22. Jealous

2.1K 41 0
                                    

Jealous



Ginabi na kami ng uwi ni Esteban. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko kanina pagkatapos hawakan ni Esteban ang kamay ko at dalhin sa sasakyan pabalik ng bahay. Tanda ko pa kung paano tumingin ang mga mapaglarong mga mata ng taong nakapaligid sa amin doon. Mga bibig nila ay nakatikom na para bang pinipigilan ang mga sarili sa pag-ngisi. Mga malisyosa! Ano kaya sinabi sa kanila ni Esteban? Hindi naman ako ang mapapangasawa ng mokong na to!

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto at bumaba papuntang sala. Naamoy ko ang lutuing nakapagpakalam ng aking tyan. Ganito talaga ang tyan ko, biglang nagugutom kapag nakakaamoy ng masarap na pagkain.

Hindi ko na inabala ang aking sarili sa pagpunta sa kusina dahil maaaring si Esteban na naman ang maabutan kong nagluluto. Mamaya niyan, naka-boxers na naman yun tapos naka-apron lang. Pa-yummy effect pero hindi naman. Tss. Kaya nga napatakbo ako nun papalabas ng bahay eh. Nabigla ako. Hindi ko kinaya ang karisma niya.

Fine!

Mula sa kusina ay lumabas si Esteban at niyaya akong kumain dahil nakahanda na daw ang pagkain. Tumayo ako at sumunod sa kanya.

Just like before, ganito parin ang set up namin. Walang kibuan sa hapag. Tanging mga titig niya lang ang nakakapag-pataas ng kilay ko sa kanya kapag nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Pagkatapos ay masisilayan ko ang tagong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi. Ano, batuhin ko na ng ulam to?

**



Lumabas ako ng bahay pagkatapos ng tahimik na dinner namin ni Esteban. Naglakad ako papuntang dalampasigan at dinama ang hanging sumasalubong sa akin. Ang lamig ng hangin ang nagpapaalala sa akin kung gaano ako nasaktan noong nakaraang araw. I was very shocked. Nagising ako bigla sa sobrang sakit ay parang gusto ko na lang dukutin ang puso ko sa dibdib at itapon ito sa malayo. Pakiramdam ko ay nawala ang buong lakas ko dahil doon.

Ang mahaba kong buhok ay tinatangay sa direksyon kung saan umiihip ang hangin. Tanging hampas ng mga alon ang nagbibigay ng tunog sa tahimik na gabi. Ang mga bituin sa itaas naman ang nagbibigay kislap sa madilim na langit. Marahil ganito talaga ang buhay. Kahit nababalot ng dilim ang kapaligiran mo, kung gising ka sa katotohanan ay makikita mo ang ganda nito.

Nabaon sa buhanginan ang lamig ng nararamdaman ko ng maramdaman kong may taong nakatayo sa gilid ko. Hindi siya kalayuan sa akin at hindi naman masyadong malapit. Nilingon ko ang taong iyon. Tahimik at seryoso itong nakatingin sa harap ng dagat, dinadama ang hanging kumakapit din sa kanya.

Sa tagal ng panahong hindi kami nagkasama ay masasabi kong malaki ang pinagbago niya when it comes to his physique and I don't want to describe his' dahil baka madagdagan lang ang pagpupuri ko sa kanya.

"Kamusta ka na?" Panimula niya. Napalingon ako bigla sa dagat dahil sa pagsalita niya. May kakaiba akong naramdaman sa boses na iyon, na para bang nangulila siya sa taong matagal na niyang hinahanap.

"Hindi ko alam ang dahilan mo para iwanan ako pagkatapos ng gabing iyon, Yella. Halos mabaliw ako dahil wala ka sa tabi ko pag-gising ko." Pakiramdam ko ay lalong lumamig ang ihip ng hangin pagkatapos iyon sabihin ni Esteban. Tanging pait mula sa kanyang puso ang nagsasalita.


"Pagkatapos ng nangyari sa atin, akala ko hindi mo na ko iiwan..." Dagdag niya pa.

Bakit ganito ang pinagsasasabi mo Esteban? Hindi ba ay engaged ka na? Bakit parang nakukuha mo parin ang loob ko dahil sa mga sinabi mo at parang pinaparamdam mo sa akin na dapat ay makonsensya ako dahil doon? Dahil iniwan kita?

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon