11. Portrait

2K 44 0
                                    

Portrait



Linggo. Maaga kaming nagsimba nina Lola sa pinakamalapit na chapel dito sa baranggay nila.

Hindi ko pinapansin si Esteban pagkatapos ng gabing iyon. Parang back to strangers kami. Yung tipong mag-uusap lang kapag may kailangan pag-usapan. Parang noon. Kaso ngayon, ako naman yung snob at nagsusungit.

Naging mailap na din siya sa akin. Tapos may mga pagkakataon na para bang gusto niya magpaliwanag ngunit bago man iyon ma-open ang topic na iyon, umiiwas na ako at nagkukunwaring may gagawin.

Hindi ko pa ata kaya marinig yung explanation niya. Tsaka, bakit naman siya mag-eexplain? Hindi naman kami eh..

Habang maaga pa, sasagipin ko na sarili ko. That night kasi, i found myself crying without knowing that I am already in love with him.

Nakakainis diba? Dati hindi naman ako ganito. Noon kasi, kapag nalalaman kong may gf na yung mga nagiging crush ko eh okay lang sakin. Eh ano naman? Edi hanap ng bagong pwedeng pagpantasyahan. Kaso ngayon, iba to.

It's my first time to encounter this kind of feeling.

Mas mabuti na siguro ang ganito. Marahil kaya siya nagpunta ng Manila ay upang balikan yung ikinuwento sa akin dati ni Lola. Ang babaeng nang-iwan sa kanya. Siguro'y nagkabalikan sila.

Tapos naalala ko pa yung sinabi dati ni Kade na "Adrielle's back." Sino ba yun? Hindi ko na kasi tinanong kung sino yun. Baka pinsan lang ni Kade or what.



"Iha? Ayos ka lang ba? Ang lalim ata ng iniisip mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Lola. Nasa bahay na kami ngayon. Si Esteban ay umalis na rin upang magtrabaho. Pupunta daw siya sa hacienda ng boss niya upang tignan ang bahay at ang mga trabahador. Gusto ko sana sumama kaso naalala ko na dumidistansya pala ako sakanya.

"Okay lang po ako Lola." I smiled.

"Bakit pilit yung ngiti mo iha? May problema ka ata eh." Lola.

Lola, wag na po makulit. Hehe.

"Wala po. Dadatnan na ho ata kasi ako ngayon Lola. Hehe." Palusot ko kay lola.

Tumabi sa akin si Lola sa sofa at may kinuha siyang parang album ng mga pictures. Matagal na ako dito pero ni isa sa mga photo album nila ay wala pa akong pinakikialaman.


"Ito ang album ng mga larawan ni Esteban mula ng sanggol pa siya hanggang sa pumasok na siya sa eskwelahan." Ipinakita sa akin ni Lola ang bawat page ng album na puro nga larawan ni Esteban.

Napapangiti na lamang ako sa bawat larawan na nakikita ko. Ang cute niya! Kung magkaka-anak man ako ay gusto ko'y ganito rin ka-cute.

Pwede naman siguro ako magkaroon ng anak na cute kahit hindi si Esteban ang ama, diba?

May isang larawan naman sa akin na pinakita si Lola. Isang larawan kung saan kasama ang ama at ina ni Esteban. Karga ng ina ang sanggol at katabi namang ng ina ang kanyang asawa. Makikita sa mo larawan na isa silang masayang pamilya na nagmamahalan.

"Nag iisa nilang anak si Esteban. Hindi na nila sinundan dahil nagkaroon ng sakit ang mama niya. At delikado kung magbubuntis pa kaya, mag isa lang si Esteban." Pagkukwento ni Lola.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga pictures ni Esteban kasama ang mga magulang niya.

Hindi ko mapagtanto sa sarili ko kung bakit para bang nakita ko na sila. Hindi ko nga lang alam kung saan. Ngunit iba talaga ang kutob ko.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon