5. Kinikilig Kanino?

2.4K 48 0
                                    

Kinikilig kanino?




Kinaumagahan ay inutusan kami nina Lolo na pumunta ng manggahan at Pilihan upang tumulong sa pag haharvest. Tignan daw muna namin kung pwede na iharvest ang mga bunga since malapit na mag April. Harvest month. Una, tinanong ko pa si Lolo kung ano yung Pilihan. Yun pala yung Pili nut dito sa Bicol. Taniman ng mga Pili.

Agad naman kami umalis ni Esteban. Sumakay ako sa owner jeep na dala niya kanina. Saan niya naman kaya to nahiram?

Tahimik lang kami ni Esteban sa byahe. Ano kaya ang iniisip nito?
Naalala ko tuloy yung kahapon. Nakakahiya talaga.

Flashback..

Parehong nanlaki ang aming mga mata at gulat na gulat dahil sa nangyari na hindi namin inaasahan. Our lips met! Putanginaaa! At ang mas nakakahiya? Ako yung nasa ibabaw. As in, shit talaga!

Sus keme ka pa Yassi. Bet mo naman.

Tse!

"HARUJUSKONG MGA BATANG ITO?! Bakit dito niyo ginagawa iyan? Doon nga kayo sa loob!"

Sa loob? La naman! Mali po yung iniisip niyo.

Si Lolo naman, pangisi-ngisi lang. Tinignan siya ni Lola ng masama kaya niyaya niya na ito pumasok sa bahay.

"Bilisan niyo na jan." ani Lolo.

----

Sa hapagkainan, hindi ko maiwasan ang sumulyap kina lolo at lola dahil hindi ako sanay na hindi sila nagkukwento tungkol sa mga bagay bagay na naganap sa bawat araw na nasa palengke at sakahan sila.

Nakakabingi din pala ang katahimikan.

Patuloy lang kami sa pagkain ng basagin ni lolo ang katahimikan.

"Umamin nga kayong dalawa. May dapat ba kaming malaman?" tanong ni lolo habang palipat-lipat ang tingin nya samin.

Tahimik lang na kumakain si Esteban kaya ako na lang sana ang sasagot ng harangin ako ni Lola sa tanong niyang, "May namamagitan ba sainyo ng hindi namin nalalaman?" awtomatikong namilog ang mga mata ko sa narinig ko na syang ikinaubo ko. Inabutan naman agad ako ng tubig ni Esteban.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon