7. The Past

2K 43 1
                                    

Hi! Ito ay POV ni Esteban. Wow, first time ito. Haha. Ayaw ko sana siya magkwento kaso mapilit si Fafa Saff. Este si fafa Esteban. Haha.



So heto na. Magkukwento na.


The Past




"Adrielle's back."

Hindi parin maalis sa isipan ko ang balitang ipinarating saakin kanina ni Kade. Naalala ko pa ang usapan namin noon.

Iniwan ko muna si Yella sa may duyan at naupo sa loob ng bahay kubo. Mula dito ay kitang-kita ko si Yella na malakas na idinuduyan ang sarili.

Baliw. Baliw talaga ang babaeng ito. Parang bata.

"Saff, anong balak mo?" Napatingin ako kay Kade na nakatayo sa katabi ng pintong kawayan. Kumakain ng mangga. Marahil ay pinitas niya ito sa farm.

"Balak?" Di ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit ganito ang reaksyon ko.

May dapat ba akong gawin? Pagkatapos ng lahat? May dapat pa ba akong gawin?

Two years ago when I proposed to her and that night, she finally turned it into worst when she said No.

I thought nabigla lang siya. Nagsorry ako. Siguro ay hindi pa siya handa. But no, that night, she broke up with me.

"Why?" I asked her, still looking for a strength because I feel so dumbfounded.


"I-im so sorry.." Then she left me with teary eyes.

Inihanda ko ang lahat para maging memorable ang gabing ito.

I thought preparing these shits will make her happy and say Yes. I thought she really loves me and saying No was not in her vocabulary. But look what happened. I expected too much.

The place, the ambiance, the music, and the food that she loves. Lahat ng ito ay nasayang.

"Bro, if you want, itapon na lang natin ang copy ng video ng proposal mo.."

"Tama bro, lalo ka lang masasaktan sa pinapanood mo. Don't worry, walang lalabas na soft copy niyan sa social media.

Pinapanood ko ang aking sarili sa video. Naawa ako sa sarili ko at mas lalo akong nasaktan para sa sarili ko. Nagmumukha na akong masokista.

Halos magmakaawa akong nakaluhod na nakayakap sa mga binti niya, just to make her stay, na bawiin niya ang sinabi niyang makikipag-hiwalay siya saakin, na matagal na niya akong hindi mahal at nagtitiis lang siya.

Lahat ng kadramahan ng gabing iyon ay nasaksihan ng apat kong kaibigan. Pati sila ay nasaktan dahil sa pangyayaring iyon.

Pero hindi iyon hadlang saakin para sumuko. Malamang ay hindi pa handa si Adrielle at alibi niya lamang iyon.

I cant afford to lose her. I really love her. I told myself that I wont give her up. She's mine and I will do everything just to win her back. Hindi pwedeng hindi siya ang maging asawa ko. Siya na ang nakikita kong makakasama ko sa future dahil iyon na ang itinatak ko sa isip ko.


My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon