24. Announcement

2.1K 40 0
                                    

Announcement

Ang simoy ng asul na dagat ay nagpapaalala sa akin ng mga araw na nasa Batangas ako kasama si Esteban. Sariwa pa sa aking ala-ala noong gabing nag-prupose sa akin si Esteban. Pagkatapos noon ay nagtungo kami sa may malaking kubo kung saan nandoon ang ibat't-ibang klase ng putahe. Nandoon din ang ibang trabahador nina Esteban at maligaya nila kaming binabati.

"Kuya Saff! Congrats sainyo. Naku, mauunahan mo pa yata talaga ako mag-asawa." Rettina, pinsan ni Esteban na lumapit sa amin habang hawak-hawak ang kanyang plato na punong-puno ng pagkain.

Mas ahead ng ilang taon itong si Rettina kay Esteban pero Kuya ang tawag niya dito. Sa kanilang magpipinsan, siya ang mas matanda. Panganay ito sa tatlong magkakapatid at Unica hija ito. Sa kagustuhan niyang magkaroon ng kapatid na mas matanda sakanya ay tinatawag niya ang kanyang mga pinsan na Kuya.

"Balita ko ay may nanliligaw sayo? Sagutin mo na para ikasal ka na rin." Sagot naman sakanya ni Esteban na kanina pa nakahawak sa bewang ko. Ayaw yata ako pakawalan. Gusto nakadikit sakin. Kahit pagpunta ng banyo, sumasama, except kapag papasok na sa banyo mismo, ano siya? Sinuswerte?

Umirap si Rettina sa sinabi ni Esteban na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

"Never! Hindi nanliligaw yun no! Nang-iinis kamo. Tss." Sabi nito na parang inis na inis siya sa taong tinutukoy nito. Natawa na lang si Esteban sa naging reaksyon nito.

"LS!!" Boses ng isang pamilyar na tao ang narinig ko kaya nilingon ko iyon. Hindi ako nagkamali, si Kuya!

"Kuya! You're here!" Masayang bati ko sa kanya at niyakap ito. Binitawan naman ako ni Esteban para makayakap sa kapatid ko.

"Sayang! Mukhang hindi ko naabutan." Kuya said. May halong panghihinayang sa boses nito kaya agad akong kumapit sa braso nito.

"Okay lang Kuya. May video naman daw. Pwede mo panuorin mamaya." Maligayang sabi ko.

"Nandito ka pala." Sabi ng Kuya ko. Sinundan ko ang tingin niya at nakatingin ito kay Rettina.

"Bakit, ikaw lang ba ang invited dito? Tss." Sagot naman ni Rettina sabay taas kilay nito at umalis na lamang. Nag walk out.

Nakita ko ang pagtatago ng ngiti ni Esteban at lumapit ito sa akin.

"Magkakilala kayo Kuya?" Tanong ko kay Kuya na sinundan ng tingin ang daan kung saan nagtungo so Rettina.

"Kuya?" Agaw tawag ko sakanya.

"Yes?" Kuya

"Magkakilala kayo ni Rettina? Kailan pa?"

"Hindi. Sige, alis na ko. Nagpunta lang talaga ako dito para tignan ka."

"Kuya, kumain ka muna doon sa loob."

"I'm full LS. So, gotta go. Congrats to the both of you. Mr. Abuevo, tumupad ka sa usapan." Nilingon nito ang katabi kong si Esteban. Tumago naman ito at nagpasalamat.

**

"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Esteban. Tumango na lamang ako bilang sagot at binigyan into ng ngiti.

Kakarating lang namin dito sa condo ko at tinulungan niya akong magligpit ng gamit dito. Nang huling iniwan ko kasi ang condo na ito ay medyo makalat. Ilang weeks din ito hindi natirhan kaya medyo maalikabok.

"Parang ang tahimik mo yata. Di ako sanay." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko at mataman akong tinignan. Yung mga titig niya talaga minsan ay nakakatunaw. Parang akong isang kandila na unti-unting natutunaw dahil sa init ng mga titig niya.

My Unexpected Groom (Abuevo Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon