4. Pers Kiss

2.4K 49 0
                                    


Pers kiss



Pagkatapos ng araw na yon ay hindi na siya naging snob.

Natong lang pala ang katapat nun eh.

Kinakausap niya rin naman ako kaso, lahat may halong pang aasar. Tulad ngayon. Nakatingin siya sakin at pangisi-ngisi. Nagmumukha tuloy siyang adik.

"Anong tinitingin-tingin mo jan? " inis na saad ko sakanya. Sarap tusukin ng mata eh.

"Tahimik ka ata ngayon. Buntis ka ba?" At saan niya naman kaya nahugot yang tanong na yan? Kung makapagtanong to, kala mo asawa ang kausap.

Asawa? Ako? Ni Esteban? Yuck.

"Buntis mo mukha mo! " Kainis to. Mamaya may makarinig pa eh.

"Haha. O mangga. Baka naglilihi ka lang. " Sabay hagis ng hawak niyang mangga papunta sa direksyon ko. Mabuti na lang at nasalo ko agad kung hindi, ay naku talaga! Yung kawali nakahanda lang.

Wag na kayo magtaka. Close na kami niyan. 2 months na rin ako naninirahan dito at okay na okay ang pakikitungo nila sakin. Kaso minsan parang OA na ang mga jokes ni Esteban tulad ngayon.

Nahihiya na nga ako kasi kung ituring nila ako, parang totoo na nila akong kapamilya. Gusto ko sana maghanap ng trabaho para magamit ko na yung pinag-aralan ko kaso hindi pwede. Malamang sa malamang, matitrace ako ng pamilya ko. They have wide connection at hindi iyon imposible na mahanap nila agad ako. Mas mabuti na yung nag iingat. Kaya para makatulong kina Lola, tumutulong ako sa pagbebenta ng mga gulay at prutas sa palengke.

Minsan ay sa bahay na lang daw ako. Umuuwi kasi minsan si Esteban kapag tanghali. Wala daw maghahanda ng pagkain kaya pinapaiwan na lang ako. Sina Lola at Lolo naman ay palaging may baon na pananghalian nila.

Napasulyap ako kay Esteban kasi ramdam kong nakatingin siya sa akin. At tama nga, nakatingin siya sakin. Para bang mang aasar ulit siya dahil sa mga nakakaloko niyang ngiti kaya inirapan ko siya at nagtungo sa salas para buksan ang radyo. Nilakasan ko talaga ang volume para hindi ko marinig ang pang aasar niya.

"Pansamantala po muna namin pinuputol ang programa dahil sa isang anunsyo na kararating lamang po. Kung sino man ang nakakakilala o nakakaalam kung saan namamalagi ang nagngangalang Graciella Yassi Leviste, anak ng isang kilalang kompanya na pag-aari nina Mr. Peter at Mrs. Amanda Leviste, ay ipagbigay alam lamang dito sa himpilang ito--"

Hindi ko na pinatapos yung DJ na nagsasalita sa radyo. Agad ko nilipat sa ibang istasyon na puro music at hininaan ng konti ang volume ng radyo.

"Bat mo nilipat?" nagtatakang tanong ni Esteban.

"At kailan ka pa nahilig makinig sa balita?" patay malisya kong sagot sakanya.

"Ngayon lang. Ibalik mo na. Ano daw pangalan? Baka mahanap ko yung tao, mabigyan pa ko ng reward." Sabi naman niya. Ah ganun, reward pala habol niya. Haha. Sabagay, willing talaga magbigay ng reward ang pamilya ko, makita lang ako.

Sorry Esteban pero hindi ko ibubuking sarili ko sayo.

"Tss. Wag ka na umasa. Di mo mahahanap yun."

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon