27. Blessing

2.1K 37 1
                                    

Blessing






Kinaumagahan ay lumabas ako ng kwarto at nagtungo ng kusina upang sana ay magluto ng breakfast. It was already 5:30am nang nadatnan ko ang mga pagkain na pang-almusal. Umuusok pa ito na parang bagong luto. Tumunog ang pinto sa kalapit na cr at inilabas noon si Esteban, naka-tapis ang ibabang parte ng katawan. Tinutuyo niya ang kanyang buhok gamit ang maliit na tuwalya ng mapansin niya ang presensya ko. Napatikhim ako bigla at dumiresto sa hapag.


"Good morning asawa ko." Bati niya sa akin at lumapit sa mesa, sa tapat ko. May kinuha siyang damit at shorts sa upuan na nakasampay doon at sa harapan ko siya mismo nagbihis. Dalian akong tumayo sa kinauupuan ko nang susuotin niya na ang kanyang shorts at nagtungo sa sink upang maghilamos. Pasaway talaga itong si Esteban!

"Asawa? We're not yet married." Sabi ko habang nakatulala sa may sink. Ramdam kong papalapit siya sakin. Iniharap niya ko sakanya at siya mismo ang nagpunas sa basa kong mukha.


"Doon naman tayo papunta, diba?" He said. Why so advanced, Esteban?

I gave him a smile at naupo upang kumain ng breakfast. Naupo rin siya sa tapat ko.

"Inihanda ko na pala ang dadalhin natin papuntang Bicol. Excited na sina Lola na makita ka." He said. Me too, I'm excited to see them. Masyadong matagal na nung huli kami nagkita. Hindi pa ako nakapagpaalam ng maayos noon bago ako umalis.

"Hindi ba sila..galit sa akin?" Tanong ko sakanya. Agad niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Tumingin siya diretso sa aking mga mata, na para bang sinisiguro niya na ayos na ang lahat.

"Bakit naman sila magagalit? Nag-alala pa nga sila sayo noong bigla kang umalis. Miss na miss ka na nila Yella. Kaya pupunta tayo doon." He said at ipinagpatuloy ang pagkain. I felt relieved now.

**



Pagkatapos ng mahabang byahe ay nakarating na rin kami sa mansion nila. Nandoon sila Lola, kasama ang ibang mga katiwala, maligaya nila kaming sinalubong.

"Yella!" Maligayang tawag sa akin ni Lola at niyakap ako ng makalapit siya sa akin. Niyakap ko siya ng pabalik.

"Kamusta ka na iha? Gumanda ka lalo apo!" Bahagya akong natawa sa sinabi ni Lola. Hindi ako makapagsalita dahil sa nararamdaman ko. Dito sa lugar na ito nagsimula ang lahat. Pakiramdam ko ay bumalik ang lahat ng mga alala ko dito.

"Kaya pala habol ng habol sayo itong si Esteban." Ani ni Lolo na siyang pagtikhim naman ni Esteban sa tabi ko na nakangiti lang.

"Lolo, siya ang naghabol, hindi ako." Proud na sabi ni Esteban. Tinignan ko siya at tinaasan ng isang kilay. Talaga lang huh?

"Ay ganoon ba? Ibig sabihin pala, si Yella ang sumunod sayo sa Paris ba iyon?" Si Lolo. O ano ka ngayon Esteban? Magyayabang ka pa ba?

Umingay ang mansion dahil sa pagbubulung-bulungan ng mga taong naroon. Ako naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa pangbubuking ni Lolo kay Esteban.

"O siya. Alam kong pagod kayo sa byahe. Naghanda kami ng pagkain. Magsikain na tayo." Anunsyo ni Lola na lalong nagpaingay ng paligid. May mga iilan ang bumati sa amin ni Esteban dahil sa wakas ay ikakasal na rin daw kami.


Kinilig naman ako sa ideya na iyon. Pero hindi parin maiaalis sa isipan ko na tutol parin ang mga magulang namin. Nagtataka nga ako dahil hindi nila kami ginugulo..sa ngayon. Baka hinayaan na nila kami. Sana nga ganoon. Sana natanggap na nila ang pag iibigan namin.


Maligayang nagkukwentuhan ang mga tao habang kumakain. Namiss ko ang ganitong salu-salo. Dati sa may kubo namin ito ginagawa, ngayon ay dito mismo sa loob ng mansion.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon