25. Cupid in disguise

2K 37 0
                                    

Cupid in disguise


Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob pagkatapos ng nangyari. Pagkatapos niya akong halikan ay inilayo ko ng bahagya ang aking sarili upang makaharap ko si Esteban. Ipinagdikit niya ang aming mga noo at mataman akong tinitigan. Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.



"I'm so sorry Yella. I need to tell you something.." lumayo siya sa akin ng konti. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naupo sa sofa. Iniharap niya ako sa kanya.

"Ilang araw ka pa lang noon sa amin ay alam na namin kung sino ka.." Aniya. Alam ko na ang parte na ito. Why is he telling me this stuff again?

"Inihabilin ka sa akin ni Alex noon pa, ilang araw ka pa lang noon na nakatira sa amin. Hindi ko rin inasahan na pagkauwi ko noon ay madadatnan kita sa bahay namin. He asked for my help, ang kilalanin ka ng lubusan para sa kanya. Sinabihan ko siya na bakit hindi na lang siya mismo ang kumilala sayo? Ang tanging sagot niya lamang sa akin ay may tiwala siya sa akin.." I can almost hear his loud heartbeat. Me too Esteban, I can almost hear my own heartbeat dahil dito. Para sa akin ay wala na iyon dahil tapos na iyon.


"Gusto kita noon pa. Pero hindi ko kayang agawin sa kanya ang mapapangasawa niya. Ewan ko ba kung bakit pumayag ako sa hininging pabor niya." Dagdag pa nito.

"I became selfish. Nang tumagal ay nagugustuhan na kita lalo kaya hindi ko na pinapaalam kay Alex ang bawat galaw mo. Nabigla lang din ako noong araw na bigla siyang nagpakilala sayo. Takot na takot ako Yella! Sa buong buhay ko, noon lang ako natakot maagawan, at pinsan ko pa ang magiging kaagaw ko." I hold his hand tight, to assure him that i trust him. So he continued.

"Sobrang nagselos ako sakanya ng nalawan kong kasama mo siya sa Paris. Sumunod ako. Hindi ko magawang magpakita sayo dahil mas hindi ko kayang nakikita kang umiiwas sa akin. At ang makita kayo ni Alex na masaya, sobrang sakit! Akala ko ay naagaw ka na niya sa akin, Yella.." Napaangat ang isang sulok ng aking labi dahil sa sinabi ni Esteban. Nasabi niya na ito sa akin pero naiiyak yata ako sa kilig? Pero itong si Esteban ay seryoso ang mga titig sa akin. Bumaba ang titig niya sa aking mga labi.

"Ngayon, hindi ko papayagan ang kahit sino na pumagitna sa atin. Akin ka lang Yella, akin.." Kasabay nito ang pagdampi ng labi niya sa aking labi. Ang kanyang halik na may pag-aangkin ay nagdala sa akin ng kakaibang sensasyon rason upang tumugon sa bawat nakakalasing na halik niya.

Pagkatapos namin habulin ang nawalang hangin, tinitigan ko ang kanyang mga mata. Hindi ako marunong bumali sa isang usapan.

"I told you, right? No matter what happen, Im yours." I cupped his face at pinagdikit ang mga noo namin.

"I love you so much Saff..so much.."

"I love you too Yella.." And he kissed me intensely.

**


Nagising ako na katabi si Esteban. Nakaharap siya saakin, mahimbing na natutulog. I checked the wall clock, it's quarter to six am.

I can still remember what happened last night. We made love twice? Hindi maalis ang mga ngiti ko sa labi. Ilang beses na rin niya napatunayan ang pag-ibig sa akin. I love him so much to the point na hindi ko rin kakayanin ang mawala siya sa tabi ko. Gusto ko na yata maniwala sa forever. Well,  totoo naman kasi talaga ang forever, kailangan mo lang magtiwala.

Hinaplos ako ang kanyang braso na nakayakap sa akin. Ilang beses ba siya nag gigym sa isang linggo? Tinapunan ko ng tingin ang ibabang parte ng kanyang katawan, sa may tyan. Hinaplos ko iyon gamit ang aking mga daliri. Those abs that will make you speechless.. Napatingin din ako sa kanyang V line. Hindi ko na nakita ang ibaba noon dahil natatabunan iyon ng kumot. Ngumisi ako. Ngunit biglang nawala ang ngisi ko dahil may kung ano ang umuusbong sa ilalim ng kumot. Shit. Napatingala ako at nakitang naka-ngisi si Esteban.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon