16. Revelations

2.2K 38 0
                                    

Revelations






Tahimik kaming pumasok sa bahay ni Esteban. Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala sina Lola at Lolo doon na siyang ipinag-taka ko dahil alas nuebe na ng gabi at wala sila dito. Ipinatong ko sa kawayan na sofa ang dala kong sling bag at hinanap si Esteban. Nasa kusina ito at umiinom ng tubig.

"Nasaan sina Lola?" Tanong ko sa kanya. Nag aalala ako dahil gabi na at dapat ay nanunuod sila ng paborito nilang teleserye ni Lolo.

"Mamaya pa sila makakauwi. Nasa chapel sila ngayon dahil bisperas ngayon ng piyesta dito. Marahil nagnonovena." Sagot nito pagkatapos ay nagtungo sa harapan ng kanyang kwarto. Bago man ito pumasok ay tinawag ko ang pangalan niya. Natigilan siya at nilingon ako. Bagaman ay kitang-kita sa kanyang mga mata ang pangamba ay ipinapakita parin niya sa akin ang kanyang kawalang-bahala sa kanyang marahil ay nararamdaman.

Hindi ka pwede pumasok sa kwarto mo Esteban habang hindi pa tayo nagkakalinawan.

"Magbibihis lang ako." Tugon niya at pagkatapos ay pumasok na ito ng tuluyan sa kanyang kwarto.

Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali sa maaaring maging sagot sa akin ni Esteban sa mga tanong na kanina pa ay gustong lumabas sa aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ngunit buo na ang desisyon ko. Na kapag tama ang lahat ng nasa isipan ko ay aalis ako ngayon mismo sa bahay na ito.

Hindi ko yata kakayanin kapag nalaman ko na alam talaga nila ang tunay kong pagkatao. Na sa hinaba-haba ng panahon na itinago ko ang aking pagkatao ay malalaman ko na hindi na pala sikreto ang lahat. At kung gayon, bakit pa nila itinago sa akin ito? Hirap na hirap akong itago sa kanila ang pagkatao ko to the point na gusto kong sabihin sakanila ang totoo. Though, sasabihin ko naman ang totoo sa tamang panahon. What I need is strength. And I am earning it every each day dahil nakokonsensya ako.

Lumabas mula sa kanyang kwarto si Esteban at naglakad papalapit sa akin. Tinignan niya lang ako ng mariin. Siguro ay tinatantya niya ang mga bagay na pwede ko gawin gayong nakikita niya na hindi ako okay dahil iba ang katahimikan ko ngayon.

Tumayo agad ako at naglakad papalabas ng pintuan. Tinungo ko ang punong mangga kung saan nakakabit ang duyan na madalas kong higaan kapag siesta. Lumingon ako sa likuran at nakitang nakatayo siya malapit sa akin.

He's wearing his blue v-neck shirt na kumakapit sa kanyang matikas na katawan kapag umiihip ang hangin. And his faded brown maong shorts na lalong ipinakita kung gaano hinulma ng panahon ang kanyang mga binti.

"Ano ang...pag uusapan natin Yella? Doon tayo sa loob dahil malamig dito." Hahawakan niya sana ang aking braso ng inilayo ko agad iyon. Nabigla siya sa aking inasal ngunit kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at..pag aalinlangan.

Bakit?

Ayoko sa loob kami mag usap dahil sa ayokong makita niya ang pagbuhos ng aking mga luha kung sakali mang maconfirm ko lahat. Dito sa labas ay kahit papano, hindi niya mapapansin iyon dahil konti lamang ang ilaw na nagbibigay liwanag dito sa amin.

"Dito..na lang tayo magkaliwanagan Esteban. Si-sino ka ba talaga?" Agaran at buong tapang kong tanong sakanya. Wala ng pasakalye. Tumikhim siya ng narinig niya ang tanong ko sa kanya. He's playing like normal that he used to but his actions revealed the opposite of it.

"Ikaw Yella, sino ka ba talaga?" Tanong niya sa akin. Ramdam ko ang bawat diin sa mga salitang binitawan niya. Kahit kaunti lang ang ilaw na nagbibigay liwanag sa direksyon namin ay kitang-kita ko kung paano niya ako matamang titigan. Para bang hinahamon niya ako. Like he expected for this to happen and already accepted what will happen.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon