26. Secured

2K 39 0
                                    


Secured


The next days, naging normal ang aking araw. Palagi akong hinahatid-sundo ni Esteban sa trabaho. Minsan nga ay tumatambay iyon sa aking opisina, wala naman ginagawa. Gusto niya raw ako bantayan. Saan naman? Hindi naman ako tatakas.

"Gusto mo ba pumunta tayo ng bicol? Bisitahin natin mga tao doon?" Paanyaya sa akin ni Esteban. Automatic na napaangat ang dalawang sulok ng aking labi. Matagal na noong huli akong nakapunta ng bicol. Kamusta na kaya sina Lola at Lolo doon?

"Sure! Kailan ba?"

"Tomorrow?" Agad agad?

"Okay! Saturday naman bukas eh."

"Okay! --" mukhang may sasabihin pa siya ng maputol iyon ng isang ring ng kanyang cellphone.

"Excuse me." Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya, gesture na sasagutin niya muna ang tawag. Tumango na lamang ako at ibinalik ang atensyon sa laptop.

I wonder kung bakit sa ganoong bahay naninirahan sina Lolo at Lola samantalang sa kanila iyonv mansion doon sa bicol? Naitanong ko ito ng minsang nagkwentuhan kami sa may kusina ng condo ko..

"Because they want to live normal. At tumatanda na rin daw sila. Gusto nila ang buhay kung paano mamuhay ang normal na mga tao. So, nasagot ko ba ang mga tanong mo?"

Muling bumalik sa inuupan si Esteban na nakakunot ang noo.

"Why?" I asked.

"I don't want but I have to leave you for a while Yella. Urgent meeting. But, I'll be right back. Sabay tayo magdidinner, okay?" Bakas sa ekpresyon niya na ayaw niya talaga umalis.

"Sure! You can go. Ingat sa pagdrive." Paalala ko at binigyan ng ngiti just to make him feel that I am okay with that.

Pagkalipas ng apat na oras ay nag-aayos na ako ng aking gamit at sarili ng may natanggap akong text mula kay Esteban. Mukhang importante ang meeting nila dahil hindi niya raw ako masusundo ngayon. 6:30 pa raw siya makakarating. Well, that's okay. Makikisabay na lang siguro ako kay Magie.

Me:
Sure. Sa dating restau tayo, okay? I'll wait you there. :)

Agad ako nakatanggap ng reply. Ang bilis naman yata.

Esteban:
Okay. I miss you so bad. Urgh! Wait me there please? I love you.

Naku Esteban, bakit hindi parin ako nasasanay sa ka-cheesyhan mo?

Agad ako nagtipa ng reply

Me:
I love you too. Ingat sa daan mamaya, okay? Don't make me worry.

Akala mo, ikaw lang marunong magpaka-cheesy ha?

Esteban:
Yes my future wife! You too. I love you so so so much! :*

Me:
Makinig ka sa meeting! Pasaway ka. Haha.

Inilagay ko na sa bag ang cellphone ko dahil tinawag na ko ni Magie.

Habang nasa daan kami ay nagkukwentuhan kami ni Magie. Napagkwentuhan namin yung college days namin.

"Wala ka bang lakad tonight?" I asked. Umiling siya bilang sagot. Oo nga naman, Friday night ngayon at mahaba-habang tulugan ito para sa kanya. Bakit ko pa tinanong?

"Nga pala, wala ka man lang ba isishare sa akin? Like..kung may nanliligaw na ba sayo or may nagugustuhan ka bang lalaki.." I asked. Phishing na din. Para matignan ko kung pwede ko rin gawin yung side line ni Alex.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon