaw ba si Yella?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Opo ang dapat kong isagot ngunit parang umaatras ang dila ko sa kaba.

"Ikaw ba?" Malumanay ngunit may otoridad na tono nito.

"O-opo." Nauutal kong sambit. My goodness Yassi or Yella, seriously? Kailan ka pa naging ganyan?

"Sabayan mo na kami mag dinner." Maging si Aling Rosa ay nagulat ngunit agad nito binawi ang ekspresyon at pinalitan ng isang makahulugang ngisi. May ibinulong sa akin si Aling Rosa.

"Sige na iha, maupo ko na doon." Itinulak pa niya ako ng mahina at dinala sa may side na upuan kung saan dalawang pagitan ang layo ko kay Mr. Abuevo.

May mga yabag kaming narinig at nandoon nakita ko ang mga bagong dating na mga tao. Lahat sila ay nabigla sa presensya ko. Lahat ng mga mata nila ay nagtatanong kung sino ang taong naligaw sa mesa nila.

Pamilya nila iyon kaya magtataka talaga sila kung sino ako. Sa di kalayuan ay sumulpot si Alex kaya agad akong napayuko.

Siyete naman oh. Bakit kasi ako nakaupo dito? Eh sampid lang naman ako sa family dinner nila.

Hindi kaya...namukhaan na ako ni Mr. Abuevo kaya ganito na lamang ang trato niya sa akin? Kanina niya pa ako pinagmamasdan at nginingitian.

Namalayan ko na lang na nagsiupuan na sila. Hindi ko na nilingon kung sino sila dahil kinakabahan na akong masyado sa sitwasyon ko.

"Sechyll, nasaan si Saff?" Boses iyon ni Mr. Abuevo.

"Susunod-- ayan na po pala tito." Sagot ng babae na nakaupo sa gilid ko.

"Yella?" Sambit ng pamilyar na tono na siyang pagtaas ng ulo ko upang tignan ang taong nakatayo sa harapan ko.

Nanlaki ang mga mata niya dahil siguro sa di inaasahan na makikita niya ako rito.

Narinig kong may sumipol at tumikhim. Meron ding walang may pakealam at kinuha ang lalagyan ng ulam upang maglagay sa plato nito.

"Inimbitahan ko siya kaya huwag kang mag alala." Sabi ni Mr. Abuevo. Parang naging slow motion ang lahat sa pagitan namin ni Esteban. Hindi mo makuha-kuha ang kanyang iniisip dahil sa blanko nitong ekspresyon.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon