21. Us

1.9K 39 0
                                    

Us



Tahimik kaming kumakain ng dinner sa mesa ni Esteban. Si manang ay umuwi na pagkatapos nitong magluto. So sa madaling sabi, kami lang ni Esteban ang nasa loob ng bahay na ito. Kung ikukumpara ko ito sa mansion nila sa bicol ay masasabi kong mas maliit ito ngunit ang concept ay pareho lang. Spanish inspired.

Kanina pa kami walang kibuan. Tanging tick-tock lang ng orasan ang nagbibigay ingay sa loob ng bahay na ito. Bakit ko naman siya papansinin? Ikakasal na siya diba? Dapat yung fiancee niya ang kasama niya dito hindi ako!

Pagkatapos kong kumain ay dinala ko na sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan. Naiwan doon si Esteban na kumakain. Hindi ko na siya hinintay pang matapos. Hindi ko kayang makaharap siya ng matagal lalo na't kung makatitig ay akala mo ay tutunawin ka. Sa tuwing kasing napapa-angat ako ng tingin sa kanya ay nakatingin naman siya sa akin na para bang naninimbang.

Problema mo ba?

Pagkatapos ko iligpit ang plato ay babalik na sana ako sa kwarto kung saan ako natulog kanina ng muntikan pa kaming magkabanggaan ni Esteban. Tss.

Bumuga na lang ako ng hininga sa hangin at nilagpasan siya.

"Yella, mag-usap tayo." Seryosong tono nito. Ano naman pag-uusapan namin? Kukunin niya kong ninang sa magiging first born nila ng fiancee niya? Tss.

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy ako sa paglalakad paakyat ng kwarto ko. Wag nga ako Esteban! Ang mabuti pa ay ibalik mo na lang ako sa Manila dahil siguradong pinaghahahanap na ko ng mga pulis. Naku! Idedemanda ko talaga siya kapag nakaalis ako dito sa islang to!

Hindi ko rin kasi ma-gets kung bakit niya ako dinala dito. Para saan ba?

Nagkulong na lamang ako sa kwarto at hinayaan ang sariling makatulog. Bahala siya sa buhay niya.

Kinaumagahan ay bumaba ako mula sa aking kwarto pagkagising ko. Nagtungo ako sa kusina dahil naaamoy ko ang isang macaroni soup doon na niluluto.

"Ang bango naman ng niluluto mo--" Napatigil ako sa pagsasalita ng naabutan ko doon si Esteban na nagluluto. Napalingon ito sa direksyon ko at nasilyan ko ang pag-ngiti nito kaya umatras ako at kumaripas ng takbo papalabas ng bahay. Takte. Hinahabol ko pa ang hininga ko. Akala ko si Manang yung nagluluto!

Dumiretso ako sa dalampasigan at binasa-basa ang aking paa. It's my 2nd day here. Ilang araw kaya ako ikukulong dito ni Esteban? Gusto ko na umuwi at makalayo sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na kapag tumagal pa ang pag-stay ko dito kasama siya ay maaaring lumala ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi iyon pwede dahil..ikakasal na siya, diba?

Iniisip ko kung ano ang gagawin ko ngayon buong maghapon. Ayoko naman lumangoy dahil wala naman ako sa mood para ienjoy ang bakasyon kuno na to. Yea. Kinonsider ko na lamang ito na bakasyon para kahit papano ay mawala ang inis ko sakanya.

Kahapon pala ay may mga bago na akong damit sa aparador sabi ni manang. Binili daw ni Esteban lahat ng iyon. Pinamulahan ako ng pisngi that time dahil nakita ko na hindi lang T-shirt, shorts and jogging pants ang binili niya kundi pati na rin mga undies ko.

Jusme! Nung sinukat ko yung bra, kasyang-kasya sakin lahat! Tapos nung tinignan ko yung size ng panties, akma sa sukat ko!

I can't believe this.

"Yella! Kakain na!" Tawag sa akin ni Esteban mula sa malayo. Kumain kang mag-isa mo!

Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paghahanap ng mga magagandang bato at shells sa dalampasigan. Ngayon ko lang yata na-aappreciate ang lugar na ito. Bukod sa napakalinaw ng tubig na halos kita ang mga corals sa ilalim nito ay napaka-pino at kulay puti din ng mga buhangin. Seems like I'm in Caramoan beach.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon