20. Not Now

1.8K 36 0
                                    

Not now





Pinipigilan ko ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos. Walang lakas kong tinahak ang daan papalabas ng hotel ng may taong humawak sa braso ko. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon kung sino ang taong iyon. I thank God dahil si Alex ang nakita ko. Hindi na rin ako maglukunwari sa sarili ko na kahit papano ay umasa ako na sana sinundan ako ni Esteban.


Pero hindi nangyari iyon.

"Alam mo ba ang lahat ng ito, Alex?" Mahina ngunit may diin na tanong ko. Ang sakit ng dibdib ko na parang hindi na kaya huminga. Hindi ko makayanan. Gusto kong sumigaw pero wala akong lakas para gawin iyon.

"Im sorry..I--" Hindi niya na napatuloy ang sasabihin niya dahil napakapit ako sakanya dahil nanghihina na ko. Totoo bang ikakasal na si Esteban? Kinalimutan niya na ba talaga ako? I told him to wait diba? Pero bakit hindi niya ako nagawang hintayin?

"Gusto ko ng umuwi.."

"Ihahatid na kita."

"Kaya ko mag-isa."

"Please.."

"Please Alex, gusto ko munang mapag-isa." Itinayo niya ako at inalalayan papuntang labas ng hotel. Hindi ako kumikibo. Ganoon din siya. Tahimik lang kaming nakatayo hanggang sa may tumugil na taxi sa harapan namin.

"Text me if nakauwi ka na." Tumango na lamang ako.

**







I called Ivy para may kasama akong uminom ngayon. Niyaya ko siya na mag bar kami since 11pm pa lang naman. Hindi ko alam kung ano pumasok sa kukote ko para uminom ngayon. I know na hindi maiibsan ng alak ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. At least, gusto kong makalimot kahit ngayon lang. We invited also the other girls pero mukhang hindi makakasunod ang iba. Si Georgette lang ang makakasunod sa amin.

"Hoy, tama na yan Gy! Ang dami mo ng nainom." Pilit na inaagaw sa akin ni Ivy ang iniinom ko. Hindi ko alam kung tequila pa ba tong iniinom ko. Wala na akong panlasa. Pati yata panlasa ko ay naging bitter na din.

"Pagkatapos niyang mag I love you saken? Ganon ganon na lang? May fiance na agad? Tatlong taon lang naman ako nawala ah? Sa tatlong taon na yan, siya lang ang lamang ng puso ko! Esteban!! Ano bang nangyari sa I love you mo sakeeen?!" Umiiyak na ko dahil siguro dala na rin ng alak at sakit sa sistema ko. Para akong bata na naagawan ng kendi. Natawa ako sa sarili ko. Hindi ko naimagine noon na magiging ganito ako.

"Gy..uwi na tayo. Nakarami ka na. Tatawagan ko si Alex." Sabi ni Ivy na bigla ko namang inagaw ang cellphone ko na hawak niya.

"No. Not now. Nagtatampo pa ko sakanya. Alam pala niya ang lahat ng to, hindi niya man lang ako sinabihan agad. Kaya..kaya pala hindi ako kinakamusta ni Esteban dahil nagkabalikan na sila nung ex niya!" I said at muling uminom.

Naalala ko na! Kaya familiar kanina ang pangalan ni Adrielle pagkatapos banggitin iyon ni Alex dahil narinig ko na iyon! Ngayon ko lang din napagtanto na kamukha nung babae ang nasa picture na pinasunog sa akin noon ni Esteban.

Biglang nag init ang ulo ko dahil doon.

Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko lahat na lang ng nakapaligid sa akin ay pinaglilihiman ako? Ito ba yung karma ko?

"Okay. Ihahatid na lang kita. Ngayon na habang kaya mo pa maglakad. Hindi kita kayang buhatin uy!" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Mamaya na. Sayaw muna ako doon." Agad akong tumayo. Na-out balance pa ko ng konti pero hindi iyon naging hadlang para hindi tahakin ang dance floor. Sumunod sa akin si Ivy.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon